16

22 3 0
                                    

KUYA JAZ: Point of view? Mas okay nga na POV na lang ng karakter ang gamitin ko para mas malinawan kayo sa nararamdman ng bawat karakter.
--

INVISIBLE PEN

(Kaliza’s POV)

He's sweet. He's humble and gentleman. Sana hindi ako dinadaya ng feelings ko. Hindi ko pa siya nakikita pero ang ganda na ng visualization ko about sa kaniya.

"Mahilig talaga ako'ng magkape." Nakatawang aniya nang tanungin ko siya.

"Yung cabinet roon ay puro coffee beans. Ako na ang nagtitimpla. Sana nga makita mo. Sayang ang yabang ko, haha!"

"Kahit hindi ko makita, amoy na amoy ko naman."

"Maggagabi na Kaliza. Gusto mo na ba'ng ihatid kita sa bahay mo?"

"Yung tanong mo parang ayaw ako'ng pauwiin."

"Just asking."

Napaigtad ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa labi ko. Napalunok ako sa katotohanang malapit lang ang mukha niya sa akin!

Kumapit ako sa deck pero kamay niya ang nahawakan ko and like what the heck! Maugat ang kamay niya na nakakalalaki at ma-appeal!

"Ahm…" napalunok uli ako.

"Hehe. Ihatid na ba kita? Baka ano pa ang mangyari…"

"Anong mangyayari?"

"What I meant was. Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo kung ikaw lang ang uuwi sa inyo. Ihahatid na kita."

"Baka naman nakakaabala sayo Mr. Businessman. Akala ko ay isa kang psychiatrist lang pero isa ka rin palang super busy na tao."

"Bukas pupunta tayo kay Doc Rodriguez ah? Patitingin ko iyang mga mata mo if may chance pa na magamot. Sayang.. Ang ganda ng mga mata mo oh? Almond ah."

"Wala nang chance na makakita pa ako. It's been eight years."

"Hindi natin malalaman kung hindi natin susubukan."

Hindi muna ako nagsalita.

"Ayaw mo man o hindi, ipatitingin ko iyan sa doktor. You need a second opinion. Lalo pa't isa ka'ng writer. You need your eyes."

"Sige. Baka sakaling makilala ko ang taong may gawa nito. Sana makakita na ako uli."

Hindi ko narinig na nagsalita siya kaya nangapa ako sa kawalan hanggang sa makapa ko ang malambot na bagay. What's this?

"Labi ko iyan."

Nanlaki ang mga mata ko kaya mabilis ko'ng nabawi ang palad ko.

"Ay, sorry. Hindi ka na kase nagsalita."

"Ang ganda kase ng view mula rito. Ipapakita ko sayo someday kaya sana makakita ka na."

Invisible PenWhere stories live. Discover now