Chapter: 20

16 3 0
                                    

Kailangan Ko'y Ikaw

Chapter : 20

Nakatanaw si Rodolfo sa terrace, sigurado siya na nakita na ni Jackie ang kanyang ina.
Bumuntong-hininga siya at pumatak ang kanyang luha...

"Ang galing mo talaga iha!" Nakangiting sabi ni Rodolfo ng batiin ito at nanalo sa swimming competition, kababalik lang ni Jackie mula Paris at dala ang trophy.

"Si Papa talaga, siya nga pala kanina may nakita akong babae kamukhang -kamukha ko siya. Di ba you told me i have a twin sister na.nasa Pinas?"

Napatigil si Rodolfo,
"Nakita mo , Saan?"

"I think sa Victoria, papunta ako sa Office ninyo..."

Tumango siya at muling napatingin kay Jackie, kulot ang mahaba nitong brown na buhok, maputi ito at sobrang ganda. Identical twin ang kanyang mga anak kaya marahil agad na nakilala ito.

"She's name is Pearl, pero hindi kami kasal ng inyong Mama...."

"Nice name! Dapat pala makilala ko na siya, i'm so excited!" Natutuwang sabi ni Jackie...

"Sige magtatanong ako sa Victoria bukas..."

"Thanks Pa! Akyat na muna ako!" Paalam ni Jackie at nagmamadaling umakyat sa taas.

~

"She's going back to Philippines Director Legazpi..."

Napatango siya ng sabihin sa kanya yun, kaya agad na lang sila tumuloy ni Jackie sa tinuluyan na Hotel nito. Pero hindi na sila nakaabot.

Habang nasa biyahe ay wala sa loob ni Jackie kung bakit napadaan sa ibang lugar, pakiramdam niya parang mayroong masamang nangyayari nagtataka naman siya. Pero sakto nga na may nakita sila sa di kalayuan.

"Pa! Parang may gingulpi?"

Napatingin si Rodolfo at napansin nila na babae iyon.

"Oh my! Si Pearl!" Nakilala niya agad ang isang anak.

Napansin ni Jackie hinampas ito sa ulo, agad siyang may kinuha sa likod ng kotse meron siyang Stun Gun at agad na bumaba sa kotse.

"Jackie!" Tawag ni Rodolfo

Pero walang pinakinggan si Jackie, nasa panganib ang kanyang kakambal at ramdam na ramdam niya yun kaya nagmamadali siya para tulungan ito.  Ngayon lang sila magkikita,  ngayon lang niya mayayakap ang kaisa-isang kapatid.  Hindi siya maari na may mangyaring masama dito.

"Hey! " agad niyang sigaw at tinutok ang Stun gun, halos mangisay naman  ang babaeng kumuha ng gamit ni Pearl.

Bumaba na din si Rodolfo at agad na tumawag ng mga pulis.
Nakita niya si Jackie na sinipa ang isang lalaki,  talagang matapang ang kanyang anak at hindi niya ito hinayaan na hindi matuto sa self defense.
Ngunit isa ang naging pagkakamali...
"Jackie! " sigaw ni Rodolfo

Pagharap ni Jackie isang saksak ang sumalubong sa kanya,  sinaksak siya nang isa pang lalaki.  Agad na tumulo ang dugo sa kanyang labi,  ramdam niya na malalim iyon.  Humarap siya sa kanyang kakambal.  Napangiti siya kahit na sa huli nagkita silang dalawa ni Pearl.
Ramdam niya na muli pa siyang sinaksak,  hindi niya nabilang kung ilang beses.  Hanggang sa naramdaman niyang binuhat siya at nilaglag sa bangin,  ngunit hinawakan ni Pearl ang kanyang kamay para hindi siya tuluyan na malaglag.

"Pearl.... " bulong ni Jackie at napapikit na.

Tuluyan ng dumating ang mga pulis pati ambulansya,  agad na rumesponde ang mga ito at sinakay sa ambulansya ang mag-kambal...

Halos pabalik-balik ng lakad si Rodolfo,  parehas nasa bingit ang kanyang mga anak.  Minsan na nga magkita ang magkambal ay ganuon pa ang nangyari sa mga ito....

"Mr. Legazpi! "

Napahinto siya ng lumabas ang doctor.

"How are they? "

"We afraid to tell you but,  Jackielyn is dead..."

Halos para siyang nabuhusan ng malamig na tubig sa nadinig, nadidinig niyang may pinapaliwanag ito sa kanya ngunit tila nabingi na siya. 
Napatingin muli siya sa Doctor...

"What about Pearl? " bigla niyang tanong.

Nakapunta siya ng ICU at nakita niyang nakaratay si Pearl,  halos masama naging tama sa ulo nito at halos naubusan ito ng dugo.
Lumapit siya at hinawakan ang kamay ng anak.
"Pearl,  anak lumaban ka.  Iniwan na ako ni Jackie huwag naman pati ikaw.... "
Bulong niya at napaluha ng wala sa oras.

Habang papahakbang siya patungo sa morgue ay naramdaman niya muli ang pagtulo ng luha,  ang anak na lumaki sa kanya at mahal na mahal niya. Ito na lamang ang natirang alaala sa kanya ni Estrella mula paglayuin silang dalawa.
Isang malamig na bangkay na si Jackie, 
"Anak,  anung nangyari? " halos humagulgol siya ng iyak,  alam niyang sa kagustuhan nitong iligtas ang kakambal ay ito ang tinamo. Sobrang sakit na wala siyang nagawa para ipagtanggol ang mga ito.

~

Napamulat na si Pearl,  ngunit nagtataka siya kung nasaan siya.  Wala siyang maalala maging ang sarili niya ay hindi niya maalala.

"Anak? "

Napatingin siya sa tumawag.
"Sino kayo?  Nasaan ako,  si-sino ako? "

Sa pagkakataong yun ay lalung naguluhan si Rodolfo,  kaya inilihim niya ang lahat at ang bangkay ni Jackie ang kanyang pinauwi sa Pilipinas.  Ayaw niya maiwan mag isa,  gusto niya makasama din si Pearl at pananatilihin niyang lihim ang lahat.

Madami siyang alam kay Jackie at ang malaking pagkahanga nito kay Arthur Victoria,  sa mga nabasa niya tungkol kay Pearl naman ay nalaman niyang naging close ang dalawa. 
Kaya gumawa siya ng paraan para mapilit na maging modelo si Pearl na nakilalabg Jackie.

Pinaglapit niya sadya ang dalawa,  na kahit sa alaala na lamang ni Jackie ay nabuhay ni Pearl ang lahat.

Muli siyang napapikit at tiningnan ang litrato nila ni Jackie...
"Pero ngayon kailangan na ni Pearl malaman ang totoo.... " bulong niya...

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon