29

7 0 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Kaliza's POV)

Ramdam ko ang dahan dahang pagtanggal nila sa bendang tumatakip sa aking mga mata. Ngayon makikita ko na ang labas. Matagal-tagal rin akong nabulag at ilang taon na rin akong nakakulong nang mag-isa sa bahay ko.

Nananatiling nakapikit pa rin ang aking mga mata kahit pa natanggal na ng tuluyan ang benda sa aking mga mata. Hindi pa ako handa sa ngayon.

"You can now ipen you eyes, Ms. Freshner." Narinig kong sabi ng doktor.

Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Uhaw sa walong taong kadiliman ang nakikita.

"Ha..." napabuntong hininga ako at halos mawalan pa ng hininga nang maaninag ko ang mga tao sa harapan ko. Medyo malabo pa ang bisyon ko. "To-totoo ba 'to?"

"Successful siya." Narinig kong bulong ng doktor. May hawak siyang cellphone at nakatutok iyon sa bibig niya.

"Si Wilson?" Tanong ko.
Sumenyas si Doc. Rodriguez kaya isa isang lumabas ang mga nurse na nasa loob ng kwarto.

"Tignan mo muna ang bago mong mga mata." Saka niya inabot ang isang face mirror.

Nilapit ko iyon sa mukha ko saka pinagmasdan ang aking mga mata. Napanganga ako. "Sino ang donor ko? Ang ganda ng mga mata niya..." halos maluha-luha kong sambit.

"Karapatan ng donor na itago ang kaniyang identity. But, don't worry... ang mahalaga ay nakakakita ka na uli, Ms. Freshner." Masayang sagot ng doktor.

Binaba ko ang salamin saka humarap sa kaniya. "Pero, nasaan si Wilson?" Muli kong tanong. Pakiramdam ko ay iniiwas niya ang topic kapag nagtanong na ako tungkol kay Wilson. "Gusto ko siyang makita. Pareho kaming naaksidente kahapon."

"Anong kahapon? Dalawang linggo na ang nakararaan nang maaksidente kayong dalawa. Ikaw lang ang nakita ko sa hospital, wala na siya after niyang mabigyan ng first aid. Wala ba siyang nasabi sayo?"

"Sinungaling ka! Anong... imposible. Nakita ko pa siya bago ako maipasok rito. Nandito langsiya! Lalabas ako." Anas ko saka bumaba sa kama. Marahas kong tinanggal ang suero sa kamay ko!

"Teka, Ms. Freshner. Delikado iyang ginagawa mo. Mahina pa ang katawa--"

Lumapit ako sa doktor saka ko siya tinulak.

"Wala akong pakialam. Kanina pa kita tinatanong pero wala kang naisasagot. Ganiyan ba kayong mga doktor? Eh, wala pala kayong silbi!" Sigaw ko bago nilabas ang kwarto.

Hinanap ko sa bawat pinto ng kwarto ang pangalang Wilson Denver but I failed.

Walang Wilson Denver bukod sa Wilson Guzman at Wilson Pangan.

Naiyak akong napaluhod sa malamig na sahig ng hospital habang binibigkas ang pangalan niya.

Bakit niya ako iniwan?

Invisible Penحيث تعيش القصص. اكتشف الآن