30

7 0 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Kaliza’s POV)

Bakit mo sinabing mahal mo ako kung iiwan mo rin pala akong luhaan? Bakit ka pa nagpakilala sa akin kung kalilimutan mo rin ako? Bakit mo pinaramdam sa akin ang presensya mo kung pagdilat ko'y wala ka naman? Bakit?

Tumayo ako sa upuan saka binigay sa lalaki ang bayad ko. "Maraming salamat sa tulong niyo." Sabi ko.

"Wala po iyon." Sagot naman niya saka sumakay na sa truck na dala nila.

I decided to move here in Vigan to continue my life again. After several years, bumalik na rin ako sa pagiging ako. Salamat sa taong tumulong sa akin. Salamat sa pang-iiwan, Wilson.

"Tulungan na kita, Miss."

Kumabog bigla ang puso ko! He use to say that phrase. But sad to say, hindi siya si Wilson.

Ngumiti ako saka tumango. "Salamat." Binuhat niya ang isang kahon saka sumabay sa akin papasok sa bahay.

"Bagong lipat?" Tanong ng lalaki nang maipasok sa receiving area ang box.

"Ahm, oo." Sagot ko saka muling lumabas.

Ayoko nang makakilala pa ng lalaki. Siya lang ang kailangan ko.

"You're…?"

Hindi ko siya pinasin kahit pa naipasok na namin ang lahat ng kahon sa bahay.

"Salamat uli sa tulong…"

"My name is Winston and you are…?"

Bahagya akong napangiti sa pangalan niya. Mapaglaro talaga ang tadhana.

"Ako si Kaliza." Sagot ko.

"Bukod sa mga mata mo ay mas maganda ang pangalan mo."

Tumango lang ako. Ayoko nang pahabain pa ang usapan.

Umalis din siya kalaunan kaya sinara ko na ang pinto.

New house, new life. How sad.
Gusto kong makausap si Wilson. There is something I want to know and I want that words to be heard from him.

Invisible PenWhere stories live. Discover now