Chapter: 22

15 1 0
                                    

Kailangan Ko'y ikaw

Chapter : 22

"Mukhang nagpahanda si Aldrin sa resort ahh? "

Natawa si Jackie
"Opo Ma!  Wala lang gusto lang daw niya magkaroon ng kaunting bonding..." Napalingon siya at nakita si Aldrin na papalapit.

Naka pormal itong damit at nala sunglass,  parang nasa movie na gusto niya pagmasdan ang papalapit nitong lakad pati ang porma nito para bang nakita na niya dati...

"Hi! "

Napakurap siya at biglang iwas ng tingin bakit bigla na lang bumilis ang tibok ng puso niya,  bakit ganuon para bang nakakatunaw ang imahe ni Aldrin napapikit siya.

"Hi Mahal! "

"Ang gwapo talaga ng boyfriend ko,  aba may flowers pang dala... " nakangiti niyang sabi...

"Jackie! "

Napadilat siya nang humawak ito sa kanyang balikat nasa likod na pala niya si Aldrin.

"Okay ka lang? "

"Ah,  oo..." Sabay ngiti,  talagang sobra na siyang nagtataka sa mga biglang flashback sa utak niya...

"Doon na tayo para makapag enjoy kayo! " yaya ni Aldrin...

"Sige.. " sagot niya at pinagmasdan na lang niya si Aldrin na nauna sa paghakbang papasok sa loob ng event room
Naiwan siya sa labas at nagkibit -balikat , mula nang makauwi sa Pilipinas at makilala si Aldrin ay bigla-bigla na lamang siya nagkaka ganito.
Napailing si Jackie at pumasok na sa loob...

Napatingin sa kanya ang halos ibang kakilala nila Aldrin,  ang buong akala ay siya si Pearl. Wala naman kasi nakaka alam na may kakambal talaga si Pearl.

"Huwag kayong magulat,  siya ang anak ko na si Jackie!  Identical twin siya ni Pearl... " wika ni Estrella dahil napapansin na niya ang bulungan ng mga tao.

Napangiti na lang si Jackie.
"Hello everyone,  I'm  Jackielyn Legazpi..." Pagpapakilala niya at lumingon kay Aldrin napansin niyang nakatitig ito sa kanya kaya ngumiti siya.

~

Mahaba din ang oras ng kasiyahan,  mayroon videoke na madalas na ginagawa ng family bonding.  Madami din naka kwentuhan si Jackie at nag eenjoy siya ng sobra...

"Jackie marunong ka ba kumanta?" Biglang tanong ng isang bisita.

"Kaunti lang.... " sagot niya...

"Talaga!  Sige na kanta ka! " request nila..

"Go Jackie!  "

Natawa tuloy siya at tumayo....

Pumalakpak naman si Estrella,  magaling kumanta si Pearl kaya natutuwa siya dahil marunong din kumanta si Jackie.

Lumapit siya sa videoke at naghanap ng kanta...  May isa siyang paborito na kanta,  hindi niya alam kung Pa'no niya naging paborito iyon basta isa lang alam niya,  malungkot siya sa tuwing nadidinig ang kantang iyon,  parang may isang tao siyang pinagbigyan ng kanta na yun at labi na mahal niya....

Napatingin si Aldrin lalu at nakita niya ang kanta na nilagay ni Jackie.

Humarap Jackie at pinakinggan ang music, basta gusto niya ang kanta na ito at pakiramdam niya ay inalay niya ito sa isang tao.

Kailangan ko'y ikaw

Jackie:

Kailangan ko'y ikaw
Dito sa piling ko
Kailangan kong madama
Ang pag-ibig mo

Sa bawat oras na
Di ka nakikita
Para bang kay bigat
Ng nadarama

Nakapikit siya habang dinadama ang kanta,  hindi niya naiwasan na tumulo ang kanyang luha,  hindi niya alam kung sino ang namimiss niya, hindi niya alam kung kanino niya inalay ang kantang iyon.  Pero isa lang ang alam niya.  Mahal niya ang taong yun.

Napalunok si Aldrin,  ito nag madalas na kantahin ni Pearl sa tuwing nasa barko siya,  lalu kapag malungkot ito.  Lagi nito sinasabi na kailangan siya sa buhay nito at ayaw na siya lumayo.  Tumulo ang luha ni Aldrin habang pinakikinggang ang boses ni Jackie,  parang si Pearl kung kumanta ang malamig at malambing na boses nito...

Jackie:

O giliw nasan ka
Bakit lumisan ka
Paano nang
Puso kong nag-iisa

O giliw nasan ka
Bakit lumisan ka
Paano nang puso kong nag-iisa

Kailangan ko'y ikaw
Sa bawat sandali
Kailangan ko'ng yakap mo
At iyong halik

Kailangan ko'y ikaw
Dito sa buhay ko
Paano nang puso kong nag-iisa

Kailangan ko'y ikaw

Halos naabot niya ang mataas na stanza,  ang mga nanunuod ay nakatitig lamang kay Jackie.

Napadilat siya pagkatapos ng kanta at naramdaman niya na tumulo ang kanyang luha.  Agad niyang pinunasan yun at nilapag muna ang mic.

"Saglit lang ma.. " paalam niya at nagmamadaling lumabas.

Nasundan ito ng tingin ni Aldrin nagtataka siya kung bakit lumabas si Jackie.

Pagkalabas ay tila sobrang sakit ng puso niya,  ngayon hindi na niya napigilan maglandas ang kanyang luha. 
"Sino ba talaga ako? " bigla na niyang naitanong at pumikit.

~

Napadilat ang kanyang mga mata,  hindi niya alam kung nasaan siya basta masakit ang buo niyang katawan.

"Anak? "

Lumingon siya sa tumawag hindi niya ito kilala at ang isa niyang pinagtataka hindi niya din alam ang kanyang pangalan.

"Jackie? "

Tumatak na sa isipan niya ang pangalan na yun,  isang taon daw siyang nakaratay mula maaksidente sa swimming competition,  halos lahat ay pinaalala sa kanya ng kanyang ama.  Hanggang sa napilitan siya dalhin sa Paris dahil modelo siya doon.

"Bakit ako umiiyak?  " bulong na tanong niya habang walang patid ang kanyang luha sa pagpatak,  para siyang nasasaktan na hindi niya malaman.  Parang may tao siyang nakalimutan na gusto niya balikan pero hindi na dapat.

"Jackie? "

Napalingon siya at nakita si Aldrin na tila nag aalala sa kanya.
Pinunasan niya ang kanyang luha,  ayaw niya makita siya nitong umiiyak.

"Okay lang ako,  parang nasaktan lang ako sa kantang iyon... " sagot niya at huminga ng malalim sabay ngiti kay Aldrin.
"Dapat hindi mo iniiwanan mga bisita mo. "

"Nag-alala lang ako sayo kaya lumabas ako. "

Tumango si Jackie,
"nagpapahangin lang ako saglit.. "

"Okay! " tumalikod na si Aldrin,  ngunit lumingon muli siya.
"Yung kinanta mo,  Team song namin ni Pearl yun. Salamat at muli ko nadinig ang kanta na yun... " dagdag nito at muling diretso na sa paglakad papasok sa loob.

Muling tumulo ang luha ni Jackie,  bakit ba siya masyadong apektado sa pag iibigan ng kakambal niya at ni Aldrin.
Umiling siya at pinunasan muli ang luha niya...

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon