Chapter:31

25 2 0
                                    

Kailangan Ko'y Ikaw

Chapter: 31

Halos kabado si Pearl habang pinagmamasdan ang kanyang sarili sa salamin,  bihis na siya sa kanyang pangkasal na damit.  Napahinga siya nang malalim at ngumiti nang pilit.
"Patawarin mo ako,  kung hindi na tulad ng dati." Bulong niya at pumikit saglit gusto niya pigilan ang luha niya dahil maglalandas na ito. Kagat labi niyang pinunasan saglit ang gilid ng mata dahil tutulo na ang kanyang luha. 
Namimiss na niya si Arthur, si Arthur na minahal niya at ngayon ang tinitibok ng kanyang puso.

"Hey! Umiiyak ka ba?" Puna ni Shane.

Lumingon siya at ngumiti sa kanyang bestfriend.
"Tears of joy!"

"Tara na, naghihintay na ang groom mo."

Tumango siya at muling tumingin sa salamin, inayos na niya ang sarili at lumabas ng kwarto.

~

Tulad nang napag usapan isang Sunshine Wedding ang gaganapin, nakaharap ito sa dagat. Ganitong-ganito ang concept na napili nila noon ni Aldrin, at ganito din silang dalawa ni Arthur. Wala din naman siya masasabi kay Aldrin pinilit pa din nito maging normal ang pakitungon kahit dama nito na hindi na talaga siya ang tinitibok ng puso.

Nasa gilid na ang kanyang nga mga magulang, ngumiti siya pero gusto niya na mag isa na lamang siyang lalakad. Sa kabilang dulo ay natatanaw niya si Aldrin na nakangiti sa kanya at tila hinihintay siya.

Habang mag isa nag lalakad ay pinatugtog ang paborito niyang kanta,  ang kanta na nagpalungkot sa kanya.  At ang kanta na binigay niya sa dalawang taong naging bahagi ng buhay niya.

Kailangan ko'y ikaw
Dito sa piling ko
Kailangan kong madama
Ang pag-ibig mo

Sa bawat oras na
Di ka nakikita
Para bang kay bigat
Ng nadarama

O giliw nasan ka
Bakit lumisan ka
Paano nang
Puso kong nag-iisa

Tumulo bigla ang kanyang luha,  noon pinagkaloob niya ang kantang ito kay Aldrin dahil mahal niya ito at lagi niya hinahanap.  Ngayon nadidinig niya ang kanta na ito kahit kasama si Aldrin ngunit sa kabilang bahagi ng kanyang puso ay may Arthur na nag may ari nito.
Si Arthur na ang nasa puso niya,  ang lalaking minahal niya noon at hanggang sa ngayon.

O giliw nasan ka
Bakit lumisan ka
Paano nang puso kong nag-iisa

Kailangan ko'y ikaw
Sa bawat sandali
Kailangan ko'ng yakap mo
At iyong halik

Kailangan ko'y ikaw
Dito sa buhay ko
Paano nang puso kong nag-iisa

Kailangan ko'y ikaw

Huminto na siya at nakatapat kay Aldrin,  pansin niya na nakangiti ito.  Kinuha nito ang kamay niya....

"Napakaganda mo Pearl,  napaka swerte ko at nakilala kita at minahal natin ang isa't isa. " una ni Aldrin.

Lalu lamang lumandas ang luha niya,  nasasaktan siya dahil mahal siya ni Aldrin samantala wala na siyang pag ibig dito.

Hinaplos ni Aldrin ang kanyang luha...
"But... " putol nito at seryosong tumingin sa kanya.
"I'm giving you freedom,  alam ko na kahit ako ang pinili mo siya pa rin ang nasa puso mo?  Alam ko na mahal mo siya at ang gusto ko makita kitang masaya.... "

Napatitig siya kay Aldrin,  hindi niya maintindihan pero mas lalu siyang naguluhan nang makita ang lalaking nakatayo sa likod nito,  gumilid si Aldrin at binigay ang kamay ni Pearl kay Arthur.

"Nananaginip ba ako? " tanong ni Pearl.

Ngumiti si Arthur at lumandas din ang kanyang luha.

"You're not dreaming Pearl,  nasa harapan mo na talaga ang lalaking nababagay sayo.  Ang lalaking may isang salita na ikaw lang ang babaeng mamahalin niya. "

Lumingon siya kay Aldrin,  tila naguguluhan siya pero nakita niyang nakangiti ito. Muli siyang tumingin kay Arthur.
"Hon. " sa wakas ay nabanggit niya at yumakap na dito.

Niyakap din siya nang mahigpit ni Arthur,  sobra niyang na miss ang babaeng hindi kailanman nawala sa puso't-isipan niya. 
"Na miss kita honey,  akala ko hindi na kita mayayakap ng ganito. " bulong ni Arthur.

Tiningnan ni Pearl ang mukha nito at ngumiti kahit na sige pa din ang paglandas ng luha,  ngunit sa isang banda ay ang kasiyahan na nadarama niya sa kanyang puso.
Lumingon muli siya kay Aldrin.
"Salamat. " bulong niya.

Tumango si Aldrin at sumenyas na pumunta na sila sa gitna.

Napangiti ang dalawa at kapwa humarap na sa Paring naghihintay sa kanila.

Nakatingin lang si Aldrin,  hindi siya nasaktan habang saksi siya ngayon sa ginagawang seremonya nang babaeng dati niyang minahal,  wala siyang pinagsisihan na palayain ito.  Dahil ito ang tama,  ito ang nararapat para kay Pearl ang makapiling ang lalaking may isang salita.  Napatingin siya nang may humawak sa kanyang kamay,  si Shane.
Hindi ito nakatingin sa kanya kundi sa dalawang ngayon ay sumusumpa na Paring nagbibigay basbas nang kanilang pagmamahalan.

"Happy ka na ba Aldrin? "

"Hmm,  I'm  happy dahil alam ko mas magiging maligaya siya kay Arthur. "

Lumingon si Shane at ngumiti.
"Ngayon officially na hiwalay kayo,  may chance na ako sa puso mo. "

Natawa siya,  talagang mahal siya ni Shane kahit noon na highschool pa sila.  Si Pearl ang niligawan niya dahil tumibok ang puso niya dito,  pero si Shane naman ang nagpapaligaya sa kanya noon,  oo ilang beses na pagkakataong nilihim nila ang relasyon kay Pearl kaya sobra pagsisisi niya nang inakala niyang namatay si Pearl ay hindi lang man siya nakahingi ng tawad.
Pero ngayon nakakahinga na siya nang maluwag,  parehas na nila natagapuan ang talagang para sa kanila.
Hinawakan na niya nang mahigpit amg kamay ni Shane.

Lumingon si Shane at tipa nagtatanong sa ibig sabihin nun.

"Of course, tulad ng sabi mo new chapter pf my lovelife.... " sabay ngiti ni Aldrin...

Ngumiti na din si Shane.

"And now you may kiss the bride"

Saktong palubog na ang araw nang tanggalin ni Arthur ang belo ni Pearl,  tinitigan niya maigi ang mukha nang babaeng mahal niya.
"I love you honey. " bulong niya.

"I love you too... " masayang tugon ni Pearl.

Lumapit na ang mukha ni Arthur at hinalikan na siya nito sa labi,  ang halik na talagang na miss niya,  ang halik na suabe at may pag galang.  At ang halik na puno nang pagmamahal.

Naging maingay ang palakpakan sa mga nanunuod nang kanilang kasal,  napakasaya ni Pearl.  Dahil natupad ang pangarap niya,  ang pangarap na makasal sa taong tunay na tinitibok nang kanyang puso....

"Hindi ako nagkamali,  ikaw talaga mahal ko Arthur. "

"Patawari mo ako kung nagparaya ako,  akala ko kasi makakalimutan mo ako...  Pero nagkamali ako,  dahil ako pala ang tinitibok na ngayon ng puso mo. "

At muling naghinang ang kanilang mga labi...

"Mabuhay ang bagong kasal!!!! " sigaw nang mga pumapalakpak at saksi sa kanilang pag -iisang dibdib..

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now