Chapter :5

27 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter :5

"Kuya Arthur!"

Agad siyang napameywang ng makita ang kanyang kapatid, 
"Where have you been? "

"Kuya naman,  naglaro lang po ako sa labas! " nakasimangot na sagot ni Jamie..

Napailing si Arthur...
"Alam mo naman na lagi akong naghahanap sayo,  isa pa,  Pa'no kung may masamang nangyari sayo?"

Napatitig lang si Jamie sa kanya,
"Natatakot ka lang na mawala din ba ako?"

"Of course!  You're my little sister! " agad itong niyakap at ginulo ang buhok...
"Magiging busy si Kuya sa mga susunod na araw,  i have an event...  I hope you na hindi ka magpapa saway sa mga maid!"

Ngumiti lang ito...
"I promise big Bro!!! "

Napailing siya,
"Go to your room na,  meron pa akong gagawin.... "

Mabilis na tumakbo si Jamie paakyat sa hagdan...

Kinuha ni Arthur ang kanyang cellphone at may tinawagan...

"Hello this is Arthur Victoria,  gusto ko lang ulit i-remind kung sino ang representative ninyo para sa Event? "

~

"Kelan ang alis mo? " tanong ni Shane

"Monday na,  okay na ticket ko tsaka Visa. Tapos ready na din pocket money ko! "

"Buti pa siya makakarating sa america!  Ako kaya kelan yun? "

Natawa siya sinabi nang kanyang bestfriend...
"Anung gusto mong pasalubong? "

"Bigyan mo ako nang jowa?  Dala ka nang amerikano ha!" Sabay kindat....

"Gaga!  Landi mo noh?  Sabi ko sayo kusang darating yun,  hindi hinahanap! " muli siyang naupo at inayos na ang mga gamit...

"Malapit na nga pala umuwi si Aldrin,  excited ka na siguro lalu at magpapakasal na kayo! "

Natawa siya at lumingon kay Shane..
"Natural, matutupad na pangarap namin dalawa...."

"Asus!!  Kinikilig siya,  hayyy nakakainggit talaga kayong dalawa noh! " sabay upo at muling tingin kay Pearl...
"Maiba pala tayo,  buti hindi naiisip ni Aldrin na mambabae sa abroad? "

"Anu ka ba naman,  syemprw puhunan namin ang tiwala at pagmamahal... "

"Bilib talaga ako sa inyong dalawa,  ang tibay ninyo! "

"Tama na nga yan,  tulungan muna ako mag-ayos.... " at muli siyang humarap sa computer niya...

~

Houston Texas...

Napahanga si Pearl sa magandang view na nakikita niya,  agad naman na may sumalubong sa kanya na Tourists Guide..

"Good afternoon Ms. Hermosa?"

"Good Afternoon!  Yes, I'm Pearl Hermosa"

"This way ma'am! " masayang bati sa kanya at anyaya para makasakay na sa kotse...

Habang nasa biyahe ay panay pa din ang paliwanag nang tourists,  madami din itong tinuturong lugar at napapangiti siya dahil sa mga binibida nito...

Huminto sila sa isang malaking building, napansin niya agad ang pangalan na nasa itaas ng gusali  "Victoria" bulong niya.... Nakita niyang pumasok na ang kanyang guide kaya nagmamadali din sihang pumasok sa loob...

Sa isang conference room siya dinala, agad niyang napansin na madami nang tao, at ang iba ay kapawa pinoy din... Mayroong Foreigner pero iilan lang....

"Let's all welcome, Pear Hermosa.. The new Artist in Manila!"

Nagpalakpakan ang mga naroron kaya nag bow siya...
"Thank you!"

"You may sitdown Ms. Hermosa!"

Naupo na siya at nakamasid lang sa iba, pansin niyang nagsimula na ang meeting... Madaming discussion, kinuha na niya ang kanilang represantive na design at pinaliwanag...

~

"Nakakapagod din pala...." Bulong niya habang pansamantala siya binigyan nang kanyang magiging opisina, isang buwan pala ang kanyang itatagal... Nabago iyon dahil na din sa nagustuhan ang company nila sa pagbibigay ng idea...

Kinuha niya ang cellphone at pinagmasdan ang picture ni Aldrin...
"I miss you... " bulong niya at ngumiti, napa buntong-hininga siya at muling sumandal sa inuupuan....

"Hi!"

Napatingin si Pearl sa batang babaeng nakatayo sa pintuan...
"Yes?"

"Pilipina ka?"

Napangiti siya, mukhang madaldal ang batang ito....
"Oo, Pilipina ka din?"

Lumapit ito sa kanya...
"I'm Jamie Victoria!" Pakilala nito....

"Oh! Hi Jamie, i'm Pearl!"

"Kelan ka dumating? Si kuya kasi hindi ako sinama, kaya nagpumilit ako pumunta dito..."daldal nito...

"Ganun ba? Maybe busy lang siguro si Kuya mo?"

"Lagi naman..." Sabay simangot nito...

"I know what you feel, ganyan din ako nagtatampo din minsan kapag busy ang taong mahal sa buhay, pero ginagawa lang nila yun para sa atin din..."

Lumingon sa kanyan si Jamie....
"Really?"

Tumango siya at ngumiti....

"Jamie!"

Napatingin si Pearl sa lalaking pumasok sa pintuan, matangkad ito at mestiso...

"Hi kuya!" Sabay takbo nito sa lalaking bagong pasok...

"Saan ka ba nagpupunta?" Napatingin si Arthur sa babaeng tumayo at kausap kanina nang kanyang kapatid....
"I want to apologize..."

"No! She didn't disturb me...." Tugon niya...

Tumango lang si Arthur at tumalikod na..

Napahinga naman nang maluwag si Pearl at muli na lamang naupo...

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon