Chapter:25

18 2 0
                                    

Kailangan Ko'y Ikaw

Chapter :25

Pabalik-balik ng lakad si Arthur, sobra siyang nag aalala sa sinapit ni Jackie pero sabi naman sa kanya ng doctor ay wala naman itong naging fracture ngunit hanggang ngayon ay wala pa itong malay...
Napalingon siya at nakita niya si Aldrin na bagong pasok.

"Nabalitaan ko, how is she? "

"Wala pa siyang malay,  pero sabi ng doctor maayos naman ang status niya at walang na fractured" sagot ni Arthur.

"Uhmmm... "

Parehas silang napalingon ng madinig ang pag ungol ni Jackie.  Agad lumapit si Arthur.
"Honey,  do you hear me?"

Unti-unting dumilat ang kanyang mga mata, una agad na bumungad sa kanya ay ang mukha ni Arthur Victoria... Ngunit nagtataka siya kung bakit ito ang naririto?  At kung nasaan nga ba siya.  Bigla siya napahawak sa kanyang ulo.
"Anung nangyari? " biglang niyang tanong.

Bumangon siya at sumandal ngunit napahinto siya at napatitig sa lalaking nakatayo malapit sa pintuan.

Nagtataka si Arthur kung bakit ganuon na lang ang titig ni Jackie kay Aldrin.

"Ma-mahal? " sambit niya at wala sa loob na napatayo.

Nagulat si Aldrin sa tinawag ni Jackie sa kanya,  hindi niya kahit kailan binanggit ang tawagan nila ni Pearl kaya bakit siya nito tinatawag na mahal ngayon?
"Anung-anung tinawag mo? "

Nagtataka din si Arthur sa mga eksena na nangyayari pero bigla na din siya kinutuban.

Halos tumulo ang luha ni Pearl ng makalapit kay Aldrin at hinaplos ang mukha nito.  Parang ang tagal-tagal niyang hindi ito nahaplos,  naaalala na niya nang ma-hold up siya at muntik mamatay.
At eto nasa harapan na niya ang lalaking mahal.
"Ako,  ako ito...  Si-si Pearl"

Nagkusang naglandas ang luha ni Arthur,  kung ganuon ang babaeng inibig niya na inakalang si Jackielyn Legazpi ay walang iba kundi ang unang babaeng minahal si Pearl Hermosa.

Halos hindi makapaniwala si Aldrin sa nadinig ngunit napatingin siya kay Arthur,  alam niya nag nararamdaman nito.  Lalaki siya alam niyang masakit dito na malaman ang totoo,  ngunit sa kabilang banda ay ang kasiyahan sa puso na buhay pala ang kanyang nobya. Napahinto siya nang yakapin na siya ni Pearl.

"Mahal ko.  Ang tagal kong hinintay na mayakap ka ulit... " bulong ni Pearl.

Huminga ng malalim si Arthur at humakbang para lumabas.

"Arthur? "

Napahinto siya nang tawagin siya ni Pearl.
Lumingon siya dito at ngumiti.
"You're home... " wika na lamang niya.

"Salamat,  pero hindi ko talaga maintindihan at maalala ang mga nangyari. " sagot ni Pearl.

"Sa ngayon magpahinga ka muna,  kakausapin ko yung doctor mo... " muling sagot ni Arthur at lumabas na sa pintuan.

Ngunit pagkalabas ay isang pag iyak ang nangyari,  sobrang sakit sa kanya na tila isang iglap ay nakalimutan siya nang babaeng mahal niya at bumalik na ito sa tunay nitong mahal. 
"Bakit?  Bakit ngayon pa?  Di ko maintindihan" bulong niya at halos mapigil ang paghagulgol dahil sa sobrang sakit ng kanhang dibdib...

~

Kasalukuyang nakatulog si Pearl,  tinawagan na din ni Aldrin ang magulang nito.  Pero mas kailangan nila pauwiin ang ama ni Pearl dahil maaaring alam nito ang tunay na nangyari sa magkambal.
Naisip niya si Arthur kaya lumabas muna siya,  sakto naman na nakita niya itong nakaupo lang sa waiting area at tila nag iisip.  Alam niyang sobra na nitong mahal ang kanyang nobya,  natural nakilala nito bilang sa pangalan na Jackie at hindi Pearl.
Lumapit siya at naupo sa tabi nito.

Napatingin si Arthur kay Aldrin.
"Tulog na ba siya? "

"Oo" sabay tingin kay Arthur.
"Bakit hindi ka nagpakilala? "

Bumuntong-hininga si Arthur.
"Nakita mo ba yung kislap ng mata niya at kasiyahan ng makita ka?  Kung sasabihin ko sa kanya mapapalitan lahat yun,  tutal sabi ng doctor sa pagbalik ng memorya ni Pearl ay ang pagkawala na naging memorya niya tungkol sa amin.... "

Napailing si Aldrin tila naaawa siya kay Arthur.
"Arthur-"

"Huwag mo akong kaawaan. " putol niya at tingin kay Aldrin
"Noong nakilala ko si Pearl,  lihim ko siyang minahal pero hindi niya alam.  Ayoko makagulo ng relasyon,  isa pa masaya siya sayo.  Kaya ngayon gusto ko maging maligaya muli siya at ikaw. "

"Pero,  paano kung bumalik memorya niya tungkol sa inyo? "

Ngumiti siya ng tipid.
"Ikaw na makakasama niya,  malabo na bumalik ang primary memory niya.  Ituloy ninyo ang planong pagpapakasal.  Sa pangarap ninyong dalawa... " hinawakan niya ang balikat ni Aldrin at tumayo.

Napatayo na din si Aldrin.
"Di ko alam kung paano ako magpapasalamat,  pero isa ito sa pinaka malaking utang na loob ko sayo... "

ngumiti si Arthur.
"Mahal ko siya, si Pearl or Jackie.... Kapag mahal mo ang isang tao,  kailangan mo magparaya,  hangad ko kaligayahan niya sa piling mo.  I'm sorry at humantong pa tayo sa ganito. "

"Wala kang kasalanan,  sadyang mapaglaro lang ang tadhana... "

"Yeah!  You must right,  ako yung natalo but I'm happy.  Dahil alam ko na magiging masaya ang babaeng minahal ko sa piling mo... " sagot niya at muling nilahad ang palad.
"We're still friends, and always Take care Pearl.."

Tinanggap ni Aldrin iyon at tumango.
"Maraming salamat."

Tumango na si Arthur at tumalikod, sa unang hakbang ay ang mabigat na damdamin sa kanyang puso. Iiwan na niya ang babaeng minahal niya sa taong totoong mahal nito. Ang babaeng nagpasaya sa kanya at binigyan kulay ang seryoso niyang buhay.
Hindi na naman niya napigilan ang mapaluha, sa sobrang sakit. Oo sa sakit na nadarama ng kanyang puso. Si Jackie ang naging buhay niya na walang iba na si Pearl pala na unang babaeng minahal niya, kaya pala ganuon na lang ang damdamin niya sa unang kita pa lamang dito. Dahil totoo pala na iisang babae lang ang minahal niya...

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now