24

15 1 1
                                    

INVISIBLE PEN

(Kaliza’s POV)

Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya nang marinig ko ang pagbuntong hininga niya. Nakaupo kami ngayon sa likod ng kotse niya na sa tingin ko ay isang pick-up.

"Sorry…" bulong ko.

"Bakit ka naman nagso-sorry?"

"Kase, nasira ang gabi na 'to nang dahil sakin."

"Hindi mo iyon kasalanan." Sagot niya. Humawak siya sa pisngi ko saka niya iyon bahagyang kinurot. "One week na lang." Anas niya saka hinawakan ang kamay ko.

Alam ko ang tinutukoy niya. Tatlong linggo na ang nakararaan simula nang magsimula ang panliligaw niya. Hindi ko kailanman naisip na nanliligaw siya…

"Oo nga." Sagot ko. Nilayo ko ang ulo ko sa kaniya saka napayuko.

Hindi ko pa alam ang nararamdaman ko. Mabait siya at gentleman pero parang may mali.

"Pwede ba akong humingi ng pabor sayo?" Tanong naman niya sakin kaya bahagya akong lumingon sa kaniya.

"Ano iyon?" Takang tanong ko naman.

"Write a short story about two person… they love each other yet, they can never be together. Please entitle it as… Invisible Pen." Sagot niya.

Kumunot ang noo ko. "Invisible Pen? Bakit?" I asked. He's weird.

"Kase yung babae roon ay bulag… at isa siyang writer."

"Hindi iyon kakayanin ng short story. Isusulat ko na lang siya endlessly." Saka ako ngumiti.

"Ikaw ang bahala." Sagot niya.

Muli kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya. I held his hand. And feel every beat of his heart.

"Gusto ko sanang humingi ng tawad sa'yo, Kaliza."

Hindi ako nagsalita. Hinayaan ko lang siya na ituloy ang anumang sasabihin niya.

"I'm so sorry."

"Para saan?"
Nagtaka na ako kaya hindi ko na naiwasan ang magtanong.

Narinig ko ang paghikbi niya kaya hinawakan ko ang pisngi niya at naramdaman ang luha roon. Pinunasan ko naman iyon saka nagsalita. "Para saan ang sorry na iyan?"

"Patawarin mo sana ako, Kaliza. Mahal lang talaga kita. I'm so sorry.."

Nagulat ako nang yakapin niya ako saka humagulgol ng iyak sa balikat ko. Wala naman akong nagawa kaya sinuklay ko na lang ang buhok niya gamit ang mga daliri ko.

"Sige. Pinapatawad na kita. Ano man ay patatawarin ko." Bulalas ko saka huminga ng malalim.


Invisible PenWhere stories live. Discover now