Chapter: 24

19 2 0
                                    

Kailangan Ko'y Ikaw

Chapter : 24

Nasa dining area si Aldrin para hintayin si Jackie at Arthur, habang hinihintay ang mga ito ay tila napapaisip siya hindi niya kasi alam kung bakit ganito na lamang ang nararamdaman niya sa tuwing nakikita si Jackie lalu ngayon na kasama na si Arthur.  Para siyang nasasaktan dahil nakikita niyang masaya ang dalawa ngunit pinilig niya ang kanyang ulo...
"Kambal siya ni Pearl hindi siya si Pearl... " bulong niya at napansin na niya ang mga bagong pasok.
Napatitig siya kay Jackie nakabestida ito na white, walang manggas at nakapuyod ang buhok. Kumorte din ang katawan nito sa damit.  Para siyang natulala nang makita muli ito sa simpleng suot,  talagang nabubuhay si Pearl sa imahe ni Jackie.

"Good evening! " bati ng dalawa.

Napatayo si Aldrin at nakipag kamay muli sa dalawa.

"Naghintay ka ba ng matagal Aldrin? " tanong ni Jackie.

"Hindi naman,  sitdown! "

Naupo naman ang dalawa, ngunit muling tumayo si Jackie.
Napatingin naman ang dalawa.

"Why hon? " tanong ni Arthur.

"Pupunta lang ako saglit sa Restroom,  wait lang. " paalam nito at humalik pa sa pisngi ni Arthur.

Nakamasid lang si Aldrin at pagtalikod ni Jackie ay napansin niya ang likod nito.  Mababa ang bandang likuran kaya makikita ang balat nito.  Napalunok siya ng sunod-sunod.

Napansin namam ni Arthur na tila nabahala ang ekspresyon ng mukha ni Aldrin.
"Okay ka lang? " tanong ni Arthur

Lumingon siya at kumurap sabay ngiti ng pilit.
"Yes!  May, May  naalala lang ako..." Sagot ni Aldrin

"I'm sure si Pearl,  i know how much Pearl love you so much.. Madalas siya mag kwento pero hindi niya nabanggit name mo... "

Napatitig si Aldrin kay Arthur.
"Sorry kung,  noong una napagkamalan ko siya si Pearl.  Hindi ko kasi alam na may kakambal nobya ko... "

"Kahit naman ako,  actually panget unang meet namin ni Jackie.  Napagkamalan niya ako na stalker. " sabay tawa ni Arthur.

Natawa si Aldrin at nilahad muli ang kamay kay Arthur.

Napatingin si Arthur.

"Let us be friend,  alam ko na hindi mo pinabayaan ang nobya ko nung nasa state..." Wika ni Aldrin...

Ngumiti si Arthur at tinanggap ang kamay niya.
"Thank you!  I hope you find the right girl in the right time... "

"I hope " tugo ni Aldrin

"Mukhang masinsinan na usapan ninyong dalawa" ani ni Jackie na nakangiti.

Natawa na lamang muli ang dalawa.

~

"Honey " Sabay yapos ni Jackie habang nakaupo si Arthur.

Napangiti si Arthur,  namimili siya nang magandang designed para sa venue nila ni Jackie.
"Naglalambing na naman ang honey ko ha? "

Naupo na si Jackie sa tabing upuan niya,
"Wala lang,  parang gustong-gusto lang kita palaging yakapin."

Pinagmasdan ito ni Arthur at hinaplos ang buhok.
"Kapag kasal na tayo,  kahit magdamag tayong magyakapan. "

"Honey,  bakit - bakit sobrang Gentlemen mo?  I mean,  two years na tayo pero never ka nag take advantage sa akin? "

Ngumiti si Arthur.
"Ganoon talaga kapag mahal mo ang isang tao at kasama sa pagmamahal ang pag galang... "

"Hayy!  Ang sweet talaga ni Arthur Victoria! "

"Soon magiging Mrs. Victoria ka na! " nakangiting tugon ni Arthur at pinagmasdan si Jackie.
Wala na talaga siyang mahihiling at mahal na mahal niya ito,  napaka swerte niya dahil si Jackie ang para sa kanya.

"Kung makatitig ka sa akin ahh!  Nagagandahan ka na naman noh? " pagbibiro ni Jackie.

Huminga ng malalim si Arthur at seryosong tumingin kay Jackie.
"Natatakot lang ako na,  baka isang araw mawala ka piling ko. "

"Hon,  hindi ako mawawala.  Balik -baliktarin man ang panahon ikaw na ang pipiliin ko. " nakangiting sagot ni Jackie at hinawakan ang kamay ni Arthur.
"Siguro mayroon akong past,  pero ikaw na ang future ko.  Magiging wife mo na ako soon,  matutupad na natin pangarap na matagal na nating binuo. "

Tumango si Arthur at kinuha ang kamay nigo sabay halik.
"I love you... "

"I love you too Arthur Victoria.. Kailangan kita,  dito sa buhay ko.... " tumayo si Jackie at muling yumakap sa kanyang nobyo.
Gusto niya maramdaman ni Arthur na kahit kelan ay hindi magbabago ang isipan niya at ito naman talaga ang lalaking tinitibok ng kanyang puso.

~

Nagababasa pa si Aldrin ng mga oras na yun,  pero muli sumagi sa isipan niya ang balat ni Jackie.  Natural kabisado niya ang balat ni Pearl at halos magka parehas ang mga ito,
"Imposible na pati balat magkaparehas sila? " tanong niya at muling napailing.
Binitawan niya ang mga binabasa at sumandal,  bukas ay magkakaroon ng pictorial ang mga ito.  Malapit na talaga ang kasal ng dalawa.
"Masaya ako para sa dalawa at sana nga makatagpo ako ng taong mamahalin ko muli.." Sabay muling lingon sa frame nila ni Pearl...

~

Maaga pa nagsimula ang pictorial para sa kasal nila Jackie at Arthur,  naging main venue ang dagat dahil kilalang swimmer si Jackie at natural na isang sikat na modelo din sa Paris.
Napapangiti siya sa mga pose nila ni Arthur, para kasi silang Prinsipe at Prinsesa sa kanilang mga suot. Lalu ang long gown na suot niya, pinaupo siya sa gitna at halos pinalibutan ng red petals. Sanay na sanay siya sa mga ganitong pose dahil nga siya ay modelo.

"Perfect shot Ms. Legazpi! " sigaw ng photographer, 

Napangiti na siya at dahan- dahan na bumababa sa hagdan na di sadyang may wire pala na nasa hagdanan.  Sumabit ang sapatos ni Jackie na dahilan ng out of balance hanggang sa malaglag.
Nagka gulo ang mga tao at nagmamadali si Arthur na dumulog para tingnan ang nobya.

"Jackie! " sigaw niya at pansin niyang tumama ang ulo nito.
Agad niya itong binuhat para dalhin sa Hospital.

"Oh my god! " halos patili nang mga iba na nakasaksi sa pagkaka aksidente ni Jackie

Kadarating lang ni Aldrin kaya wala siyang alam sa nangyari pero nagtataka siya kung bakit nagkaka gulo ang mga ito.
"Anong nangyayari? " agad niyang tanong sa mga tao niya...

"Naku Sir!  Si Ms. Legazpi na aksidente po,  sinugod na po siya sa Hospital. "

Sa nadinig ay nagmamadali niyang kinuha ang susi at lumabas para tunguhin ang kanyang kotse. Hindi niya alam kung anong meron pero sobra siya nag aalala,  gusto niya malaman ang kalagayan nito....

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now