Chapter:10

23 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter :10

"WELCOME HOME!!! "

Napangiti si Aldrin,  nakauwi na nga naman siya sa Pinas... 
"Basta, tutulungan ninyo ako sa surprise ko para kay Pearl, malapit na siya umuwi." Sagot lamang niya at kinuha ang singsing na nasa bulsa...

"Naku, ang ganda naman kuya!!!"

"Syempre para ito sa maganda kong mahal, alam niyo naman mahal na mahal ko si Pearl ko" nakangiti niyang sagot at binulsa na muli ang singsing...

"Siya, umuwi na tayo para makapag pahinga ka na muna.."  Sabat ng kanyang ina...

Ngumiti na siya muli at sumunod na sa magulang para makasakay sa sasakyan...

~

Halos pagod na pagod si Pearl sa maghapon,  lagi pa din siya naghihintay sa reply ni Aldrin ngunit halos mag iisang linggo na wala itong sagot...
"Sabagay malapit na ako umuwi... " bulong niya at sumandal sa upuan...

Naging maayos naman lahat nang ginawa niya at ang nakakatuwa mukhang tataas pa ang kanyang posisyon...
Napansandal siya at napatingin sa litrating binigay ni Jamie,  ngumiti siya pero agad din lumungkot...  Dinala na ito sa Hospital kagabi,  halos iyak ng iyak at ayaw magpadala habang nakaka-kapit sa kanya.  Kailangan nito mag pa-therapy,  kahit wala naman na kasiguraduhan...
"Sana may awa pa ako diyos,  dugtungan pa sana ang buhay niya." Bulong ni Pearl at kinuha ang picture at nilagay sa bag.  Babaunin niya ang litrato sa kanyang pag uwi...

Tumayo na siya at nagtungo sa pintuan,  nagulat pa siya dahil nasalubong si Arthur. Mukhang sadya talaga siya nito.

"Yes? "

"Jamie gave this to you... " at inabot ang isang key chain....

Kinuha ni Pearl iyon,  isang angel na key Chain....

"Ginawa niya yan para sayo, para may angel ka daw kapag umuwi ka... "

Tumulo bigla ang luha niya, natutuwa talaga siya kay Jamie... Ang problema nanghihinayang siya dahil napakabata pa nito...

"Pearl? "

"Thank you so much,  sana gumaling pa siya.... " naiiyak niyang sabi,

Ngumiti si Arthur....
"Mag iingat ka din,  at sobrang salamat sa lahat nang binigay mo para kay Jamie.  Have a safe trip sa monday... "

Tumango siya,  tumalikod na si Arthur at iniwan na siya nito...  Pinagmasdan niya muli ang nasa kamay niya...

~

Naka ayos na lahat nang gamit ni Pearl,  nilagay niya ang key Chain na may pangalang Pearl sa kanyang bag...
Napatingin siya sa salamin,  masaya siya at makakabalik na siya sa Pilipinas isang buwan nga din naman ang kanyang naging trabaho sa abroad....

Napatingin siya sa kanyang relo gabi kasi ang kanyang flight...
Huminga muna siya nang malalim at kinuha na ang bagahe...

Habang nasa sasakyan ay tila kabado siya,  hindi niya maintindihan...  Pero ngayon lang niya naramdaman ang ganuong kaba sa buhay niya...

Nagulat siya nang may pumasok na isang babae sa kanyang "TAXI "  na sinasakyan..

"What the-"

"Shut up!  Gave me all your things!" At tila may tinutok sa kanya...

Lalung kinabahan si Pearl,  anu ba at kung kelan naman siya pauwi ay minalas pa siya..

"You done honey? " tanong ng driver....

"Tang ina,  kasabwat pala.... " sa isip na lang ni Pearl...
Pero hindi dapat siya magpakita ng takot,  mabili niyang siniko ang babae at nagmamadaling bumaba sa taxi..

