Chapter: 3

37 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter :3

"Bakit parang malungkot ka? "

Lumingon si Pearl at ngumiti nang matipid sa kanyang nobyo, naupo siya sa gilid nang kama... Tinutulungan niya ito mag ayos ng mga gamit sa maleta....
"Aalis ka na kasi bukas... "Nagkibit balikat ako...

Lumapit si Aldrin at naupo sa kanyang tabi...
"Payakap nga... " sabay yakap nang mahigpit kay Pearl...
"Hayy... Akala mo ikaw lang nalulungkot, natural ako din... " bulong nito at muling tiningnan ang mukha nang nobya...
"Ang hirap kaya sa barko, ang hirap na malayo ang taong mahal niya... " at pinisil bahagya ang kanyang baba....

"Aldrin, kung pwede lang na hindi ka na umalis.. Nalulungkot ako, sa tuwing iisipin ko na kailangan mo pa lumayo... " Di na niya napigilan ang luha na maglandas...
"Sshhss... Hindi kita pinapaiyak, mahal na mahal kita Pearl... " at hinawakan ang kamay nito...
"Tulad ng sabi ko, tiwala at pagmamahal ang ating puhunan... Umalis man ako, puso ko andidito lagi... "

Ngumiti siya at hinalikan ang labi ni Aldrin, saglit lamang yun at muling pinagmasdan ang mukha nang nobyo...
"Mahal na mahal din kita Aldrin, lagi naman ako maghihintay... "

"Mabilis lang ang Nine months mahal ko, kasing bilis lang yun nang pagbibilang ko at pag aabang sa dagat.... " ngumiti siya...
"Basta intindihin mo na lang at sorry kung minsan wala akong signal... "

Tumango si Pearl at muling niyakap si Aldrin...
"Mamimiss kita nang sobra mahal ko, maghihintay ulit ako ng nine months... "

"Basta lalakasan mo lang loob mo, huwag ka malulungkot kapag malayo ako... Kasi nalulungkot din ako kapag maiisip ko na umiiyak ka... " bulong nito at hinaplos ang buhok niya...
"I love you Pearl.... Tandaan mo lang lagi yan, mahal na mahal kita.... "

Muli niyang tiningnan ang mukha nang nobya, naglapit ang kanilang mga labi... Isang mapusok at mainit na halik ang kanilang pinagsaluhan... Matatagalan na naman sila magkikita, kaya nais nilang sulitin ang gabi...

Hiniga na siya ni Aldrin, nagpaubaya siya muli siya sa kanyang nobyo, sa taong mahal niya.... Wala na siyang mahihiling ito ang taong nagpapaligaya sa kanya at mahal na mahal siya....

~

Kahit mabigat ang mga paa ay kailangan ni Aldrin muling makipag sapalaran, ito ang pangarap niya, pangarap na kasama si Pearl... Muli niyang niyakap nang mahigpit ang nobya, malapit na siya pumasok sa loob, malapit na siya umalis... Aalis na muli siya at iiwan ang babaeng mahal...

Hindi naman mapigilan ni Pearl ang luha na maglandas, talagang lagi siya nalulungkot ito ang nararamdaman niya. Ngunit kailangan niya magtiis, kailangan niya isipin ang mga pangarap nila ni Aldrin...

Kumalas na si Aldrin at hinawakan ang kanyang mga kamay, hinaplos nito ang luha na tumulo sa kanyang mata at lumadas sa pisngi...
"Madali lang ang araw, babalik din ako mahal ko... Ang kontrata madali matapos, pero ang pagmamahal ko sayo habang buhay yan... " bulong nito at hinalikan ang labi ni Pearl...

Kapwa din sila huminto at muling nagtitigan...
"I love you... Mag iingat ka palagi, ingatan mo ang pagibig ko... "

"Pangako....."

"Aldrin!!! "

Kapwa sila lumingon, tinatawag na ito nang mga kasamahan na katulad ni Aldrin ay aalis na din para mag hanap buhay sa abroad...

Muling lumingon sa kanya si Aldrin...
"Kailangan ko na umalis mahal, mag iingat ka sa pag uwi mo... " paalam nito at bilin...

"Sige, mag iingat ka.... "

Ngumiti si Aldrin at sinukbit na ang kanyang bagpack, hinawakan na din ang maleta...
" i love you.... "

"I love you too.... "

Tumalikod na ito at lumakad na patungo sa mga kasama....

Napabuntong-hininga si Pearl at naupo saglit, sobrang bigat nang kanyang nararamdaman... Yun ang totoo, napahawak siya sa kanyang kamay... At tiningnan ang suot na singsing, engagement ring nila ito....
"Maghihintay ulit ako mahal... " bulong niya...

~

Nakatanaw lang sa bintana si Aldrin, masaya siya kapag kasama si Pearl at eto nga magiging malungkot na naman siya dahil kailangan na naman niya magtiis nang siyam na buwan...
"Kaunting tiis na lang mahal... " bulong din niya at hindi naiwasan na maglandas ang kanyang luha....
Kahit siya ay hirap at mabigat ang loob sa muling pag- alis, sa muling paglayo sa babaeng mahal...
"Sana huwag siyang malungkot.... " muli niyang bulong at pinikit ang mga mata...

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now