21

18 1 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Kaliza’s POV)

[Flashback]

Tanging iyak, at pagmamakaawa lang ang nagagawa ko. Unti unti nang nanlalabo ang mga paningin ko. Nasunog yata ang cornea ko dahil sa kemikal na iyon.

"T-ta…tama na!"
Suntok suntok ko siya sa dibdib!

Binagsak niya ako sa madamong parte ng bakuran! Saka siya pumatong sakin.

"Maawa ka sa akin, kuya!" Naiiyak na pakiusap ko. "May pangarap pa po ako sa bu-buhay…"

Hindi siya nagsalita saka niya sinunggaban ang labi ko!

"Hmmmp!"

Sinusuntok ko siya sa likod niya pero agad niyang kinuha ang mga kamay ko at mahigpit na hinawakan iyon para hindi makagalaw!

Pinunit na niya ng tuluyan ang suot ko hanggang sa tumambad sa kanya ang dibdib ko!

"Kuya, paki-usap! Hin-hindi ako magsusumbong sa… sa pulis, maawa ka!"
Nagmistula na akong isang batang paslit na tumatangis sa harap niya.

Narinig ko ang pagsinghal niya. Tinamaan pa ng ilaw mula sa kidlat ang mga ngipin niya.

Napapikit ako! Pakiusap, sana hindi niya ituloy ang anumang balak!

Sinimulan niyang tanggalin ang sinturon mula sa pants niya, hinubad ang lahat ng saplot saka na ako napapikit nang tuluyan nang tumambad sa akin ang pag-aari niya.

"Kuya!" Niyakap ko ang sarili ko'ng katawan pero inalis niya rin iyon! "Maawa ka sakin!"

"Ugh!"

[End Of Flashback]

Nagulat ako sa malakas na tunog ng alarm clock ko! Nakatulog pala ako.
Kinapa ko ang alarm clock saka pinatigil ang tunog niyon.

Nagangapang tumayo ako at lumabas ng kwarto ko.

Tanging pagkapa lang ang bumubuhay sa akin. Mabuti at pamilyar na sa akin ang bawat sulok ng bahay ko.

Agad ako'ng nagtimpla ng mainit na espresso saka ko iyon pinatong sa saucer plate at naglakad na.

"Tulungan na kita…" naramdaman ko ang kamay niya sa akin.

"Wilson?"

"Baka matapon pa sa iyo iyan. Alas nueve na. Goodmorning."

Napangiti ako. Kinuha niya ang hawak ko saka siya humawak sa baywang ko para alalayan ako sa paglalakad.

"Ipagtitimpla na rin kita."

"Hindi na. Makiki-inom na lang ako sa tasa mo."

Pinaupo niya ako saka ko narinig ang paglapag ng tasa sa mesa.

"Magandang umaga…"aniko nang marinig ko siya'ng umupo.

"Mas magan—"

"Gasgas na iyan…" singit ko saka ako napangiti.

"Huwag ka nga'ng assuming." Natatawang aniya. "Sasabihin ko sanang mas maganda kung maaga ka'ng nagigising."

Natawa ako. "Malay ko ba?"

"Hindi kase maganda sa isang katulad mo ang magising sa ganitong oras."

"At bakit?"

"Malay ba nating pasukin ka rito?"

"Hindi naman siguro.."

"Mas mabuti na ang nag-iingat tayo."

"Tayo? Eh, ako lang naman ang nakatira rito."

"Yun nga. Ikaw lang at wala kang kasama. Kaya mag-ingat dapat."

"Oo na."

Invisible PenWhere stories live. Discover now