Chapter 17:

16 3 0
                                    


"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter :17

"Kelan ka naman pupunta sa Pilipinas?" Tanong ni Genna kay Arthur.

"Maybe,  after lang nitong project natin. Balak kasi namin ni Jackie sa pinas na din magpakasal." Nakangiting niyang sagot.

"Masaya ako kapag nakikita kitang masaya,  atlis hindi ka na malulungkot mayroong Jackie na nagpapasaya na sayo?"

Tumingin si Arthur kay Genna,  yes naging maganda ang pagsasama nilang dalawa wala na siyang mahihiling pa.  Ito na ang babaeng hiniling niya at kahit kailan ay hindi niya iiwan. "Si Jackie na kasi kumumpleto ng buhay ko,  kaya naging masaya talaga ako.  Lalu at eto nga malapit na din kami magpakasal. "

"O sige maiwan na kita,  may aayusin ako sa kabilang building...."

Tumango si Arthur at napabuntong-hininga,  gabi ngaun sa Pilipinas.  Kinuha niya ang cellphone at agad na dial ang number ni Jackie. 
Napangiti pa siya ng mag ring ito.

Pansin ni Jackie na tumatawag si Arthur kaya agad itong sinagot.
"Hello Honey? "

"Hello hon,  hindi ba kita naistorbo? "

Ngumiti si Jackie at lumabas saglit sa terrace.  "Hindi naman,  kakatapos ko lang kumain.  And guest what?"

Nagtaka naman si Arthur sa ibig sabihin ng kanyang nobya,  napatayo siya sa swivel chair at tumingin sa bintana ng opisina.
"Guess what? " tila ulit niya na patanong...

"Yung may ari ng resort na tinutuluyan ko,  kilala si Pearl at hindi lang yun kundi nobyo siya ng kakambal ko. "

Napatigil si Arthur sa sinabi ni Jackie,  pero agad din siya nagsalita.
"Nakapunta ka na ba sa magulang mo? "

"Hindi pa sa ngayon hon,  pero bukas sasamahan daw niya ako. "

"It's  a good news,  atlis makikilala mo na ang pamilya mo... " napangiti si Arthur.

"Oo nga,  namimiss na kita sana makauwi ka na agad dito. " tila paglalambing ni Jackie.

"Miss na miss na din kita,  wag ka mag -alala tatapusin ko lang project ko.  Then darating ako agad diyan para hingin ang kamay sa Mama mo at magpapakasal na tayo diyan. "

"Ang sweet naman ng honey ko! "

"Mr. Victoria! "

Napalingon si Arthur,  oras na nang kanyang meeting.

Nadinig naman ni Jackie yun at alam niyang umaga ngayon sa ibang bansa...
"Sige na hon,  alam ko na may trabaho ka pa. "

"I'll call you later honey,  i love you!  Always take care!  Matulog ka na para prepare ka bukas. "

"Oo,  i love you too!  Mag iingat ka din palagi.. "
"Opo,  sige ibaba ko na to... "

Nadinig na ni Jackie ang End call sa kabilang linya,  napahinga siya ng malalim at humiga.
Sa totoo lang hindi niya maintindihan ang nararamdaman ng kausap niya si Aldrin,  para bang nakausap na niya ito dati.
Napailing siya at tila nag isip bukas makikilala na niya ang totoong pamilya at iniwan ng kanyang ama noon.
"Hayy,  sa wakas mayayakap ko din ang mama ko!" Bulong ni Jackie.

Habang nasa meeting ay walang pumapasok sa utak niya.  Naroroon yung kaba nang madinig niyang nagkita si Jackie at ang dating nobyo ni Pearl. 
"Pero bakit naman ako kakabahan at mangangamba?  Magkaiba naman sila,  iba si Jackie kay Pearl... " sa isip lamang niya.

~

Tulad ng na napagkasunduan simahan nga ni Aldrin si Jackie sa magulang ng kanyang dating nobya.

Puno ng kaba ang dibdib ni Jackie,  basta yun lang ang alam niy sobra siyang kinakabahan habang papalapit na sila sa lugar kung saan nakatira ang kanyang magulang.
Naroroon ang excitement dahil magkikita sila pero mayroon din kaba,  kabang hindi niya maalis sa kanya dibdib.  Bigla tuloy siya napatingin kay Aldrin,  gwapo din ito tulad ni Arthur.  Wala siyang masasabi sa itsura nito,  malinis manamit at magaling magdala. Pero hindi niya maintindihan na sa tuwing pagmamasdan ito ay parang nasasaktan siya,  pansin niya ang lungkot sa mga mata nito na kahit ngumiti.  Hindi ito masaya kundi pinipilit lamang,  sabagay ito nga pala ang nobyo ni Pearl kaya marahil masakit dito ang pagkawala nito at ganito na lagi,  malungkot.

"Alam ko na tinitingnan mo ako... "

Napaigtad si Jackie ng magsalita ito.
"Hindi kaya. "

Natawa si Aldrin,  pansin ni Jackie ang ngiti nito at paglabas ng malalim na dimple.

"Para ka din si Pearl,  ganyan siya noon nung magkakilala kami... "

Napangiti si Jackie.
"Matagal na ba kayo mag-nobyo? "

"Oo,  since Highschool.  Nagkahiwalay lang kami dahil mag -kaiba course namin.  Pero hindi naging hadlang yun sa relasyon namin dalawa. "

"Ang tagal nga noh?  Ini-imagine ko lang,  buti at mahal na mahal ninyo ang isa't-isa? "

Muling ngumiti si Aldrin
"Ganuon talaga kapag tunay kang in-love! Kahit malayo kayo o hindi laging nagkikita basta may tiwala sa isa't-isa hindi masisira yun. "

"Seryoso ka na? " tila nagbibiro si Jackie pero halatang seryoso si Aldrin.

Hindi umimik si Aldrin.

"Sorry... "

Lumingon saglit si Aldrin pansin niyang nakasandal lang si Jackie ng upo. 
"Para saan ang sorry mo? "

Huminga ng malalim si Jackie.
"About sa nangyari kay Pearl,  siguro mula nawala siya naging malungkot ka na. "

Pilit na ngumiti si Aldrin at tumutok sa pagmamaneho.

Hindi na umimik si Jackie at naging tahimik ang pagitan nila.

"May supresa sana ako sa kanya,  handa na lahat para sa proposal ko.  Kaso,  iba sumalubong sa amin." Nangilid ang luha sa mata niya,  hanggang ngayon sariwa pa din ang alaala na yun.  Pinaka masakit na alaala.

Hindi nakaligtas kay Jackie ang pagluha nito.  Alam niyang nasaktan ito ng husto sa pagkawala ng babaeng pinakmamahal.  Pero bakit siya apektado,  bakit ayaw niya nakikitang umiiyak si Aldrin.  Ang puso niya parang dinudurog,  parang iiyak na wala naman dahilan.
Huminga siya nang malalim dahil bigla sumakit ang ulo niya,  parang mabibiyak talaga iyon.
"Aahhh! " napatili na siya.

Huminto saglit sa pagmamaneho si Aldrin.
"Jackie!  Anung nangyayari sayo? "

Hindi niya masagot si Aldrin,  talagang sumakit ang ulo niya ng husto,  hindi niya maintindihan...  Hanggang sa magdilim na ang kanyang paningin at mawalan ng malay.

"Jackie! " sigaw ni Aldrin.
No choice ma siya kundi dalhin muna ito sa Hospital,  ewan niya pero magaan ang loob niya kay Jackie mula nang makilala ito.

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now