Chapter:13

18 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter:13

Naka ayos na si Jackie,  siya ang representative na model nang Victoria.  Habang nasa kwarto ay bigla na lamang naalala ang lalaking napagkamalan siya.
"Boyfriend kaya siya ng kakambal ko? " bulong na tanong niya,  pero agad din siya umiling.
Anu bang pumasok sa isipan niya at naisip iyon,  napailing siya muli at tumayo na.  Kailangan niya mag focus dahil makikilala na siya sa Victoria.

~

"Arthur,  ready na ang lahat. " wika ni Genna,  napatigil pa ito dahil hindi umiimik si Arthur.
"Arthur?"

"Okay lang ako,  sige susunod na ako. " sagot niya.

Napailing na lang si Genna at lumabas na..

Naiwan na si Arthur at tumayo,  humarap muna siya sa malaking salamin ng kanyang opisina.  Inayos niya ang kanyang necktie...
"Matagal na akong President,  pero ngayon lang ako kinakabahan ng ganito. " bulong niya...
Napailing na siya at tinungo na ang pintuan para lumabas.....

Halos lahat nang naglalakihan at matataas na tao ay naroroon sa Victoria,  napapangiti siya sa mga tao kapag binabati siya,  natural siya ang Presidente...

Napalingon siya sa bagong pasok na babae, parang tulad nang una niyang makita si Pearl noon.  Kakaiba ang tindig nito, ang pananamit na simple lang pero may dating...
"Pearl..."

Napatingin si Genna ng magsalita si Arthur, tumingin siya sa tinitingnan nito. At maging siya ay talagang nagulat....
"Oh my..." Natakpan niya saglit ang kanyang bibig, paano ay kamukhang-kamukha nito si Pearl, ito marahil ang kine-kwento ni Arthur sa kanya noong isang araw...

Lumapit si Arthur sa bagong dating, gusto niya magtanong kung bakit naririto ito ngaun.
"Miss!"

Napalingon si Jackie, kahit siya ay tila nabigla. Kanina parang iniisip niya lamang ito. Pero eto at nasa harapan niya.
"You again?"  Nakataas ang kilay na tumingin dito...
"Pero infairness, ang gwapo pala talaga niya. Lalu at pormal ito sa suot...." Sa isip lang ni Jackie, at napatitig nang husto dito, ngunit agad din niyang binawi.

"May i ask,  what are you doing here? " tanong ni Arthur

Tila napasimangot si Jackie, pakiramdam niya iniinsulto siya nito...
"Excuse me! Dapat ako ang nagtatanong niyan! Sinusundan mo ba ako?" Medyo mataas ang kanyang tono...

"No. I'm not...." Sagot ni Arthur at tumalikod na.

Naiwan naman si Jackie at nasundan ito ng tingin.
"Anu tingin niya sa sarili niya? Cool siya?"
Napailing na lamang siya at dumiretso na sa gitna kung saan siya nakapwesto.

Nagsisimula na ang programa, panay naman sulyap ni Arthur sa kamukha ni Pearl,  hindi niya alam kung ano ang nararamdaman ang mga oras na yun. Kinakabahan siya na parang na eexcite.

"Kanina pa kita napapansin sa titig mo sa kamukha ni Pearl?"

"Kamukha talaga siya ni Pearl di ba?"

Tumango lang si Genna,
"I received her profile, she's one of our model. Her name is Jackielyn Legazpi."

Lumingon si Arthur...
"One of our model?"

"Yeah, nagmula siya sa Paris. Dun na siya nag momodel, at hindi siya si Pearl. Kamukha lang." Dagdag ni Genna.

Napatango lang si Arthur at muling tiningnan ang pwesto nito.
"Pero paano kaya nangyari na magkamukha sila,  ang mga ngiti niya,  pati mata.. "

"Hindi ko din alam,  pero hindi kaya may kakambal si Pearl?  I mean identical twin?"

Bumuntong-hininga na lang si Arthur.
"Genna,  bukas na lang ako haharap sa mga model natin sa conference meeting,  sa ngayon gusto ko na muna umuwi. " paalam ni Arthur.

"Ikaw ang bahala.... "

"Sige,  goodnight and have fun! " tumalikod na si Arthur at lumakad patungo sa Hallway.

"Hayy,  mahal na mahal niya si Pearl. " lumingon naman siya sa pwesto nang kamukha ni Pearl.
"Sino ba talaga si Jackie? " tanong din niya sa sarili.

~

"How's the party iha? "

"Bakit gising pa kayo Papa? "

"Hinintay na kita,  hindi pa ako makatulog,  tsaka gusto ko makibalita? "

Natawa si Jackie at naupo sa tabi nito,  halos alas onse na nang gabi siya nakauwi.  Hindi din niya nakilala ang Presidente ng Victoria,  at bukas na daw sa Conference... Napansin niyang naglalaro ang ama mag isa ng chess...
"Dapat umattend kayo bukas,  hindi nagpakilala kanina ang Presidente ng Victoria,  maybe bukas...  Sa Conference. "

"Ganun ba,  sige pupunta ako.  Nag enjoy ka ba? "

"Medyo.... " matipid niyang sagot.
Kanina ay pansin niya ang mga titig nang lalaking tumatawag sa kanya na Pearl,  tila nagtatanong ang mga mata nito. 
At hindi lang yun,  bakit ba ang gwapo- gwapo talaga nito sa paningin niya,  pero weird lang dahil naroroon din ito.

"Ang lalim ng iniisip mo ah? "

Napatingin siya sa kanyang at ngumiti.
"I saw him again,  the guy who called me Pearl... "

"Baka destiny kayo? "

Napairap siya sa kanyang ama,  alam niyang nagbibiro ito.
"Ang Papa naman,  pero sa ngaun hindi niya ako tinawag na Pearl. " napaisip muli siya,  marahil mahalaga sa taong yun ang Pearl na sinasabi nito...

"Gwapo ba? "

"Uhm...  Yahh,  why did u ask Pa? "

Natawa si Rodolfo,
"Nag blush ang mukha mo.... "

Tila hinawakan niya ang pisngi dahil sa tukso ng ama.

"Iha,  talagang dalaga ka na,  bakit hindi mo subukan magmahal?  I open muna ang puso mo.... "

"Si Papa naman,  alam niyo naman career pa iniisip ko.. "

"Matanda na ako,  gusto ko na magka apo."

Tumayo na si Jackie at muling humalik sa pisngi ng ama.
"Goodnight,  maaga pa tayo bukas sa Victoria.... "

"Okay,  magpapahinga din ako maya-maya,  mauna ka na. "

Napatango na lang si Jackie at iniwan na ang ama na naglalaro pa din.

Habang paakyat sa hagdan ay muli siyabg lumingon sa ama.
Napangiti na lamang siya,  alam niyang gusto na nito na magkaroon siya ng nobyo,  pero wala siyang panahon sa ngayon.  Lalu at iniisip niya pa ang kanyang Papa...

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now