8

21 4 0
                                    

INVISIBLE PEN

Kumunot agad ang noo ni Kaliza nang mapansin ang pamilyar na presensyang iyon na malapit lang sa kanya.

Lumunok lang si Wilson habang humihinga ng malalim. This is like putting hisself into danger.

"Hindi ba't sinabi ko'ng huwag ka nang babalik pa rito?" Sa ibang direksyon nakabaling ang kaniyang paningin.

"I know."

"Bakit nandito ka pa?"

"I'm not here as a psychiatrist. I'm here as a friend."

Humarap si Kaliza sa direksyon kung saan niya naririnig ang pinagmumulan ng boses ni Wilson.

"A friend? Ano nga ba ang ibig sabihin ng kaibigan? Iyo'ng mang-iiwan sa'yo kapag hindi ka na kailangan at lalapitan ka kapag sila ang nangangailangan?"

"Ako iyo'ng kaibigan na kahit walang kailangan nandito lang at hindi ka iiwan."

Hindi siya nakapagsalita sa sinagot ni Wilson. Napangiti lang ang binata saka naiiling na lumapit kay Kaliza.

"Kahit isa lang, hayaan mong may dumito sa tabi mo. Kaibigan ang kailangan mo sa ngayon. Kaibigan na masasabihan ng problema."

All of a sudden, her eyes watered in a reason she do not know. She nodded her head.

"Bakit ba nandito ka pa?"

Bumuntong-hininga si Wilson saka nagkibit-balikat.

"Wala kasing pagkain sa bahay ko. Dito sana ako makikikain."

"A-ano?" Hindi siya makapaniwala sa sinbi ng binata.

"Saka aayusin ko na rin ang tv mo para may pagka-abalahan ka naman."

"Seryoso? TV ang aayusin mo para sa isang bulag?"

Napahinto si Wilson saka napaisip. "Pakinggan mo na lang."

"Tss."

"Tara na."

Hinila niya ang kamay ni Kaliza saka sinama sa loob ng bahay nito.

"Kumain ka na ba? Nagugutom ako."

"Hindi restaurant ang bahay ko. Kung nagugutom ka, make an effort."

"Dito ka nagsusulat?" Tanong niya kay Kaliza nang makita niya ang typewriter sa salas ng bahay ng dalaga.

"Oo."

"Paano mo nalalaman na tama ang tina-type mo?"

"Never underestimate a blind. Memoryado ko na ang posisyon ng bawat letra ng typewriter na yan."

Lumapit sa kanya si Kaliza.

"And how would you know--"

"Binibilang ko ang bawat salitang isinusulat ko." Pagsingit niya sa sasabihin pa sana ng binata.

"May pending works ka ba? Gusto ko sanang mabasa."

Invisible PenOnde histórias criam vida. Descubra agora