26

8 0 0
                                    

INVISIBLE PEN

(Wilson’s POV)

Bumakas sa mukha niya ang pagkagulat pero nananatili pa rin siyang kalmado.

"Iyon ang totoo. Mahal kita noon pa." Pag-uulit ko. Sana naman pumasok sa utak niya iyon.

"Kapag ba… nakakita ako ay…" huminto siya.

Kapag nakakita ka ay magagalit ka na sa akin, Kaliza. At ayokong mangyari iyon.

"…makikilala kita?" Pagdugtong niya.

Napailing ako. "Gusto mo na ba akong makita?" Tanong ko.

"Ang totoo niyan… sanay na ako sa ganito. Sanay na akong maging bulag. Ayoko nang makita ang problema sa mundo. Mga krimen, karahasan at diskriminasyon."

Napayuko ako. At isa sa ako sa mga ayaw mong makita.

"Uuwi na ako." Tumayo ako ska napakamot habang hinahanap ang susi mg kotse ko.

"Ha? Pero…"

"Marami pa akong gagawin. Pupuntahan ko pa si doc para mlaman if may nag-match na ang donor para sayo."

"Pero…"

"Kailangan mong makakita, Kaliza!"

Napalunok siya nang masigawan ko siya. Oh, fuck.

"Isa kang writer at hindi puwedeng ganiyan ka na lang habang buhay. You need your eyes. Naiintindihan mo ba ako? Gagawa ako ng paraan magkaroon ka lang ng donor. Hahanapan kita kahit saan pa ako mapunta."

Pagkasabi ko noon ay agad na akong naglakad palabas ng gate. Hindi ko alam kung saan ko nailagay ang susi ng kotse ko. Baka naiwan ko sa loob ng sasakyan.

Binuksan ko ang bintana ng kotse, naka-lock. Sumilip na lang ako para hanapin ang susi.

"Wilson…" narinig ko ang boses ni Kaliza. Sinundan niya ako.

BEEEEEPPPP!!!

Nanlaki ang mga mata ko saka ako napalingon sa direksyon ni Kaliza! Tinakbo ko agad siya dahil masasagasaan na siya ng rumaragasang motorsiklo!

"Kaliza!" Niyakap ko siya! Pero parehas na kaming nabangga ng motorsiklo!

"Agh!"

Gumulong gulong kami habang mahigpit na yakap ko siya. Mas okay sa akin kung ako na ang mapuruhan huwag lang siya!

"Agh!" Napahiwalay ako kay Kaliza. Nakita ko pa kung paanong mauntog ang ulo niya sa gutter!

"Kali…za!" Pinilit kong tumayo at nilapitan siya.

Dugo!

"Kaliza?" Naiiyak na sambit ko. "Kaliza, naririnig mo ba ako?"

Kinarga ko siya at hiniga sa hita ko. "Kaliza, please…"

Kumunot ang noo niya saka dahan dahang dumilat ang mga mata niya hanggang sa tumingin siya ng diretso sa mga mata ko!

Nagulat ako nang magtapo ang titig namin!

"Wil…son?"

"Nakikita mo na ako?" Masayang tanong ko!

Naipikit niya nang mabilis ang mga mata niya saka siya napahawak sa ulo niya. "Ah!"

"Dadalhin kita sa hospital!" Natatarantang napalinga ako sa nakabangga sa amin na tulalang nakatingin lang sa amin! "Anong ginagawa mo? Tulungan mo ako! Akin na iyang motor mo!" Sigaw ko. Tumayo ako habang buhat si Kaliza saka kinuha ang susi ng motor ng lalaki!

Inalalayan niya pa akong makasakay sa motor niya. Inutusan ko siyang hubarin ang sinturon ko para itali ang katawan naming dalawa ni Kaliza para hindi siya mahulog. Kinuha rin ng lalaki ang helmet niya at pinasuot kay Kaliza.

"Kaliza… huwag kang matutulog, naririnig mo ba ako? Pakakasalan pa kita." Naluluhang sabi ko habang binubuhay ang makina ng motor hanggang sa napaandar ko iyon at pinatakbo na ng mabilis.

"Kaliza?" Palipat lipat ang tingin ko sa kalye saka kay Kaliza na nakayakap sa akin.

Fuck. Kinakabahan ako. Baka ma-coma siya or whatsoever. Hindi ko mapapatawad ang lintik na sarili ko. This is all my fault. Aamin na ako sa kanya pag nakakita na siya. Aamin na ako!

"Don't…"

Napalingon ako kay Kaliza pero mabilis din akong tumingin sa kalye dahil baka maaksidente kami.

"Leave… me…"

"Never close your eyes, Kaliza. Naiintindihan mo ba ako, ha?"

Naramdaman ko ang pagtango niya sa dibdib ko kaya napanatag ako.

Agad kaming inasikaso ng mga nurse kahit na kakaparada ko pa lang sa harap ng hospital.

"Anong nangyari sa pasyente?"

"Naaksidente siya, nabangga!" Natatarantang sagot ko habang hinihiga si Kaliza sa stretcher. Her eyes are open but she suddenly closed it. "Kaliza?"

Akma na sana siyang dadalhin sa ER nang magsalita uli ako.

"Bulag siya. Pakiusap, kailangan niyang gumaling."

"Kami na hong bahala sir."

Naiyak na ako nang maipasok na si Kaliza sa Emergency room.

Kaliza…

Invisible PenWhere stories live. Discover now