5

22 4 0
                                    

INVISIBLE PEN

Nilayo ni Kaliza ang sarili sa lalaki saka pinunasan ang luhang bumasa sa pisngi niya.

Nakatingin lang sa kaniya si Wilson na halos hindi makapagsalita. Tila may bumabagabag sa kaniya ngunit hindi niya maisip kung ano ito.

"Kaya mo pa ba'ng… itu-ituloy?"

Bumuntong-hininga muna si Kaliza saka tumayo.

"Gusto ko nang kalimutan ang nangyari dahil wala rin namang mangyayari. Walang naniwala sa akin na biktima ako nang panggagahasa. Kung sana lang ay may tumulong sa akin para mahanap ang lalaking iyon…"

Tumayo rin si Wilson saka sumunod kay Kaliza na ngayon ay patuloy pa rin sa paglalakad.

"Matanong ko lang…"

"Ano iyon?" Tanong rin ni Kaliza.

"Nagbunga ba ang nangyari?"

"Salamat at hindi."

"Napansin ko lang… wala ka ba'ng mga parents? Dapat alagaan ka nila lalo na't hindi ka nakakakita."

Hinarap siya ni Kaliza.

"Hindi ko alam kung ako ang nawawala o sila ba ang nawawala dahil simula nang mabulag ako at magahasa ay naglaho sila na para ba'ng bula."

"Gusto mo pa ba silang makita? Sila ba yan?" Tanong niya nang mapansin ang isang litratong malapit sa kanila.

"Oo."

Kinuha niya ang picture frame saka pinagmasdan.

"Saya niyo rito, ah." Saad niya habang nakangiti. "Wala ka'ng litrato mo nang kabataan mo?"

"Bakit?"

"Just wanna know if you're that beautiful for the rapist."

"Niloloko mo ba ako?"

"Just kidding. Di na mabiro?"

"Una sa lahat, hindi kita kaibigan. Pangalawa, hindi biro ang rape para sa aming mga biktima nito dahil sinira nito ang puri namin bilang babae. Sinira nito ang pangarap at buhay na ninanais namin. Huwag mo'ng gagawing biro ang rape. Bakit, mister? Hindi ka pa ba nakaramdam ng lust? Maybe yes, you're a man."

Napalunok naman si Wilson.

"Okay, I'm sorry."

Hindi naman nagsalita si Kaliza saka muling naglakad patungo sa labas ng bahay niya. Nakasunod lang sa kaniya si Wilson.

"Alam mo… I'm your number one fan. Paborito ko ang lahat ng mga nobela mo."

Huminto si Kaliza sa paglalakad sa narinig na inusal ng binata.

Invisible PenWhere stories live. Discover now