Chapter:12

20 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter :12

"Nakauwi ka na pala iha? "

Ngumiti si Jackie at humalik sa pisngi ng ama, pansin agad ni Rodolfo ang mukha nito...

"May problema ba? " tanong nang ama niya,

Naupo si Jackie at tumingin sa ama....
"Someone called me Pearl? Pero di ko siya kilala,  i never met this man before.. "

"Alam mo naman na model ka iha,  baka dun ka niya nakilala... "

"But i never used that kind of name?  Pearl? " sagot niya at bumuntong-hininga sabay de kwatro...
"Pero,  di ba sabi ninyo meron akong kakambal?  Baka siya yung Pearl? "

Bumuntong-hininga si Rodolfo,  matagal nang panahon nang mawalay sa kanya ang kanyang mag ina...  At si Jackie ang napunta sa kanya...
"Siguro nakarating na siya dito?  Pero hindi naman kasi alam nang kapatid mo na may kakambal siya... "

Tila nag isip si Jackie...
"Bakit kaya,  hindi ko siya hanapin? Para makita ko na din ang mama ko? "

"Jackie... "

"Malaki na ako Papa, gusto ko din makilala sila... And I'm sure she really look like me,  dahil napagkamalan ako nang lalaking yun..  "

Ngumiti na lang si Rodolfo....

Tumayo na si Jackie at lumapit sa ama,  naupo siya sa tabi nito.
"Pa, i know na nahirapan ka din para ipaglaban noon sila... Pero sana naman ngayon, harapin na natin ito. Gusto ko sila makilala..."

Hinawakan ni Rodolfo ang kamay ni Jackie..
"Okay iha, pero kailangan mo muna mag ayos at bukas kailangan ka sa Victoria.."

"I will pa! Promise!" Sagot niya at humalik sa pisngi, tumayo na si Jackie at tumungo na sa hagdan para umakayat....

Napahinga nang malalim si Rodolfo at may kinuha sa wallet, picture yun... Nang kanyang mag iina...
"Siguro siya nga si Pearl..." Bulong niya.

~

Hindi dalawin nang antok si Arthur, pakiramdam niya at talagang nabuhay si Pearl sa imahe nang babaeng yun...
Napapikit siya at naalala ang nangyari sa babaeng mahal niya... Sa babaeng minahal kahit hindi nito alam...

"Anong sinasabi mo Genna?"

"Natagapuan ang katawan niya sa bangin, patay na si Pearl..."

Bigla siya nanlulumo na naupo, hindi niya napigilan ang mapaluha... Walang siyang naging lakas na loob aminin ang totoo dito, dahil alam niyang masaya na ito sa kung anong mayroon....

Nagpunta siya sa Morgue bago ito ibalik sa Pilipinas, ayun sa autopsy... Napuruhan ang ulo ni Pearl at naubusan ng dugo. Nahuli naman agad ang mga salarin. Nagtataka nga daw na mismo sumuko ang mga yun, siguro ay inusig nang konsensya.

Habang nakakatitig sa bangkay ni Pearl ay tila walang patid ang kanyang luha.
"Pearl, i'm sorry... Pero gusto ko malaman mo, mahal kita. Ikaw lang ang babaeng kailangan ko sa buhay ko." Bulong niya bago bitawan ang kamay nito...

Napahinga nang malalim si Arthur, ayaw na niya isipin ang nagdaang taon na yun. Ngunit isang babae ang bigla na lamang nakita at ngayon ay gumugulo sa kanyang isipan...
"Pero bakit kamukhng-kamukha niya si Pearl?"  Bulong niya...

~

"Capt. Aldrin? Kelan pala kayo magbabakasyon?"

Ngumiti si Aldrin, sa loob nang dalawang taon ay natupad niya ang matagal nilang pinangarap ni Pearl ang maging kapitan ng barko....
Pero hanggang ngayon, hindi pa din nawawala sa puso niya ang babaeng tinatangis...

"Malayo pa, kakasampa ko lang kaya.." Sabay ngiti...

"Naku Cap, buti na lang kayo ang na destino dito, kasi kung hindi naku sigurado baka yung masungit na naman maging kapitan namin..."

"Okay lang yun, minsan kasi kailangan maghigpit ng matataas. May oras kasi ang sa biruan." Sagot muli Aldrin.

"Sige po Cap, balik na ako sa duty."

Tumango lang siya at naiwan mag isa, nakatanaw siya sa dagat. Ang malalim na dagat na lagi niyang tinatanaw sa tuwing mamimiss ang babaeng pinakama-mahal.

"Pearl, mahal ko. Bakit mo ako iniwan agad?" Bulong niya at naglandas ang luha.

Matagal siya bago nakabangon at matanggap ang katotohanan, noong una halos hindi siya makapaniwala na bangkay nito ang makikita na inuwi... Ang supresang gagawin niya ay napunta sa isang masalimuot na panaginip.

Nang buksan ang pinaglalagyan ni Pearl ay lalung nag unahan ang kanyang luha, sobrang sakit noon para sa kanya. Lalu nang malaman niya ang nangyari dito, mabuti na lang at hindi ginahasa ang kanyang nobya. Dahil baka mapatay niya ang mga taong nasa likod ng krimen na yun.

Napangiti siya nang malungkot, nangako siya na hindi na siya magmamahal. Hindi niya kayang palitan ang babaeng unang tinibok ng kanyang puso. Ang babaeng halos sambahin at ibigay lahat ang pagmamahal para dito.
"Pearl... Kung nasaan ka man, tandaan mo mahal na mahal kita... " kinuha niya muli ang singsing na itinago niya.

Ang singsing na gusto niya isuot sa araw ng kanilang kasal, ang singsing na sana ay magbibigkis na sa kanilang pagmamahalan.
Nang dahil sa pangarap din nito, dito din nagwakas ang buhay ni Pearl. Pero sa puso niya mananatiling buhay si Pearl . At si Pearl lamang ang babaeng pagkamamahalin...
"Til death to us part mahal ko..." Bulong niya...

#authorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon