Chapter: 18

16 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter: 18

"Hey! "

Nadinig niya ang tinig na yun nang may tila tumawag,  pagapang siya habang tinatanaw ang babaeng tila gusto siya tulungan.
Malabo ang mata niya nang makitang nanlaban ito para kunin ang mga gamit na kinuha sa kanya pero sa kasamaang palad ay sinaksak ito.
Malabo na lahat sa kanya at tanging nagawa na lamang niya ay ang mapapikit.

Napadilat si Jackie at agad na bumangon.

"Teka...." Si Aldrin na tila pinigilan siya sa pagtayo.

"Nasaan ako?" Takang niyang tanong at tila iniisip kung anu nga ba ang nangyari.

"Nawalan ka ng malay kanina, kaya no choice ako at dinala kita dito." Sagot ni Aldrin at tumingin kay Jackie, pansin niya kasi na tila nabalisa ang mukha nito.
"Okay ka lang ba? Tsaka lagi mo nararamdaman ang pagsakit ng ulo mo?"

Tumingim si Jackie kay Aldrin, ngayon lang naman siya nagka ganito. Naaksidente siya noon sabi ng kanyang ama nung nasa Paris siya dahil sa swimming competition, bumagok nag ulo niya na naging sanhi ng isang taon niyang pagkaka ratay.
Pero nagtataka siya sa napanaginipan niya.
"Ngayon lang naman..." Sagot ni Jackie at wala naman siya balak ikwento ang totoong nangyari sa kanya.

"Aldrin iho!"

Kapwa sila napatingin sa pintuan at nakita ang may edad na babae, titig ito kay Jackie at tila maluluha.

Halos hindi makapaniwala si Estrella, nakwento naman sa kanya ni Aldrin at totoong kambal ang kanyang anak.
"Jackie?" Halos maluha siya, nawala na nga naman sa kanya si Pearl kaya talagang masaya siya na makikita niya ang kakambal nito.

Napatitig naman si Jackie at agad na tumulo ang kanyang luha, pakiramdam niya ay parang sobrang sakit ng damdamin niya lalu at nakita na ito ng personal.
"Mama.." Bulong ni Jackie at agad napatayo para sugudin ito ng yakap.

Napayakap na din si Erstrella.
"Iha! " naiiyak na bulong nito.

Napapikit si Jackie,  ramdam niya ang pagka miss ng kanyang ina.  Pero iba ang nararamdaman niya,  nayakap na niya ito noon hindi niya alam kung kelan o saan basta ramdam niya na nayakap na niya ito.
Pero maghigpit pa din ang kanyang yakap at paglandas ng kanyang luha.

Napangiti naman si Aldrin,  sadyang tinawagan na niya ang ina ni Pearl para makita na si Jackie.
Kahit paano ay hindi nawawala ang komunikasyon niya sa pamilya ng dating nobya,  minahal na niya ang mga ito at mahal na mahal din siya.

~

"Kung ganun ang Papa mo na din pala nag utos na umuwi ka dito? " tanong Estrella.

"Opo ma,  matagal na sana kaso nahihiya lang talaga si Papa alam niya kasi na galit ka. "

Ngumiti ng tipid si Estrella at hinawakan ang kamay ni Jackie.
"Matagal na yun iha,  kinalimutan ko na ang lahat.  Napatawad ko na siya sa ginawa niyang paglayo niya na kasama ikaw... "

Bumuntong-hininga si Jackie at ngumiti.
"Salamat naman Ma,  pero nagpunta na din ako dito para dito ganapin ang magiging kasal ko. " nakangiting sabi ni Jackie.

"Talaga,  aba nga naman ikakasal na pala ang anak ko"

"Opo,  baka next month darating siya dito at paa makilala din kayo.. "

Ngumiti si Estrella masaya siya para kay Jackie,  at sana dapat ay ganuon na din si Pearl kung nabubuhay lamang.

"Ma , uuwi na po muna ako! " pagsabat ni Aldrin.

Lumingon si Estrella at ngumiti kay Aldrin kahit kelan ay hindi ito nagbago sa kanila,  lagi pa din pumupunta sa kanyang bahay kapag nakakababa sa barko at ang pagtawag ng Mama sa kanya.
"Kumain ka na muna bago umalis,  nagpahanda na ako. "

"Naku!  Nag abala pa po kayo.... " nahihiyang tugon ni Aldrin at hindi sadyang napatingin kay Jackie nakita niyang nakangiti ito sa kanya.
"Maayos na ba pakiramdam mo? "

"Oo, salamat.  Tsaka dito ka na mag dinner,  para naman hindi lang kami ni Mama ang kakain! " sagot ni Jackie sabay  yakap sa braso ng kanyang ina...

Napatitig si Aldrin dito.

"Mahal dito ka na kumain ha!  Di ba ma? " sabay yapos sa braso ng ina na tila lambing ni Pearl.

Naalala ni Aldrin yun at nakikita niya sa pamamagitan ni Jackie,  hindi niya alam kung anu iisipin o sadya lang maaring mag ka parehas ang dalawa dahil mag-kambal ang mga ito.

"Sige,  dito na ako mag dinner.." Sagot niya at ngumiti.
"Wait lang po tita,  tawagan ko lang sa Resort" paalam niya at tumalikod.

Nasundan ito ng tingin ni Jackie habang palabas,  kahit siya nagtataka parang ang gaan -gaan sobra ng loob niya kay Aldrin at hindi mapigilan ang hindi ito matitiga...

"Mabait ang batang yun,  kaya mahal na mahal ni Pearl.  Sayang at hindi kayo nagkakilala magkambal... "

"Sayang nga po, nakikita ko nga po na mahal na mahal ni Aldrin si Pearl... "

Lumingon si Estrella at niyakap muli si Jackie.
"Hayy,  hindi ko alam kung paano ako makakabawi sayo iha,  pero gusto ko malaman mo na mahal na mahal kita...  At napakasaya ko ngayon.

Ngumiti si Jackie...
"Hindi ninyo kailangan bumawi ma, ang mahalaga nagkita tayo at kayo ni Papa maghahatid sakin sa Altar." Masayang sagot ni Jackie at tiningnan muli ang ina.

Napangiti naman si Aldrin habang pinagmamasdan ang dalawa,  pansin niyang excited si Jackie sa pagpapakasal,  nakikita din niyang masaya ito.  Pero bigla niyang naramdaman ang sakit sa puso.
"Bakit ako nasasaktan?  " bulong niya,  sa tuwing madidinig niya ang tungkol sa kasal nasasaktan siya,  para siyang nagseselos na hindi naman dapat.  Kakambal ito ng babaeng minahal niya,  isang babae lang ang mahal niya at mananatili sa puso niya.  Muli siya napatingin kay Jackie.
"Alam ko magka-mukha sila,  pero bakit ganun bakit nabubuhay si Pearl sayo?  Bakit nararamdaman ko ito? " mga katanungan sa kanyang isipan.

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt