Chapter:8

22 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter:8

"Mahal! " masayang bungad ni Pearl,  nagulat talaga siyang tumawag si Aldrin...  Expected niya na isang buwan itong walang signal.  Pero eto at magka video call na silang dalawa.

"Na-miss kita mahal! " excited na sagot din nito at todo ang ngiti,
"Andiyan ka sa America? "

"Oo,  a month ako dito.  Pero tapos na yung event... Gumagawa na lang ako ng panibagong designed,  tsaka after nito uuwi na ako sa Pilipinas... " sagot ni Pearl
"Kamusta ka na?  Nakita mo ba lahat ng pictures na sinend ko? "

"Oo,  ang gaganda nga syempre... Mas maganda yung nagdadala... "

Kinilig naman si Pearl sa sinabi nang nobyo,  muli niyang pinagmasdan ito at talagang sobra niya itong namiss...

"May dumi ba ako sa mukha? " puna ni Aldrin,  sobra kasi makatitig ang kanyang nobya...

Uimiling si Pearl at ngumiti....
"Namimiss lang kita nang sobra,  at napakasaya ko dahil magkausap tayo ulit."

"Ako din naman,  di bale malapit na din naman mahal ko...  Pero sa ngayon,  kailangan ko muna putulin usapan natin,  duty ko na mahal. "

"Sige mag iingat ka!  I love you..."

"I love you too mahal ko... " sagot ni Aldrin at nag kiss sign pa...  Maya maya ay nawala na ang signal...

Nahiga si Pearl at napatingin sa kisame nang Hotel....  Excited na talaga siya sa nalalapit nilang kasal ni Aldrin,  napapangiti tuloy siya dahil sa wakas malapit na din niya makasama ang lalaking mahal...

~

"Good morning  ate Pearl!!! "

Napangiti si Pearl nang makita si Jamie,  may sukbit itong bag sa likod at patakbong lumapit sa kanya...

"Kamusta? "

"Okay lang po,  kakagaling ko lang sa Hospital...  Ayaw ko na po doon... "

Nakaramdam siya nang awa dito,  6 years old pa lang si Jamie pero sari-sari na daw mga aparato at gamot ang tinatamo ng katawan nito.  At ang masaklap pa doon,  kahit anong gawin na gamot ay wala nang lunas...
Di tuloy niya napigilan ang emosyon,  tumulo ang kanyang luha.  Iisang anak lang kasi siya kaya natutuwa siya kapag may tumatawag na ate sa kanya.  Lalu ang mga kapatid ni Aldrin...

"Why are you crying ate Pearl? " sabay haplos nito sa mukha ni Pearl...

Napangiti siya pilit....
"Jamie,  baby...  Fight lang ahh,  kasi malulungkot din ako kapag di na tayo magkita... "

"You going home na po ba? "

"Yeah,  maybe 2 weeks pa...  Pero pwede pa din tayo magkita here sa office,  hindi pa naman tapos ang design ko.... "

Ngumiti si Jamie at niyakap siya...
"Atlis nakita ko na Angel ko... " bulong nito.

"Why?  Do i look an angel? "

Tumango si Jamie at humalik sa kanyang pisngi...
"My doctor told me,  ang angel ko daw maganda....  Nang makita kita i said to kuya i saw may angel na! "

Natawa lang siya niyakap muli ito...
"Thank you Jamie, i hope maging angel mo nga talaga ako... "

Nasa pintuan lang si Arthur at nakikinig sa dalawa,  ibibigay sana niya ang mga papeles nang makita niyang patakbo si Jamie sa opisina nito,  galing to sa Therapy at dito agad dumiretso....
Napailing na lamang siya at bumalik sa kanyang opisina...

~

"Jamie like our new graphic designer? " wika ni Genna

Tumingin siya dito at hinubad ang salamin na suot...
"Para kay Jamie angel siya... " at sumandal sa swivel chair...

"Ang kuya?  Angel din ba ang tingin? "

"Ha?"

Natawa si Genna...
"I just look at you nung event night,  i saw your eyes looking straight to Ms. Hermosa. Am i right, do you like her?"

Napailing siya at sinuot ang salamin, sabay buklat nang kanyang folder...
"Change the topic please...."

Ngumiti ito bahagya...
"Anu ba kinakatakot mo?"

"Nothing...." Maikli niyang tugon...

Bumuntong-hininga si Genna at tumayo,
"Maiwan na kita.." Sabay talikod at tinungo na ang pintuan.

Nang madinig na itong lumabas ay muli siyang huminto, hinubad niya ang salamin at hinilot ang sentido....
Napailing na din siya...
"Why ,Pearl?" Tanong niya sa sarili at sumandal na muli sa upuan...

~

"Aldrin eto na ticket mo, sa byernes makakuwi ka na!"

Napangiti si Aldrin, excited na siya umuwi. Yun lang mauuna siya kay Pearl, kaya naisip niya na habang wala pa ito aya gagawa nang surprised....
"Kailang ma sopresa siya nang husto, eto na yung pangarap namin dalawa..." Buling niya habang pinagmamasdan ang ticket.

~

Busy pa si Pearl at hindi pa natutulog nakita niyang may chat si Aldrin kaya agad itong binuksan at binasa...

Aldrin:
I LOVE YOU mahal ko, miss you sorry medyo busy lang dito....

Ngumiti siya...
Nagtype siya nang messages dito, maya- maya ay sinend na niya...
Muli niyang nilapag ang cellphone at bumalik sa ginagawa....
Tumunog ulit ang cellphone niya at sa pagkakatao na yun at Videocall na...
Nagmamadali niyang sinagot.
"Hi mahal!"

"Hello! Kumain ka na ba? Namiss ko ang mahal ko! " sabay ngiti ni Aldrin..

"Ikaw talaga, i love you.. Oo tapos na ako kumain, may tinatapos lang ako sa loptop." Sagot niya

"Baka nagpupuyat ka ha? Wag masyado magpakapagod mahal ko!"

"Opo, ikaw kumain na ba?"

"Yes! Naglilinis lang ako ng cabina...." Sagot nito

"Marunong ka pala maglinis ahh,  pag kasal na tayo,  ikaw lagi maglilinis... " pagbibiro ni Pearl at sinamahan ng ngiti..

"Bakit hindi?  Ayoko mapapagod ang Prinsesa ko!" Sagot niya

"Bolero... "

"I love you mahal,  i can't wait to see you again! "

"Ako din Aldrin...  Hayy atlis kaunting buwan na lang... "

"O sige,  tapusin mo muna ginagawa mo... Nag aayos lang din ako dito...  I love you ulit! "

"I love you too! "

Tinabi na niya ang cellphone at muling tumutok sa computer,  ngunit tumunog ulit yun...  Pero hindi sa mesenger kundi phone calls....
"Kanino kaya eto? " tanong niya sa sarili...
"Hello? " agad niyang sagot...

"Ate Pearl!  It's me Jamie! "

Napangiti siya nang madinig ang boses nito...
"Hi Jamie,  napatawag ka? "

"Ahhm,  i love to invite kasi you . Dinner dito po sa bahay! "

"Ako?  Bakit,  anong meron?"

"Birthday po ni kuya, pero hindi maghahanda... Pinilit ko dinner then kasama ka..."

Tila nag alangan siya bigla, syempre mataas pa din na tao si Arthur Victoria...

"Ate Pearl? Can you come? Please..."

Ang boses ni Jamie na tila malungkot at halatang gustong-gusto siya makit...
Napabuntong- hininga siya...
"Ok! I'll come..."

"Yehhey! Thank you my angel. Ako susu od sayo bukas okay! Bye -bye!"

Magsasalita pa sana siya pero pinatay na nito ang kabilang linya....
Napailing na lamang siya at muling binalik ang mga mata sa ginagawa...

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now