Chapter :16

17 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter : 16

"Wow!  Ang ganda pala dito! " excited na sabi ni Jackie, agad na siya bumaba galing sa taxi. 
"Saan kaya ako magsisimula? " bulong niya.  Pero mas kailangan niya muna maghanap din nang mapagpapahingaan...
Umiling na lang siya at masyado din siyang pagod sa mahabang biyahe.

"Excuse me!"

Lumingon si Jackie sabay ngiti.
"Yes? "

"I'm Lara,  ako yung tinawagan ng Father mo.  You must be Jackielyn Legazpi right? "

"Yes i am... "

"This way ma'am,  etong resort at Hotel ang kinuha niya para sa inyong tutuluyan. "

Muling ngumiti si Jackie at sumama na dito.

~

"Sige,  pakiayos na lang lahat... " wika ni Aldrin at  pinirmahan ang nasa folder na bigay sa kanya...
Napangiti siya nang ibalik ito sa kanyang sekretarya.

Napatingin siya sa paligid,  may sarili na siyang Resort at Hotel.  Ito ang pangarap nila ni Pearl noon,  at ito pa mismo ang nagplano nang disenyo.

"Ang ganda naman dito... "

Napatigil si Aldrin lalu nang madinig ang boses na yun,  lumingon siya at nakita niya ang babaeng nakatalikod.  May hawak itong maleta at nakikipag usap sa isa sa kanyang mga staff. 
Hindi niya alam kung bakit napatitig siya ng husto dito,  pero pamilyar talaga ang boses nito....

Nakangiti pa din si Jackie at napatingin sa paligid,  sakto lingon niya at nagtama ang mga mata nila nang lalaking nakatayo roon. 

Nalaglag ni Aldrin papel na hawak niya,  hindi siya maaaring magkamali.  Si Pearl ang nakikita niya na kaharap niya.

Taka naman si Jackie sa pagtitig nito, para bang nabigla ito nang makita siya.

"Ma'am! "

Lumingon na siya sa kanina niyang kausap at agad na sumunod na dito,  hindi na siya muling lumingon sa lalaking nakatitig sa kanya.

Halos malaglag ang luha ni Aldrin,  impossible na si Pearl yun,  apat na taon nang patay si Pearl.  Nakita niya nang dalhin ang bangkay nito.
"Pero sino ang babaeng yun? " bulong niya at nasundan ito nang tingin papuntang elevator.

~

Nakahiga na si Jackie at nakatingin siya sa kisame.  Kanina nang makita niya ang lalaki na yun ay may para bang kirot siyang naramdaman sa kanyang puso.
"Bakit ganun? " tanong niya sa sarili at napatayo,  bigla siya napahakbang papunta sa terrace,  binuksan niya yun at kitang -kita ang malawak na karagatan. 
Dama niya ang sariwang hangin dala ng dagat.
At habang tinatanaw yun ay para bang may kakaibang hatid sa kanya.
"Di ko siya kilala,  pero bakita napaka sakit ng puso ko nang makita siya? " napahinga siya nang malalim at napapikit.
Sumakit bigla ang kanyang ulo,  ngayon lang nangyari yun.  Bigla din siya dumilat,  may luha ang kanyang mga mata.
"Naku Jackie!  Tigil-tigilan mo na mag isip." Bulong niya at sinara na muli ang terrace at bumalik sa kama gusto na muna niyang matulog...

"Mr. Hernandez? "

"Maupo ka,  pinatawag talaga kita dahil itatanong ko lang kung sino yung babae na pinag tour mo? " agad na tanong ni Aldrin.

"Si Ms. Legazpi po ba sir? "

"Legazpi? "

"Yes Sir!  She was Jackielyn Legazpi,  one of the top model sa Paris at Victoria... " nakangiting explain nito

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now