Chapter :1

101 3 0
                                    

Kailangan Ko'y Ikaw

Chapter :1

"Pearl!!!"

Agad akong lumingon sa tumawag sa akin sabay ngiti,  si Aldrin na palapit at may dalang pasalubong...

"Bakit ka pa nag abala?" Tanong ko pero sa wala sa tono ko na galit kundi nakangiti...

"Syempre para sa love ko! " sabay ngiti...

Nakita niya ang pantay-pantay nitong ngipin, para bang may kilig na hatid ang mga katagang sinabi nito sa kanya....
"Pauwi na din ako,  sana sa bahay ka na lang naghintay....  Napakalayo ng trabaho ko at dito ka pa dumiretso? "

"Wala yun,  ang importante nakita ko ang pinakama-mahal kong babae! " kinuha na nito ang kanyang bag at sinukbit...

Nailing na lang si Pearl,  paano ay ito talaga ang nagdadala nang kanyang gamit.  Napaka Gentle nitong tao,  mabait , sweet higit sa lahat mahal na mahal siya at naririto ang kanyang tiwala...

~

"Kelan ba ninyo balak magpakasal?" Tanong nang kanyang ina....

Nasa hapunan sila nang mga oras na yun, nagulat na lang siya nang bigla nitong i-open ang tungkol sa kasal....

"Baka po,  after nitong contract ko sa barko... " si Aldrin ang sumagot at lumingon kay Pearl sabay kindat...

Natawa siya sa ginawa nito...

"O siya,  dapat lang na magpakasal na kayo...  Ang tagal na nang relasyon ninyo,  naiinip na ako mabigyan ng apo! "

Natawa silang dalawa...

"Si mama talaga! " naiiling na natatawa siya sa sinabi ng ina...
"Kailangan po yun pag-ipunan... " dagdag ko...

"May naipon na din ako Pearl,  naka apat na sakay na ako...  Itong pang lima ko at pag uwi papakasal na tayo.... "

"Ikaw bahala Aldrin,  huwag ka mag alala may naipon na din naman ako!  Tsaka next year pa naman natin aayusin....  Kaya sigurado na mas madami akong maiipon." Sagot niya at ngumiti...

"Oy! Bilisan na ninyo kumain dyan,  hindi puro kilig moments ahh! " sabat nang ina ni Pearl at tumayo na tumalikod ito at iniwan sila sa hapag kainan...

Muli silang nagtawanan....

"Pearl.... " sabay hawak ni Aldrin sa kamay niya...
"I love you,  next month....  Paalis na ulit ako,  basta maghihintay ka...  Huwag ka magsasawang hintayin ako... "

"Anu ka ba,  natural....  Mahal na mahal din kita Aldrin, basta ang tiwala at pagmamahal puhunan lagi natin...  Huwag mo lang ako sasaktan,  huwag ka tutulad sa iba! "

Hinalikan siya ni Aldrin sa labi,  saglit lamang ngunit puno nang pagmamahal...
"Pangako!  Ikaw lang ang babae sa buhay ko! " bulong nito at dinikit ang noo sa kanyang noo...

#combsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now