Chapter: 23

14 2 0
                                    

Kailangan Ko'y Ikaw

Chapter: 23

Hindi magawang matulog ni Aldrin nakasandal lamang siya sa kanyang kama at tinitingnan ang litrato nila ni Pearl,  ang totoo hindi niya kayang limutin ang nobya kahit apat na taon na ang lumilipas.  Natupad niya ang kanyang pangarap,  ang pangarap nilang dalawa.  Ngunit wala na ito at siya na lamang mag isa ang tumupad noon tulad ng pangako niya sa puntod nito.
Kanina nang madinig niya ang kanta ni Jackie ay tila pinalungkot nito ang kanyang puso,  paraang sobrang sakit noon na walang kapantay.  Oo wala na si Pearl pero nabubuhay ito sa pagkatao ni Jackie na kakambal nito.
Ang hirap isipin na ang taong minahal niya ay wala na talaga....
"Pearl,  gusto kitang kalimutan.  Pero hindi ko magawa,  lalu sa ngayon?  Bakit tila nabubuhay ka kay Jackie? " mga katanungan niya at muling paglandas ng kanyang luha....

~

Nang mga oras na yun ay gising din si Jackie,  hindi niya magawang matulog lalu at naaalala niya ang ginawang pag luha habang kumakanta.
Napahawak siya sa kanyang dibdib sobrang kabog noon,  na hindi niya maintindihan kung bakit?  Na parang may ipinapahiwatig sa kanya... Na parang isang araw ay may dapat siyang maalala at malaman tungkol sa pagkatao niya.
Napapikit siya ng mariin at muling dumilat,  pinagmasdan niya ang kalangitan.
"Bakit ang lungkot ko?  Bakit may mga bagay ako na nakalimutan na hindi ko alam kung kailangan ko pa ngang balikan? " bulong niya at naglandas muli ang luha niya,  napatingin siya sa kanyang daliri at pinagmasdan ang singsing na binigay ni Arthur.
"Hon,  namimiss na kita.  Ikaw yung lakas ko,  ayoko ng ganito.  Nasasaktan ako... " at tuluyan ng napaiyak si Jackie.....

~

"Welcome to Philippines Mr. Victoria! "

Ngumiti si Arthur at  sumama na sa nakuha niyang tour guide,  didiretso na siya sa resort kung saan naroroon si Jackie,  gusto niyang supresahin ang nobya lalu at malapit na sila magpakasal nito.
Huminga siya ng malalim bago sumakay sa kotse,  ang totoo kinakabahan siya hindi niya alam kung bakit?  Pero pakiramdam niya parang may mga bagong tao siya na makikilala ngayong araw na to...
"I'm  here na Hon!  Magkikita na ulit tayo..." Bulong ni Arthur at nakangiting sumandal sa kanyang sasakyan...

~

Kakalabas lang ni Aldrin at papunta siya sa Front desk nang mapansin niya ang lalaking bagong dating,  sa tindig at porma ay halatang lumaki ito sa marangyang buhay o laking state.
Iba ang pananamit nito,  natural madami siyang alam sa damit dahil iba't-ibang bansa ang kanyang napupuntahan.

"Yes Mr. Victoria!"

Nadinig niya ang last name nito kaya maigi niya muling tinitigan ang lalaki..
"Victoria? " wala sa loob na nabanggit ni Aldrin.

Napalingon naman si Arthur at nakita niya ang lalaking nagbanggit ng Last name niya,  nagtataka lang siya kung kilala ba siya nito?  Pero hindi niya kilala ang lalaking kaharap.

"Hon! "

Napalingon sila parehas at nakita si Jackie,  mukhang bago lang itong gising at halatang magaalmusal sa Restaurant ng resort. 

Kitang-kita ni Arthur ang ngiti sa labi nito nang makita siya nang nobya...
"Hon! I'm home! " at agad na sinalubong ito ng yakap.

"Oh my! " hindi maintindihan ni Jackie ang kasiyahan na bumangon sa dibdib niya ng makita si Arthur, ang lalaki na kagabi lang ay hinihiling niya na sana ay naririto sa kanyang tabi pero eto at natupad na nga at yakap-yakap na niya...
"Ang daya mo!  Bakit mo ako sinuprise? " halos maiyak pa si Jackie sa sobrang kasiyahan.

