31

7 1 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Wilson's POV)

"Narinig ko mula kay Darius ang krimen na nagawa mo." Nagsalita ang kapatid ko habang nagtitimpla ng black coffee.

Umirap lang ako saka kinuha ang remote ng smart tv niya at pinindot ang youtube na naroon.

"Tss. Ang kapal naman ng mukha mong mahalin ang babaeng ni-rape mo. Para kang humingi ng bigas sa langit." Umupo siya sa tabi ko nang maipatong niya sa crystal clear center table niya ang hawak na tasa.

"Ano bang magagawa ko? Iyon ang nararamdama--"

"Invalid reason." Humigop siya ng kape.

"Paano mo nagawang itago sa akin iyon ng halos isang dekada? Nagpanggap ka pang isang psychiatrist? Isang desperado. Hindi ko matanggap na mukha ko pa ang madadamay sa kalokohan mo."

"E, 'di magparetoke ka."

"Maraming babae ang gusto ng ganitong klase ng mukha. Nagkaroon lang ng carbon copy."

"Ano?"

"Basta."

Umirap lang ako. I just can't believe na napauwi niya ako rito sa Germany.

"Anong balak mo?"

"Balak saan?"

"You need to pay for what you have done. Hindi ka puwedeng tumakas. Mahal mo siya, 'di ba? Kung mahal mo siya, kaya mong isakripisyo ang buhay mo." Sagot niya saka muling humigop ng kape.

Napaisip na naman ako.
Bakit ko ba kase nagawa ang bay na iyon?

"Mahirap ba?"

"Tss." Singhal ko.

"Gusto mo bang tulungan kita?"

"Paano? Wala ka namang ibang alam bukod sa lumandi."

"Magkamukha naman tayo..."

Napalingon ako sa kaniya.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Wala naman. Ano ba naisip mo?"

Invisible PenWhere stories live. Discover now