10

25 3 0
                                    

INVISIBLE PEN

Habang tumatagal… nagiging komportable silang dalawa sa isa't isa. Hindi na nila halos maisip kung kailan at paano sila nagkakilala.
Ang alam lang ni Kaliza ngayon. Hindi na siya nag-iisa.

"Magkape ka muna. Ang aga aga kase nandito ka na."

Sabi ni Kaliza kay Wilson habang inaabot sa binata ang hawak na tasa. Mabilis naman na tumayo si Wilson para kunin ang tasa na iyon sa dalaga.

"Nagtimpla ka pa. Kumain ka na ba? Nagdala pala ako rito ng chocolate cake."

Inalalayan pa niya'ng makaupo sa sofa ang dalaga bago hinanda ang dala niyang cake.

"Dalawang slice. Isa para sa iyo at para sa akin. Oh." Nilapit niya ang platito sa dalaga.

"Salamat. May pa-cake ka pa." Natatawang sabi ni Kaliza.

"Birthday ko ngayon."

"Huh? Bakit ngyon mo lang sinabi. Eh, 'di sana nagluto ako."

"Hindi na kailangan." Sapat na ang kasama kita.

Gusto sana niyang sabihin pero hindi puwede. Ngayon pa na alam na niya ang totoo. Siya nga ang rapist ng dalaga. Hindi niya maiwasan ang malungkot.

"Wala ka ba'ng girlfriend? Naghanda ka ba?"

"I do not have a girlfriend." Sagot naman niya saka humigop sa tasang may kape. "Ikaw ba? Nagkaroon ka ba ng boyfriend?"

"You seem so curious today, Wilson Denver." Anas niya saka humiwa sa sliced cake.

"I didn't questioned your question and now you're questioning my question?"

Napangiti si Kaliza sa naging sagot ng binata.

"Well, wala. Walang nanligaw, walang nagtangka, walang kahit isa."

"What if mayroon?"

Kaliza suddenly furrowed her eyebrows in confusion about Wilson's question.

"What do you mean?"

"Pa'no kung… may gusto nang manligaw sayo?"

"Imposible iyon."

"Pa'no kung may manligaw na sayo?"

"Hindi ko alam. Hindi ko alam ang sasabihin dahil hindi ko pa nararanasan iyon. Salamat kung mayroon nga." Nakangiting sagot niya.

Her smile is so sweet. It's like she's not blind.

"Pa'no kung ligawan kita?"

"Pa'no kung ligawan kita?"
"Pa'no kung ligawan kita?"


--
KUYA JAZ: Kung ikaw si Kaliza, anong sasabihin mo? Are you going to answer it, "It's fine. Go on, you can court me." Or a way like this, "I can't."

Hmm?

Einsteins, hindi kayo dapat na magpadala sa mabulaklak na kataga ng mga lalaki dahil kadalasan paraan lang namin iyan para mapa-OO ang mga babae. Maganda ka kase e. Ang tamang tao ay darating sa tamang panahon. Huwag kang magmadaling umibig dahil busy pa si Lord sa love story mo. Tsk. Have a nice day, Einsteins. ^_^||

Invisible PenWhere stories live. Discover now