Basta tumakbo siya,  hindi na niya naisip ang maleta,  ang mahalaga nasa kanya ang bag na may lamang impontanteng papeles.
Pansin niya na mabilis ang sasakyan na sumusunod sa kanya,
"Diyosko tulungan niyo ako... " bulong niya,  paano nga ay hindi niya kabisado ang lugar, hindi niya naisip na dinala na pala siya sa ibang lugar hindi sa Airport...
Pero mas lalu siyang nagulat nang may bigla na lamang sumalubong sa kanya sabay hampas ng kahoy...
Hilo si Pearl at ramdam niya ang pagdugo ng kanyang ulo,  nanlalabo ang mga mata na napatingin siya sa mga ito,  at ang liwanag nang kotse na nagmula sa humintong kotse...

"Damn you!"

Dinig niyang sigaw nang babae at kinuha ang kanyang bag,  di na siya makagalaw lalu at isang pang paghampas ang ginawa sa kanya, ramdam na niya ang pamamanhid ng katawan sobra...  Di na siya makadilat pero ramdam niyang tinanggal ang singsing,  relo pati kwintas niya....

"Hey!  Just kill her! "

Nadinig niya muli at mga tumawa pa ito,  tinayo si Pearl nang mga nang trip sa kanya,  basta ramdam niya na may pumalo muli sa kanya...  At sa huli ay nawalan na siya nang malay...

Nilaglag nila si Pearl sa may bangin,  nagtatawanan pa ang mga ito dahil may nabiktima na naman sila...

Agad na sinuot nang babae ang mga kinuha niya kay Pearl...
Isa-isa na nagsi pasok ang mga ito sa taxi..

~

"Pearl.... " nagising si Aldrin,  sobrang kabog nang kanyang dibdib,  alam niyang pauwi na ang kanyang nobya kaya sobra ang excited  niya. 
Napailing siya at biglang natakot sa kanyang panaginip,  humihingi kasi ito nang tulong....
"Pearl, mahal Sana wala naman nangyari sayo na masama...." Bulong niya.

~

Naghintay sila sa Airport tulad nang sabi ni Pearl dahil uuwi na nga ito,  pero nagtataka si Aldrin,  wala pa din ang nobya sa tamang oras.
May lumapit na mga pulis tila mga amerikano ito....
May mga dala silang gamit, pero mukhang galing sa sunog.

"Excuse me Officer,  what's all the meaning of this? " di na niya naiwasan ang magtanong at sobrang kaba ang nasa dibdib..

"We found Ms. Hermosa things,  and her body...  I'm sorry but she's gone... " parang ginuho ang mundo ni Aldrin sa nadinig,  halos mapaupo siya,  tila siya ang nasopresa sa nangyari kay Pearl...

Madami pang sinasabi ang mga pulis ngunit nadinig na lamang niya ang iyakan ng bawat miyembro sa pamilya nila...

~

"What? " kahit si Arthur ay hindi makapaniwala sa binalita sa kanya ni Genna, 
Bigla siya napaupo,  anung nangyari...  Bakit ganuon,

"Arthur?"

Tumulo ang luha ni Arthur,  sana na lang hinatid niya ito para hindi napahamak...
"Bakit ganun?  Ang bait niya... " bulong niya

Lumapit si Genna at may inabot sa kanya,  kinuha iyon ni Arthur...  Ito ang binigay ni Jamie kay Pearl...
Lalu tuloy siya napaluha,  nasaktan siya hindi dahil sa nangyari dito,  kundi mahal niya nang lihim si Pearl...

~

Malungkot ang kapwa pamilya nila habang na sa kanila na ang bangkay ni Pearl,  hindi mabuksan ito nang maiuwi dahil hindi makilala...

Tulala lang si Aldrin,  hindi siya makapaniwala sa mabilisang nangyari kay Pearl,  walang patid ang kanyang luha...  Sobrang sakit ang kanyang nararamdaman...  At hindi lamang yun,  tila ang kanyang mundo ay gumuho sa pagkawala nang kanyang pinakamamahal.

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon