4

21 5 1
                                    

INVISIBLE PEN

Mabilis na pinindot niya ang off button ng camera saka napahilamos sa sariling mukha!

"Maikukwento mo ba ang nangyari?"
Bakas sa pagiging interesante ng binata ang pagtatanong.

"Hindi ko alam…" naiiling na sagot naman ni Kaliza. Hindi niya yata masisikmurang balikan pa ang kahapong nagdaan.

"Just try."

Humugot nang malalim na paghinga si Kaliza bago nakapagsalita. Ito na siguro ang tamang panahon para malaman ng lahat kung bakit siya biglang nawala ng halos isang dekada.

"Galing ako noon sa isa'ng publishing company, pumirma ng kontrata. Naabutan ako nang malakas na ulan sa gitna nang madilim na gabing ako lang ang tao sa kalye."

"Slowly.."

Tumango si Kaliza sa sinabi ni Wilson.

"May umakbay sa akin nang gabing iyon. Nagtaka ako. Haharap sana ako pero tinakpan niya ng panyo ang ilong at bibig ko. Unti-unti kong naramdaman ang antok hanggang sa makatulog na nga ako."
Saglit siyang huminto at humugot ng malalim na paghinga. Masakit pa para sa kaniya ang balikan ang bawat oras at pangyayaring isinumpa niya.

"Doon na ba nangyari ang rape?"

"Hindi. Dahil nagising pa ako noon. Hindi ko nakita ang mukha niya pero alam ko kung nasaan kami noon."

"Saan?"

"Isang kwarto'ng puno ng mga litrato. Sa tingin ko, iyon ay isang photoshop. May mga kemikal roon na ginagamit para sa pag-develop ng mga pictures."

"Nasaan siya nang magising ka?"

"Nakatayo sa harap ko. Naninigarilyo pero takip ng salamin ang mga mata niya. Natatakot ako. Takot na takot ako kase lalaki siya at babae ako." Tila ba nagbabalik ang mga alaalang iyon sa bawat pagbitiw niya ng kataga.

Napayuko si Kaliza nang mag-umpisa na ang paghagulgol niya.

Mabilis na lumapit sa kaniya si Wilson saka hinagod ang likod niya para humupa ang nararamdaman niya.

"Okay lang iyan. Iiyak mo lang ang nararamdaman mo."

Isinandal ni Wilson ang ulo ni Kaliza sa dibdib niya saka niya ito pinakalma.

"Ang lalaking iyon ang sumira ng buhay ko. Hindi ko siya kilala."

"Sige lang…"

"Nanlaban ako nang simulan niya ako'ng hawakan. Nanlaban ako pero nagalit siya kaya kinuha niya ang boteng malapit sa kanya at binuhos sa mukha ko! Ang sakit noon! Ang sakit, ang hapdi! Akala ko ay katapusan ko na. Nagawa niya ang gusto niya at dinala ako sa isang lugar. Hindi ako makagalaw o makasigaw man lang. Doon niya ipingpatuloy ang… ang…"

"Oo. Okay, alam ko na. Nandito ako para pakalmahin ka. Just cry it out loud."

"He raped me!" Nabunutan yata siya ng tinik nang maihiyaw na ang nakakasuklam na katagang iyon!

"I know."

Invisible PenWhere stories live. Discover now