28

7 1 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Kaliza’s POV)

I felt heaviness in my eyes. Humawak ako sa aking mga mata pero benda ang nakapa ko roon. Anong nangyari?

"Wilson?" Pagtawag ko sa pangalan niya. Alam kong siya ang huli kong nakita. Nakita ko siya. Nakakakita na ba ako?

"Wilson?"

Baka nakatulog lang siya sa tabi ko. Nagdesisyon akong kapain ang gilid ng kamang hinihigaan ko, maging ang hangin at katawan ko ay kinapa ko na pero isang bagay lang ang nahawakan ko. Isang suero na nakakabit sa aking kamay.

Nasa hospital ako.

"Wilson?" Mabilis na tawag ko uli nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. "Buti at dumating ka na. Kanina pa ako naghihintay e. Gusto ko nang umu--"

"Misa Freshner."

Hindi siya si Wilson

"Sino ka?"

"I am Doctor Rodriguez. Kinuha ako ni Wilson, grabe… ang galing niyang mang-uto, biruin mo? Napaka-busy kong doktor pero nagawa ko pa ring pumayag sa pabor niya na ako ang mag-opera sayo."

"Op-opera?!" Takang tanong ko. Kaya ba may benda sa mga mata ko!?

"Oo. Dalawang linggo na ang nakaraan simula nang maoperahan kita. Nandito ako para--"

"Teka! E, si Wilson? Nasaan siya? Dapat nandito siya, diba?" Napaupo na ako sa kama.

"Ahm, ang sabi niya. Sinabi niyang balitaan ko na lang siya sa naging resulta ng operasyon."

"Hindi!" Naiyak ako. "Bakit wala si Wilson?! Bakita wala siya!"

"Huminahon ka Miss Freshner. Tatanggalin na namin ang benda sa mga mata mo para malaman kung nakakaki--"

"Ayoko! Nasaan si Wilson? Kailangan nandito siya bago niyo tanggalin 'to!" Sigaw ko.

"Okay sige." Anas naman ng doktor.

Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila kaya pinakinggan ko na lang sila.

(Dr. Rodriguez' POV)

Hindi ko naman alam na ganiyan pala siya kakulit. Mabilis na kinuha ko ang cellphone ko at tinawagan si Wilson.

"Nandito na si Wilson." Sabi ko saka pinindot ang loud speaker.

"Wilson?" Umangat ang kamay ni Kaliza kaya ako muna ang kumuha noon dahil wala naman si Wilson. This is bullshit.

"Kaliza…"

Sumilay agad ang malawak na ngiti sa labi ni Kaliza nang marinig ang boses ni Wilson.

Invisible PenWhere stories live. Discover now