Chapter: 19

15 2 0
                                    

Kailangan Koy Ikaw

Chapter :19

"Aldrin!"

Lumingon si Aldrin  at nakita niya si Jackie na palabas sa pintuan.

"Bakit? "

Ngumiti si Jackie....
"Salamat ha!  Ihahatid sana kita sa kotse mo. "

Ngumiti si Aldrin.
"Wala yun,  so bukas ka na ba babalik sa resort? "

"Oo.... " sagot ni Jackie habang naglakad na sila.
"Gusto ko muna makasama si mama.. "

Napalingon si Aldrin at pansin niya na nakangiti si Jackie habang nakatingin lang sa sahig at naglalakad.
"Sayang hindi kayo nagkita mag-kambal. "

Tumingin si Jackie at nagtama ang kanilang mga mata ni Aldrin.  Ewan ba niya pero kakaiba talaga ang dating ni Aldrin lalu sa kayang puso para bang ang saya ng pakiramdam niya habang nakatingin dito.  Hindi niya mawari,  masaya din naman siya kapag kasama si Arthur,  pero iba talaga si Aldrin.

"May problema ba? " tanong ni Aldrin.

Napakurap tuloy si Jackie at umiling natawa na lang siya bigla.
"Wala,  natuwa lang ako na titigan ka... "

Napatango si Aldrin.
"Pwede ba magtanong? "

"Oo naman. "

"Saan ninyo balak magpakasal or ganapin kasal ninyo? " tanong ni Aldrin.

Ngumiti si Jackie.
"Balak ko sa beach,  pwede siguro resort mo!  Parang ang tagal ko na pinangarap na kinakasal habang sunset. " sagot ni Jackie na tila nangangarap pa.

Ngumiti si Aldrin habang minamasdan si Jackie,  parang si Pearl noon.  Ito ang pangarap nilang dalawa,  ikasal sa isang beach resort habang tinatanaw ang paglubog ng araw.
Gusto kasi nila nag iisang dibdib sila habang nakatanaw sa sunset at sa pagkakataong ito ay hindi na napigilan ang pagtulo ng luha niya.
Napatigil si Jackie at napansin yun,  ewan ba bakit sa tuwing nakikitang malungkot at may luha ang mata ni Aldrin ay nasasaktan siya.  Oo sobrang sakit sa puso ang kanyang nararamdaman sa tuwing nakikita itong malungkot.
Wala sa loob na hinaplos niya ang mukha nito at pinunasan ang luha. 

Nabigla din si Aldrin sa ginawa ni Jackie,  pero ang haplos nito sa kanyang mukha ang nagpapa alala kay Pearl.  Ganitong-ganito kasi yun kapag nalulungkot siya,  lalu kapag paalis na siya at pasakay ng barko.

"Sigurado ako na malungkot siya kasi nakikita ka niyang malungkot,  try mo lang maging masaya para kay Pearl. "

Huminga ng malalim si Aldrin at tumango.
"Salamat,  susubukan ko... " at kinuha na niya ang susi sa kanyang bulsa.

Nakatingin lang si Jackie at pinagmamasdan ito....

Muling lumingon si Aldrin at ngumiti.
"Uuwi na ako, magkita na lang tayo bukas. "

"Sige mag iingat ka! " sagot ni Jackie

Pumasok na sa loob ng kotse si Aldrin at maya maya ay umandar na ang sasakyan nito.
Napahawal sa dibdib si Jackie,  sobra talagang sakit nun na pakiramdam niya may lumayo sa kanyang piling.
"Pero bakit ko nararamdaman ito? " bulong niya...

~

Hindi naman makapag concentrate si Arthur,  lagi siyang kinakabahan.  Hindi niya alam kung bakit masyado siyang abala ngayon.  At gusto na niya matapos ng mas maaga para makasunod na siya kay Jackie.

"Bakit ba ako nag aalala?  Wala naman ako dapat ikatakot,  lalu at hindi naman siya si Pearl... "
Napapikit si Arthur,  sa totoo lang masyado siya nangungulila kay Jackie.  Miss na miss niya ang kanyang nobya,  at nasasabik na siyang matupad ang kanilang pangarap na kasal.

~

Nasa terrace pa si Aldrin at hindi magawamg makatulog,  madaming similarities ang magkambal.
Pati sa pagkain iisa ang kanilang paborito,  natural na kabisado niya si Pearl siyam na taon silang mag-kasintahan.  Kaya nagtataka siya kay Jackie.
"Pero patay na ang nobya ko,  kung siya naman si Pearl dapat matagal na siyang bumalik sa akin... " bulong niya ngunit naalala niya ang paghaplos na ginawa nito sa kanyang mukha.
Ang mainit na palad nito na nagpa tibok ng husto sa kanyang puso,  itong-ito ang naramdaman niya kanina.
Napailing si Aldrin.
"Impossible.... "

~

Hindi din makatulog si Jackie,  ewan ba niya pero si Aldrin ang nasa isipan niya ng mga oras na yun.  Nang makita niyang may luha ito kanina ay para bang nakita na niya dati ang mga luha nito,  ang paghaplos sa mukha nito na para bang dati ay nagawa na.
"Bakit  ganuon?  Sino si Aldrin sa buhay ko? "
Napapikit si Jackie at parang sasakit na naman ang kanyang ulo. Tila may nagpa-flashback sa kanyang isipan.

"Hey! " sigaw ng isang babae at tila hinila nito ang babaeng kaninang kumuha ng kanyang mga gamit.

"Give it back to me! " sigaw ng babaeng nagnakaw ng gamit niya.

Halos nanlalabo na ang mga mata niya...

"Jackie! "

Dinig niya ang pagtawag nang pangalan ng isang may edad na lalaki.  Pansin niyang tumatawag ito sa cellphone.
Nanlaban ang babaeng gustong tumulong sa kanya hanggang nakuha nito ang mga gamit niya,  ngunit sa kasawiang palad at sinaksak ito nang ilang beses.
Ngayon lang niya nakita ang mukha nito, ang mukha na nakatitig sa kanya...  Wala siyang maisip kung sino ito ngunit ang kanilang mga mukha ay iisa.  Oo iisa lamang at masasabi niya na kamukhang-kamukha ito.
Itinulak ito at nilaglag sa bangin,  ngunit nahawakan niya ang kamay nito kaya hindi ito tuluyan nalaglag.

"Pearl? " sambit nang babaeng kamukha niya.

Ngunit doon na siya nawalan ng malay at hindi na alam ang mga sumunod na nangyari.

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now