Chapter :4

29 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter :4

"Hello mahal!" Agad na bungad ni Aldrin kay Pearl...

"Mabuti naman at nagkaroon ka na nang signal? " nakangiti niyang sagot,  halos isang linggo na kasi ang lumipas mula nang ihatid niya ito sa Airport...

"Lumipat muna kasi kami nang Port,  tsaka ngayon lang may nagbenta nang sim para sa signal... " paliwanag nito at tinitigan si Pearl,  pansin niyang busy ito sa ginagawa sa computer...
"Mukhang madami kang trabaho mahal? "

"Medyo,  nagdagdagan kasi yung pinapa design sa akin!  Pero kayang -kaya naman, tsaka maganda na din ito para may libangan ako at hindi masyadong malungkot.... "

"Pero huwag ka lang masyado magpaka-pagod?  Baka magkasakit ka,  alalahanin mo napakalayo ko... " may pag aalala ang tono ni Aldrin...

Ngumiti si Pearl at nag kiss sign sa nobyo
"I love you,  ikaw ang laging mag ingat kasi mas malayo ka sa akin,  dito madami pwede mag alaga sa akin!  Eh ikaw? "

"Hindi ko pinababayaan sarili ko,  ang mahalaga malaman ko lang na maayos ka palagi,  masaya na ako.... "

"Aw...  Sweet talaga ng mahal ko,  kung andito ka lang niyakap na kita nang mahigpit! "

Tumawa si Aldrin at muling pinagmasdan ito...
"Mga 5 days lang loading namin dito,  then lilipat na kami pa America medyo malayo ang biyahe...  Wala din kami email,  maninibago tayo mahal... "

Bumuntong-hininga si Pearl...
"Okay lang yun,  atlis mas mabilis ang araw pag ganun... "

"Basta huwag ka malulungkot kapag wala akong signal maliwanag,  tingnan mo naka one week na ako!  Mabilis lang talaga ang araw,  pagbilis ng araw,  pagtapos ng kontrata ko...  I love you! "

"I love you too Aldrin.... " sagot niya at hinaplos na lamang ang cellphone...

~

Kapwa man malungkot at kapwa man namimiss ang isa't-isa ay patuloy lamang sila sa kanya kanyang trabahong ginagawa...

Nakatanaw si Aldrin sa dagat,  ang dagat na lamang ang araw-araw niyang nakikita. Mahirap lalu at wala silang contact ni Pearl,  nalulungkot siya na hindi makita ang napakagandang mukha ng kanyang nobya...  Pero kailangan niya magtiis para sa pangarap nilang dalawa...
"Mahal,  ang pagmamahal ko sayo ay kasing lalim nang dagat...  Wala makakapantay doon... " bulong niya at kinuha ang cellphone sa bulsa at pinagmasdan ang picture nilang dalawa ni Pearl....
"Namimiss na kita sobra.... " tumulo ang kanyang luha,  hirap siya sa mga araw na lumilipas...  Pero sa bawat paglipas naman ng araw ay ang pag ikli din nang kanyang kontrata....

~

5 months later...

"Congratulations Pearl! Ikaw ang napili namin para pumunta sa State at i-present ang ating designed! "

Napangiti si Pearl halos,  nagpapalakpakan ang mga ka-trabaho niya....

"Wow!  Grabe,  hindi ko...  Ma- express ang nararamdaman ko sa ngayon... " sagot lamang niya at parang maiiyak,  halos pinagbubutihan din niya ang trabaho para din sa kanila ito ni Aldrin...

"Well,  bukas natin pag uusapan ang pag biyahe mo!  Kailangan kasi maka alis ka as soon as possible! "

Nakipag kamay siya sa President nang kanilang kumpanya...
"Salamat Mr. President!  I will do my best,  i promise... Hindi po kayo mabibigo! " nakangiti niyang sabi...

~

"Talaga? " di makapaniwala si Aldrin sa magandang binalita nang kanyang nobya..
"Congratulations mahal ko,  sayang wala ako diyan para i-celebrate natin! "

"Naku!  Okay lang mahal,  atlis madami nagka-gusto sa ginawa kong design,  then kaya ako pinili nila para mag discuss sa america.. "

"Saan bang lugar? " biglang tanong ni Aldrin...

"Houston Texas,  siguro mga one week lang naman ako doon,  after lang naman ng event babalik na din ako Pilipinas.... " sagot niya at nahiga na,  pinagmasdan na lamang niya sa loptop si Aldrin habang kumakain...

"Sayang naman,  kakaalis lang namin doon... "

Natawa si Pearl,
"Malawak ang state ha!  Buti kung doon mismo talaga kayo sa pupuntahan ko! "

"Mag iingat ka ha?"

"Opo!!!  Hanggang kelan kayo diyan?  Tsaka humahaba na ang buhok mo,  ayaw mo ba magpagupit? "

"Pogi pa din naman ako ahh! "

Natawa muli si Pearl...
"I love you mahal!  Mukhang wala ka palang signal pag nasa state ako,  di bale padadalhan kita nang madaming pictures ko! "

Ngumiti si Aldrin...
"Naka five months na ako,  ibig sabihin four months na lang mahal....  Malapit na ako umuwi,  malapit na din tayo magpakasal.... "

"Oo nga,  magiging Mrs. Hernandez na ako,  hayy..  I miss you and i love you! "

"I love you too... Mahal,  out ko muna di pa ako tapos sa duty,  kumain lang ako!  I love you ulit,  mamaya na ulit ako tatawag... "

"Sige!  Ingat! "

Namatay na ang kabilang linya,  napatihaya siya...  Sobra ang saya na nararamdaman niya habang kausap ang lalaking mahal... Kahit na ang totoo ay nalulungkot siya dahil wala ito sa kanyang tabi...
"Mahal na mahal kita Aldrin... "

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)حيث تعيش القصص. اكتشف الآن