17

23 3 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Kaliza's POV)

"Aren't you happy?"

Napangiti ako sa tanong niya. "Bakit mo natanong?"

"Ang tahimik mo. Sabi ng doctor may posibilidad naman na makakita ka pa. Donor lang ang kailangan."

"Mayroon ba? Hindi muna ako aasa. Baka masaktan na naman ako." Sabi ko.

Inalalayan niya ako papasok sa loob ng kotse niya saka ko siya narinig na naglakad.

Una ko'ng hahanapin ang taong walang hiyang nangmolestiya sa akin kung makakita man nga ako.

I need to see him and sue him for what had happen to me.

Pagsara ng pinto ng kotse niya ang sunod ko'ng narinig bago ang pag-andar ng sasakyan.

"Kain muna tayo. Sa'n mo gusto?"

"Subukan nating kumain sa Hardware Store." Biro ko.

Narinig ko na naman ang hagalpak niya'ng tawa.

"Sige." Pagsang-ayon naman niya. "Kainin natin yung mga flexible hoses, wires at screwdrivers na naroon. Haha!" Dagdag pa niya.

Hindi ko na namalayan na kanina pa pala ako nakangiti. Nangawit na lang ang labi ko bago ko iyon inalis.

This man... he really love jokes. A corny jokes.

"Ako ba iniisip mo?"

"Ang kapal."

"Ng abs ko." Pagdugtong niya sa sinabi ko.

Napailing ako saka tumawa. "Self support? I found you funny. Ngayon pa lang napapaisip na ako."

"Napapaisin ng alin?"

"Ano kaya ang itsura mo?"

"Makalaglag panty ang kaguwapuhan ko."

"Ayoko nang makakita kung gano'n."

"Ang sama mo.." Sagot naman niya.

Hindi ako nakapagsalita nang makarinig ako ng ringtone. That wasn't my ringtone. And suddenly the sound stopped.

Nagtaka ako dahil hindi ko siya narinig na nagsalita. He didn't answer the call?

"Hindi mo sinagot iyong tawag?" Kunot-noong tanong ko.

Tumikhim siya. "I have more important things to do, my priorities."

Kumunot lalo ang noo ko sa naging sagot niya. Priorities? Who is he talkin' about?

"Ah..." sagot ko na lang. Baka sa iba pa mapunta ang usapan.

"Sana makasama pa kita ng matagal, Kaliza. Sana tumagal ang one month na 'to."

Wilson...

Invisible PenOnde histórias criam vida. Descubra agora