Natatawa si Arthur at ginulo ang kanyang buhok sabay halik sa kanyang noo.
"Andidito na ako,  you don't need to cry my honey! "

Natawa na lang si Jackie at napalingon kay Aldrin.
Lumingon din si Arthur.

"Mr.  Hernandez,  let me introduce to you my Fiance.  Arthur Victoria.... " pagpapakilala ni Jackie sa nobyo.

Ngumiti si Arthur at nilahad ang palad.
Agad naman na inabot iyon ni Aldrin.

"Hon,  he is Mr. Aldrin Hernandez,  ang may ari ng resort na ito.  At fiance ni Pearl,  my twin. "

Napahinto si Arthur,  ngayon ay nasa harapan na niya ang lalaking mahal ni Pearl.  Ang lalaking nagbibigay kasiyahan sa babaeng una niyang minahal.
Ngumiti si Arthur.
"It's  nice to see you,  and Pearl is a good friend of my sister Jamie.... "

Tumango si Aldrin.
"Nabanggit nga sa akin ni Ms. Legazpi!  I hope you enjoy to take vacation here lalu sa resort ko,  and tulad ng plano ni Ms. Legazpi she wanted na dito ganapin ang wedding ninyo... "

"Yahh exactly!  And I'm  so excited,  siguro pag usapan natin later.  But for now! " sabay lingon kay Jackie at hinawakan ang kamay ng nobya,
"Gusto ko muna magkaroon kami ng time,  na miss ko siya at para makilala na din ang Mama niya! " dagdag ni Arthur at muling tumingin kay Aldrin.

"Yeah!  No problem,  may lakad pa naman din ako siguro mga dinner time na lang. "

Ngumiti si Arthur at tumango.

"Let's  go Hon,  sigurado matutuwa si Mama kapag nakita ka." Sabay tingin din ni Jackie kay Aldrin.
"Thank you Aldrin,  mamaya na lang! "

Pagtango na lamang ang sinagot niya at nasundan na niya ang dalawa na papunta sa Elevator...
Ewan ba niya pero nakaramdam siya ng selos sa pagkaka hawak sa kamay ni Jackie.  Pero wala naman dapat siyang ipag selos lalu at mag-kasintahan naman ang dalawa... 

~

Nasa terrace si Arthur,  nakilala na din niya ang ina ni Jackie at lumabas muna ito para umuwi saglit sa kanila.  Ibabalita daw kasi nito ang nalalapit na kasal nilang dalawa.
Pero napapaisip pa din siya lalu kanina,  nang makita at makilala si Aldrin ay may kakaiba dito.
Lalaki siya at madali makaramdam alam niya kung ang isang lalaki ay may paghanga sa babae.  Sa nakikita niyang titig at ekspresyon ni Aldrin ay halatang nagseselos ito.
"Hindi kaya dahil,  nakikita niya ang mukha ni Pearl kay Jackie? " sa isip lamang niya.

"Hon! " si Jackie na may dalang juice at lumapit sa kanya.

Ngumiti si Arthur at tinanggap yun,  uminom siya ng kaunti at nilapag sa lamesa ang baso.

"Nakakainis ka talaga,  sinopresa mo ako! " hindi pa din kasi makapaniwala si Jackie na susunod na agad ito.

Natawa si Arthur at niyapos ang nobya.
"Sobra kita na miss!  Kaya sumunod na ako agad! "

"Hayy!  Miss na miss din kita kung alam mo lang! " tila malambing na sagot ni Jackie at tinitigan ang nobyo.

"Oh?  May dumi ba ako sa mukha? " tanong ni Arthur

Umiling si Jackie.
"Ang lungkot ko kasi,  pakiramdam ko mag isa ako.  Kahit nakilala ko na sila Mama,  pero may kulang?  Ikaw yung kulang.... " seryoso niyang tugon.

Hinalikan siya ni Arthur sa labi at hinaplos nito ang kanyang mukha.
"Huwag ka na malungkot,  andidito na ako...  Magpapakasal na tayo,  kaya lagi na tayo magkakasama... "

"Hayy,  ang sweet talaga ng honey ko!  Kaya mahal na mahal kita! " nakangiting wika ni Jackie at siya naman ang humalik sa labi ni Arthur at yumakap ng napaka higpit.

"Mas sweet ka kaya,  kaya sobrang swerte ko!" Bulong ni Arthur at niyakap din ito ng mahigpit....

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now