Chapter: 27

19 2 0
                                    

Kailangan Ko'y Ikaw

Chapter : 27

Tahimik lang si Pearl habang nakatanaw sa kanilang terrace,  hindi niya din lubos maisip na napaka tagal niyang panahon na nakulong sa madilim na sinapit niya sa mga kamay ng humold-up sa kanya.
Napayakap siya sa kanyang sarili at iniisip talaga niya ang nangyari, hindi din kasi siya masyadong kumbinsido sa sinabi nang kanyang ina at ni Aldrin para kasing may isang tao siyang nakalimutan nang bumalik ang kanyang memorya. 
"At si Arthur?  Ano ba talaga ginagawa niya dito?  Si Jamie kaya kamusta na? " tanong niya sa sarili.

"Anak? "

Napalingon si Pearl at ngumiti sa kanyang ina nang lumapit ito.

"Hindi ka ba makatulog? "

Ngumiti lang siya at muling tumingin sa malayo.
"Parang ang dami ko nang nakaligtaan,  parang ang daming nagbago."

"Pero yung pagmamahal ni Aldrin hindi nagbago sayo anak... "

Tumingin siya sa kanyang ina,  nakita niyang nakangiti ito.
"Ma,  talaga bang na coma lang ako ng apat na taon? " na curious na din siya kaya siya nagtanong.

"Bakit mo naman natanong anak? "

Huminga si Pearl ng malalim.
"Para kasing, parang may nakalimutan ako?  Parang may nakalimutan ako noong nawala ako ng apat na taon..." Bigla siya napailing.
"Pero ayoko naman na isipin din iyon,  ang gusto ko lang din makapag pahinga na lang din..."

Tumango lang si Estrella at niyakap si Pearl.
"Ang buong akala ko nawala ka na nang tuluyan anak... "

Niyakap din niya ang kanyang ina.
"Akala ko din Ma,  pero talagang mabait ang Panginoon at naririto na ulit ako. " sagot niya sabay ngiti sa kanyang ina.

~

"Anong sabi mo? " napatayo si Aldrin sa kinauupuan niya dahil nagulat siya sa hiling ni Arthur.
"Pero ikaw ang may plano nun,  bakit gusto mo ibigay sa amin? "

"Aldrin,  mas magiging masaya ako kapag natupad na ninyo ang matagal ninyong pangarap dalawa,  atlis naka set naman na lahat... "

Napailing si Aldrin, oo gusto na niya pakasalan ang nobya dahil totoo naman na magpapakasal na sila,  ngunit alam niya na hindi ganuon kadali kay Arthur ang lahat.  Sadyang pinipilit lang nito na maging masaya para sa kanila kahit ang totoo ay nasasaktan ito.

"Arthur... "

"Please,  habang andidito pa ako sa Pilipinas Aldrin.  I want to make sure Pearl would be happy,  and gusto ko lang matupad yung pangarap niya na makasal sa taong mahal niya. "

"Fine,  kung yan ang gusto mo...  Sige aayusin ko sa madaling panahon ang kasal namin. " tugon ni Aldrin.

Napangiti si Arthur.
"Thank you Aldrin,  ako na sasagot sa kasal ninyo... At tulad ng gusto niya sunshine wedding. "

"Talaga bang gusto mo gawin ito? "

"Buong puso ko ito binibigay sa inyong dalawa, alam ko na ako ang gumitna at pumutol sa mga taon na dapat magkasama kayo. Kaya gusto ko lang bumawi sayo... "

"Iniisip mo ba,  dahil naging karibal kita kay Pearl? "

Hindi umimik si Arthur at isang malalim na paghinga ang pinakawalan.

"Naiintindihan kita,  nagpapasalamat ako dahil minahal mo si Pearl inalagaan,  wala kang kasalanan at hindi ka gumitna sa amin. " lumapit si Aldrin kay Arthur.
"Wala ka din alam na siya ang tunay na Pearl,  nagmahal ka lang Arthur.  Kahit sino maaaring magmahal , nagkataon lang na iisang babae lang minahal natin. "

Tumitig sa kanya si Arthur, pansin niya ang malungkot na awra ng mukha nito.

