32

7 0 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Kaliza’s POV)

Natapos ko ang halos sampung tula na tambak na sa folder ko. Nakalimutan kong ituloy ang mga tula na ito dahil hindi ko mahagilap kung saan ko sila nailagay.

Yung Invisible Pen naman na pinasusulat ni Wilson ay hindi ko na tinapos. Para saan pa?

Nakarinig ako ng pagkatok sa pintuan ko kaya agad kong sinilip kung sino iyon.

Ang makulit na Winston.

Binuksan ko ang pinto. "Ikaw pala, Winston?" Kunwari'y hindi ko alam na siya ang kumatok.

Ngumiti siya. Actually guwapo naman talaga siya, kaya lang hindi ko siya type. "Gumawa ako ng leche flan, gusto ko lang sana na matikman mo."

"Salamat…" kinuha ko ang hawak niya. Hindi naman ako kumakain ng matatamis.

"Ahm… wala kang kasama?"

Napatango ako. "Oo."

"Wala kang boyfriend?"

Bigla akong napaisip. Mukhang may balak to. Napangiti ako.

"Nasa trabaho pa ang asawa ko. Gusto mo ba na hintayin siya?" Pagsisinungaling ko. Hindi naman niya ako titigilan kapag hindi kon iyon sinabi.

"Ah, may… may asawa ka na?" Takang tanong niya.

"Oo. Lumipat nga kami ng bahay para matahimik na ang buhay namin."

He pouted. "Ah. Nice. Good wishes sa inyo. Alis na ako."

"Okay sige. Salamat nga pala rito. Pag-uwi ng asawa ko, ipatitikim ko sa kaniya to."

"Haha, sige." Nakangiting aniya saka naglakad paalis.

Napairap ako saka sinara ang pinto. Ayoko na talaga sa mga lalaki. Mga manloloko. Mabulaklak ang bibig sa una pero mang-iiwan rin.

Pinasok ko sa ref ang leche flan saka pumasok sa kwarto ko

Invisible PenWhere stories live. Discover now