20

20 0 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Kaliza’s POV)

[Flashback]

Minulat ko ang mga mata ko.

Ang sakit ng ulo ko! Mariin kong naipikit ang mga mata ko dahil parang hinihiwa ng matulis na bagay ang ulo ko!

Dinilat ko na uli ang mga mata ko saka nilibot ng tingin ang lugar.

Nasaan ako?

Kinamot ko ang aking mga mata.
Puno ng mga pictures ang lugar. Photoshop ba 'to?

Tatayo na sana ako nang biglang sumulpot sa harap ko ang dawalang pares ng binti ng kung sino!

Napalunok ako saka nag-angat ng tingin sa kaniya. Hindi ko makita ang mukha niya. Bukod sa madilim ay humaharang ang usok ng sigarilyo niya sa mukha niya.

"Si…sino po kayo?" Nanginginig pa ang boses ko nang tanungin ko siya.

Hindi siya sumagot. Kinagat niya ang stick ng sigarilyo niya saka niya isa-isang inalis sa pagkakabutones ang polo niya!

"Te-t-teka! Teka po!" Nagsimula nang magwala ang nararamdaman ko'ng takot!

Tinapon niya ang sigarilyo niya at mabilis na hinubad ang suot na polo! Agad kong tinakpan ang mga mata ko!

Humawak siya sa braso ko!

"Teka po! Pakiusap! Huwag po, kuya!!" Nagpatuloy ako sa pagsigaw pero tila isa siyang bingi dahil hindi niya man lang ako pinapansin.

Nasabunot ko ang malabong niyang buhok nang maramdaman ko ang ngipin niyang kumagat sa leeg ko!

Diyos ko po! Bampira pa yata 'to!

"Kuya, huwag… huwag po! Pakiusap!" Tumulo ang luha ko sabay nang pagsabunot ko sa buhok niya!

"Aargh!" Tinulak niya ako!

Gumapang ako palayo sa kaniya pero hinila niya ang suot kong bestida!

Teka! Bestida? Paano ko nasuot 'to?!

Hinila niya ang laylayan ng bestida hanggang sa napunit na iyon!

"Tulong!!" Sigaw ko pa. Umaasang may makakarinig sa akin.

Hinatak niya ang braso ko! Lumaban ako hanggang sa naitulak ko siya at mauntog sa pader!

Pagkakataon ko na sanang makatakas pero nakuha niya ang binti ko! Humarap ako sa kaniya!

"Aaaaaahhh!!" Napahiyaw ako nang may ibuhos siya sa mukha ko! "Aahh! A-ano 'to?!" Naiiyak na tanong ko! Humapdi ang buong paligid ng mga mata ko!

Nangapa ako sa kadiliman ng lugar hanggang sa mahawakan ko ang isang matigas na bagay.

Winasiwas ko iyon sa paligid! "Wag ka'ng lalapit!!" Hindi ko mahawakan ang mukha ko! Ang sakit!!

Bumagsak ako nang suntukin niya ang tiyan ko! "Agh!"

"Pakiusap…" anas ko nang lumapit uli siya sa akin.






--

Invisible PenWhere stories live. Discover now