"Mabait ka Aldrin at alam ko na nasa tamang lalaki si Pearl. " sabay ngiti.

"Nakakaistorbo ba ako sa inyong dalawa? "

Napalingon pa silang dalawa sa pintuan,  nakita nila si Peal na nakangiti.

"Ikaw pala mahal,  napadaan ka? " agad na tanong ni Aldrin at lumapit humalik siya sa labi ni Pearl.

Hindi naman nakaligtas yun sa paningin ni Arthur ngunit ayaw niya magpahalata na nasasaktan siya.

"Kinuha ko lang yung bulaklak,  naisip ko na din na dumiretso dito." Napatingin siya kay Arthur ngunit hindi ito nakatingin sa kanila kundi sa hawak nito na tila may binabasa.
"At andito pala si Mr. Victoria? "

Lumingon si Arthur at napansin niyang nakatitig si Pearl sa kanya.

"Oo mahal,  kasi tinutulungan niya ako para sa kasal natin.  Diba Arthur? " si Aldrin.

"Ah,  oo...  Tama si Aldrin,  balak niyang i-suprise ka.  Kaso nalaman mo na ngayon. " pinilit niyang ngumiti.

Tumingin si Pearl kay Aldrin.
"Talaga mahal? "

"Mahal di ba talagang plano na natin yun bago ako umalis,  kaya gusto ko lang na ituloy natin yung nasimulan na natin. " sagot ni Aldrin.

Ngumiti si Pearl at yumakap kay Aldrin,  matagal na nga nilang pangarap ang magpakasal.  Ngunit nawala lang yun nang maaksidente siya.
"Salamat mahal. " bulong niya.

Napatingin si Aldrin kay Arthur,  pansin niya g ngumiti sa kanya ang huli.

"Mauna na ako,  susunduin ko si Genna ngayon. " sabat niya.

Lumingon si Pearl.
"Talaga darating pala si Ma'am Genna,  si Jamie nga pala, Kamusta? "

Malungkot na ngumiti si Arthur,  naaalala niya kasi noon na kasabay nawala ni Pearl si Jamie.
"Matagal na siyang patay Pearl... "

Nabigla si Pearl at nakaramdam ng lungkot, sobra niyang paborito si Jamie kaya masakit din sa kanya na malaman ang nangyari dito. At alam niya na malungkot si Arthur dahil si Jamie na lamang ang nag iisang pamilya nito.
"I'm sorry..."

"It's okay, matagal na yun Pearl. But i really need to go now!" Paalam ni Arthur at humakbang na para lumabas sa pintuan.

Nakatingin lang si Pearl, parang ramdam niya ang lungkot nito. Ewan niya pero iba ang awra na nakikita niya kay Arthur sa ngayon, hanggang makalabas na ito.

"Okay ka lang ba mahal?" 

Napalingon si Pearl kay Aldrin.
"Oo mahal okay lang ako.  Kumain na muna tayo nakakagutom. " yaya niya kay Aldrin.

Ngumiti si Aldrin.

~

Hindi pa agad umalis si Arthur, nasa kotse pa siya at nakatanaw sa resort. Tama sobra pa din siya nasasaktan, hindi siya maaaring magsinungaling sa totoong nararamdaman ng kanyang damdamin.
Napapikit siya at sumandal, naglandas ang kanyang luha. Gusto niyang yakapin si Pearl at sabihin na mahal na mahal pa din niya, ngunit hindi na maaari. Kailangan na niya lumayo kapag na-ikasal na ang dalawa, gusto niya na mabura na talaga ang alaala niya kay Pearl.
Napadilat siya at pansin niyang lumabas na ang kotse ni Aldrin, dumaan ito sa harapan ng kotse niya, mabuti na lang at tinted kaya hindi siya makikita.
Alam niyang sakay doon si Pearl at sigurado siyang masaya na ang babaeng mahal niya.
"Pearl, kahit kailangan kita at kahit ikaw ang buhay ko. Mas gugustuhin ko pa din na mapunta ka talaga sa taong mahal mo. Keysa ipagpilitan ko sarili ko na hindi naman ako ang tunay na nasa puso mo...." Bulong niya at hinawakan na ang manibela.
"I love you hon..." At pinaandar na ang kotse.

#authorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant