18

19 0 0
                                    

INVIBLE PEN

(Kaliza’s POV)

Nasa kalagitnaan ako nang pagsusulat ng nobela nang bigla akong makarinig nang mahinang tunog mula sa maindoor ng bahay ko.

Who's that?

Nagpanggap ako at hindi nagpahalatang narinig siya. Dahan dahan kong ginalaw ang kamay ko para hilahin mula sa deck ang nakatagong kutsilyo roon.

I'm sure ni-lock ko ang pinto kagabi. At hindi pa ako lumalabas simula kanina.

Nagpatuloy pa ang mga tunog na iyon. Mga hakbang na papalapit sa kinaroroonan ko.

Tumayo ako saka nangangapang hinanap ang doorpost para doon magtago sa likod ng pinto.

Nanginginig na hinawakan kong mabuti ang kutsilyo ko. I closed my eyes. Pinakinggan ko lang ang bawat yabag niya hanggang sa makalapit siya sa pinto.

Humakbang ako at sinaksak sa kaniya ang kutsilyo! Pero!

Napalayo agad ako nang masalo niya ang kamay ko! Doon na ako nagsimulang mapaiyak sa takot. Baka mamatay na ako rito.

"Sino ka?!" Sigaw ko!

"Teka… Kaliza? Ako 'to."

Kumunot ang noo ko. "Wilson?!"

"Ayos ka lang ba? Muntikan mo na akong mapatay ah. Buti daplis lang…" natatawang aniya.

Nakakaloko. Nagawa pa niya'ng tumawa?!

"Bakit ka nandito? Ikaw ang papatay sakin sa nerbyos! Grabe… bakit hindi ka man lang kumatok o kaya tawagin ako?"

"Balak ko kasing sorpresahin ka."

"Congrats! Hindi lang ako nasorpresa, ninerbyos rin ako!"

Narinig kong binaba niya ang kutsilyo. Saka ko naramdaman ang mga kamay niya sa magkabila ko'ng braso. "I'm sorry, Kaliza. Hindi ko naman sinasadya na takutin ka. Napaka-seryoso mo kase sa pagsusulat kaya minabuti kong surprise na lang."

Naiyak ako kaya mabilis na niyakap ko siya!

"Ah." Nagulat pa siya pero wala na siyang nagawa.

Paano kung ibang tao siya? Paano kung masamang tao ang dumating? Ikamamatay ko yata kung hindi si Wilson ang nandito ngayon.

Naramdaman ko rin ang yakap niya sa likod ko. "Hindi kita sasaktan, Kaliza." Saka humigpit ang yakap niya. Naramdaman ko rin ang paghalik niya sa noo ko. "Mahal kita… mahal na mahal kita."

Bakit ang sakit? Ang sakit ng mga salita'ng iyon

Sinabit ko sa leeg niya ang mga braso ko… saka ko nilapat ang labi ko sa labi niya.

Alam kong nagulat siya pero humalik rin siya pabalik. He kiss me deeply and passionately.

Bumaba ang palad niya sa baywang ko na nagdulot sa akin ng kiliti.

Teka,

Hinapit niya ang katawan ko palapit sa kaniya. He bit my lower lip and played it like a teether.

Humakbang siya patalikod kaya napasama ako. Humigpit naman ang kapit ko sa kaniya nang matapilok siya at matumba kami!

Lumayo agad ako sa kaniya…

"Bakit?" He asked.

Napayuko ako. "Hindi 'to pwede…"

"Bakit naman?" Takang tanong niya.

Inayos ko ang buhok ko saka napasinghap. "Basta."

"Kaliza…"

Invisible PenWhere stories live. Discover now