6

16 4 0
                                    

INVISIBLE PEN

"Ano'ng sabi mo?"

"Idol kita." Pag-uulit naman ni Wilson.

"Isa ka ba talagang psychiatrist o nagpapanggap lang?"

"No! Isa talaga ako'ng psychiatrist. Heto nga ang ID ko. Heto oh." Inabot niya pa kay Kaliza ang ID niya.

"Hindi na kailangan. Umalis ka na."

"Huh?"

"Tama na yon. Nasagot ko na ang mga katanungan mo at sapat na iyon para tigilan mo na ako."

"Okay. Tama ka nga. Sige, titigilan na kita."

"Leave and don't come back."

"Pwede ko ba'ng makuha yung ca-" Mabilis na natikom niya ang bibig nang akma niya'ng maituloy ang sasabihin.

Napakunot naman ng noo si Kaliza. "Ano iyon?"

"Wala. Alis na ako."

Mabilis na tumakbo si Wilson palabas habang si Kaliza naman ay nagkibit balikat na lamang. Sinara niya ang gate nang makalabas si Wilson saka siya bumalik sa loob ng bahay niya.

Hindi naman niya kailangan ng kaibigan o makakasama. Sanay na siya nang mag-isa.

Kinapa niya ang center table kung saan naiwanan niya ang baston niya. Nang mahawakan niya iyon ay dali-dali niya'ng iwinasiwas sa kung saan pero bigla siya'ng napaigtad nang may matamaan ang hawak niya.

Kunot-noong nilapitan niya iyon. Kinapa niya ang bagay na ‘yon saka kinilala sa pamamagitan ng pakikinig at paghawak.

"Ano 'to?"

Naupo siya sa couch saka kinalikot ang bagay na iyon hanggang sa may napindot siya at mabilis na tumunog ang hawak niya.

'Miss Freshner. You've been writing your novels since you were sixteen and all of a sudden you left, why is that?'

Nanlaki ang mga mata niya sa narinig!

'Psychiatrist ka ba o reporter? Are you kidding me?'

'Don't worry, Miss Freshner. Hindi ito lalabas sa tv o anuman.'

'Hindi ko rin malalaman dahil sira ang tv ko.'

'Bibilhan kita kung yan ang problema.'

'Hindi ako isang pulubi, Mister.'

Narinig naman niya ang hagalpak nitong tawa. Napakunot siya. Yung tawa… Resist it.

'Sagutin mo na lang ang tanong ko, Miss Freshner. Isa'ng tanong isang sagot lang.'

"Eight years ago.. I was eighteen years old."

"Okay…"

"And… ah, na-nabulag ako dahil… dahil nabuhusan ako ng kemikal sa mukha.

"Kemikal?"

"Oo. Binuhos iyon sa akin noon."

"Kilala mo ba ang nagbuhos sayo ng kemikal?"

"He's my rapist."
   
Humigpit yata ang pagkakahawak niya sa bagay na iyon nang marinig ang huling kataga; rapist.

Invisible PenWhere stories live. Discover now