Chapter 9

21 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter :9

Huminga muna nang malalim si Pearl,  simple lang na dress ang suot niya,  nahihiya naman talaga siya na magpunta...  Ngunit si Jamie lamang ang iniisip niya,  gusto niya pagbigyan ang mga hiling nito habang nabubuhay pa...
Napalingon siya nang may mag doorbell,  agad na dinampot ang kanyang pouch at tinungo na ang pintuan...
Napahinto pa siya na hindi si Jamie ang nasa pinto nang kanyang kwarto...

"Good evening,  Ms. Hermosa! " nakangiting bati ni Arthur,

"Good evening din sir.... "

"Si Jamie siguro hinahanap mo, pinag stay ko na lang siya sa bahay.... "

Tumango na lang si Pearl...

"Shall we? "

Pinilit niyang ngumiti,  at simunod na sa kanyang Boss...

Halos wala silang imikan habang nasa kotse,  ayaw niya mag open nang kahit na ano...  Ayaw niya magsimula or magtanong...

"Pasensya ka na... "

Napalingon siya kay Arthur nagsalita kasi ito,  natural silang dalawa lamang ang nasa sasakyan....
Nadinig niya ang pag buntong-hininga nito, marahil nahihiya din sa kanya lalu at pinagbibigyan lagi si Jamie...

"Okay lang,  i understand. "

Bahagyang lumingon si Arthur sabay ngiti.

Napatitig siya dito,
"Anung meron? " sa isip niya,  pero bakit tila kumabog nang husto ang kanyang dibdib...  Napailing siya,  siraulo ba siya na biglang maramdaman ang ganuong damdamin?   Iisa lang ang lalaking nagpatibok ng puso niya.

"I never treat a woman,  walang ibang babae na sumakay sa kotse maliban kay Jamie...  I'm not a type of a man para magkaroon nang time sa sarili,  kaya sana huwag mo ako pag isipan ng masama? " sabay lingon kay Pearl....
"I'm doing this favor para sa kapatid ko na malapit na magpaalam sa akin... "

Tila naintindihan niya ang mga sinabi nito, at ayaw din niya naman na magtampo pa si Jamie sa mga simpleng hiling nito...
"Huwag ka mag alala,  hindi ako nag iisip ng kahit ano... "  sagot lang niya

Muli nang tumingin si Arthur sa kalsada at pinagpatuloy na ang pag drive....

~

Napahanga naman si Pearl sa bahay ng mga ito,  ang totoo hindi bahay...  Kundi mansyon na katulad sa mga napapanuod niyang foreign movies,  kakaiba ang style,  may garden,  swimming pool....
Napahinga siya nang malalim,  parang nakakahiya na makikihalobilo siya sa lugar na ito...

"Ate Pearl!" Mabilis ang takbo ni Jamie at agad na yumakap sa kanya...
"Yeheyy,  nagpunta ka talaga!  Thank you so much! " masayang sabi nito...

"Syempre para sayo kaya ako nagpunta."

Tila parang nagningning naman ang mga mata ni Jamie,  agad na siyang yumakap sa braso ni Pearl at hinila na ito papasok sa loob.

Napalingon muna si Pearl at nakita si Arthur na nakangiti sa kanya sabay senyas na. "Sige pumasok na kayo" ... Tila naunawaan na lamang niya at sumama na kay Jamie....

Halos walang patid mag kwento ito,  talagang silang tatlo lamang kumain...  Napapangiti siya dahil matalinong bata si Jamie at madami itong alam...

Napapasulyap naman si Arthur kay Pearl,  sobra kasi ito makangiti...  Halata dito na enjoy sa pakikipag usapa sa kapatid,  gusto niya iwasan ang nararamdaman para dito dahil alam niyang may mali ngunit tila lalu lamang sila pinaglalapit.
Napailing siya bigla at tumayo...

Napalingon naman si Pearl dahil nakitang tumalikod na ito...

"Ate Pearl, can you sleep here? "

Napalingon siya kay Jamie...
"Di ako, sigurado?"

"I'll tell to kuya!" Agad itong tumayo at nagmamadaling tumakbo papunta sa kuya niya...

Napatayo na din siya at sumunod sa mga ito...

"Kuya!  Dito na matulog si Angel Pearl? " pakiusap ni Jamie....

Napalingon si Arthur at tumingin sa kanya,  wala din siya masagot dahil hindi niya alam ang sasabihin dito....

"Pearl, Okay lang ba? "

Huminga ng malalim si Pearl,  at ngumiti sa kanila...
"Okay! "

"Yeheeyy! Tabi tayo my angel! " natutuwa nitong sabi at muli siyang hinila,  napasunod na lamang siya kay Jamie...

Nakatingin naman si Arthur sa dalawa habang paakyat,  pakiramdam niya tuloy ay napipilitan na lamang si Pearl...
"At ayoko nang ganitong Feelings... " bulong niya...

~

Nakangiti si Pearl,  nang makatulog na si Jamie,  pinahiram din siya ng damit na tama naman sa kanya...
Tiningnan niya ang kanyang cellphone,  ngunit walang mensahe si Aldrin,  ang dami na niyang na send na messages pero walang sagot ito...
Napabuntong-hininga siya at lumabas saglit sa kwarto ni Jamie...
Napansin niya ang tila terrace doon kaya lumapit muna siya at nagpahangin...
"Mahal bakit kaya di ka sumasagot? " bulong niya,  nagtataka kasi siya at naka off ang cellphone nito....

"Di ka makatulog? "

Napalingon siya at nakita si Arthur,  lumapit ito at tumingin sa kalangitan...

"Lagi talaga ako nagpupuyat,  kaya sanay ako na madaling araw na matulog... " napayakap siya sa sarili malamig kasi sa amerika...

"Thank you talaga,  i don't know kung paano ako makakabawi sa lahat nang ginagawa mo para kay Jamie... "

Napangiti siya...
"Okay lang naman,  sa totoo lang malambing kasi siya kaya natutuwa din ako... Matalino si Jamie. "  bigla siya natahimik,  lalu at alam niyang impossible na itong mabuhay ng matagal,  pansin niya kanina ang mga pasa nito...  Nang binibihisan ng katulong,  pati ang kalbo na buhok nito...
Bigla siya napa buntong-hininga...

"I know,  naaawa ka din sa kapatid ko.  Mayaman ako,  pero wala akong magawa,  di ko madugtungan ang buhay niya.  Aanhin ko ang madaming pera,  if i lost her? "

Napatitig si Pearl,  ramdam niya ang kalungkutan ni Arthur.  Kahit siguro na siya ang nasa katayuan nito ay ganito din ang kanyang mararamdaman...
"Huwag ka malungkot,  I'm sure malulungkot si Jamie.... "

Lumingon si Arthur
"Maraming salamat,  you giving me hope.  Magpahinga ka na Ms. Hermosa.  Goodnight... " tumalikod na muli ito at naiwan pa siya...

Napatitig lang siya habang palayo na ito at pumasok sa kabilang kwarto...
"Kahit ako,  ganito din mararamdaman ko kapag mahal ko sa buhay ang mawawala.." Bulong niya at muling tiningnan ang kanyang cellphone,  ngunit wala pa din si Aldrin....
"Hayy,  i miss you mahal ko... " bulong niya

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant