Chapter: 28

20 2 0
                                    

Kailangan Koy Ikaw

Chapter :28

"Mahal okay ka lang?  " puna ni Aldrin,  pansin niya kasi na hindi nito iniimikan ang pagkain.
At mukhang hindi din siya nadinig.
"Mahal? "

Napaigtad si Pearl at tumingin kay Aldrin.
"Anung sabi mo mahal? "

"Mukhang malalim iniisip mo? "

Umiling si Pearl at tumitig kay Aldrin.
"Mahal kelan pa kayo magkakilala ni Arthur? "

"Itong nagbakasyon siya dito. " sagot niya

"Then ganuon na kayo ka -close dalawa? " muling tanong ni Pearl

Sumandal si Aldrin sa upuan,  matalino si Pearl at alam niyang nagtataka marahil ito.  Pero mahigpit na binilin ni Arthur ang lahat na wala na silang babanggitin tungkol sa kanya.
"Gusto lang daw niya bumawi,  mula na aksidente ka. "

"Hindi naman niya kailangan bumawi,  tsaka aksidente lahat nang iyon.  Wala naman siya kasalanan."

"Binilin kasi ni Jamie yun,  yung kapatid niya bago mawala na,  na huwag kang pabayaan dahil ikaw ang Angel niya. " mabuti na lang at natandaan niya mga sinabi ni Arthur sa kanya.

Nalungkot na naman si Pearl sa tuwing nadidinig niya ang pangalan ni Jamie at sa tuwing naiisip niya na wala na ito.
"Mabait na bata si Jamie,  parehas silang magkapatid. "

Napatitig si Aldrin kay Pearl,  hindi niya alam pero mula nang bumalik ang totoong alaala ni Pearl  ay tila iba na ito.  Hindi na niya maramdaman ang tunay na damdamin nito na katulad noon,  madalas itong tulala madalas itong nag iisa sa terrace at laging nag iisip.  Minsan na niyang nakita ang bonding ni Arthur at nang kanyang nobya noong si Jackie pa nga ito.  At yun ang madalas na ginagawa ni Pearl ang mag stay sa terrace at tila niyayakap ang sarili.
"Mahal may gusto sana akong itanong. "

"Anu yun? "

"Mahal mo pa ba ako? " tanong ni Aldrin.

Napatitig si Pearl,  bakit ba naisip itanong ito ni Aldrin.
"Anu ka ba mahal,  anung klaseng tanong yan?"

"Please,  gusto ko lang malaman? "

"Oo mahal kita... " mabilis niyang sagot,  pero bakit ganuon,  bakit tila hindi dumaan sa puso niya,  bakit parang hindi niya naramdaman na ang pagmamahal na yun.  Parang may mali,  oo may mali. 
"Basta ayusin na natin yung kasal natin,  para naman mawala sa isipan mo yang mga ganyan at tanong. " dagdag niya,  dahil ang totoo gusto niya umiwas sa topic.

Ngumiti si Aldrin at hinawakan ang kamay niya.
"Pangako mahal,  magiging masaya ka sa piling ko... "

Ngumiti si Pearl at tumango.

~

"Arthur! "

Lumingon siya at nakita na si Genna,  pero isang tao pa ang nakaagaw sa kanyang atensyon.

"Arthur kasama ko si Director" wika ni Genna.

"Arthur. " si Rodolfo

"I'm okay, hindi na natin kailangan sa kanya magpaliwanag. Magpapakasal na sa taong mahal niya talaga. And i accept that."  Una niya sa ama ni Pearl,  sigurado kasi siya na magpapaliwanag ito.

"I'm sorry iho,  hindi ko naisip na hahantong sa ganito ang lahat. "

Ngumiti siya at niyakap ang ama nang babaeng mahal niya.
"Ayos lang ako Uncle,  hindi ninyo kailangan humingi ng sorry.  Kakausapin ko sila para hindi sila mabigla sa pagdating ninyo,  maging si Pearl. " paliwanag ni Arthur.

Tumingin sa kanya si Rodolfo.
"Napakabait mo iho,  sayang at hindi ka talaga nakilala ni Jackie. " tumulo ang luha nito.

Tumulo na din ang luha ni Arthur,  ang Jackie marahil na pinuntahan niya sa morgue yun ang napagkamalan niyang Pearl. 
"Sayang hindi ko lang man nakilala ang babaeng minahal ko sa pangalan na Jackie." Malungkot niyang sagot.

"Hey kayong dalawa,  umuwi na muna tayo para makapag pahinga na muna din si Arthur,  masyado na siyang hagggard kitang-kita. " sabat ni Genna at sinamahan pa ng biro.

Natawa na tuloy si Arthur at tumango na lamang....

~

Hindi magawang makatulog ni Pearl,  nakahiga siya pero hindi wala sa loob niya ang matulog.  Bigla kasi pumasok sa isipan niya si Arthur, nakikita niya ang lungkot sa mukha nito at mga mata, pansin niya yun at hindi yun nakaligtas sa kanya nang lumabas ito sa opisina ni Aldrin.
Bumangon siya at sumandal, niyakap niya ang kanyang unan at malungkot na tumingin sa bintana.
"Bakit ganun? Bakit ko naiisip si Arthur." Bulong niya, lumingon siya at binuksan niya ang kanyang cellphone. Madami na pa lang messages si Aldrin, pero wala siyang balak na sagutin iyon, naguguluhan kasi siya lalu nang sabihin niyang mahal niya ito. Parang may nagtatalo sa isipan at puso niya, hindi niya maintindihan. Pero ramdam niya na may isang tao siyang minahal na lumalayo sa kanya.
"Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko, pero alam ko na mahal ko si Aldrin pero may mali. May isang tao akong iniwan bigla."
Muli na lamang siya humiga at gusto muna niya magpahinga.

~

"I love you hon!" Nakangiti niyang sabi sa lalaking kayakap niya sa terrace, malabo ang imahe nito ngunit kitang-kita niya ang pagkaka ngiti at masayang awra ng mukha nito.
Nakayakap siya dito dahil nakikita niyang busy ito sa ginagawang pag pirma ng papeles, hindi ito si Aldrin, kilala niya si Aldrin. Iba ang tindig nito, katawan pati porma. Humarap ito sa kanya at hinalikan siya sa noo, pagkatapos ay sa labi na, mapusok ngunit ito din ang humihinto.

"I love you honey, soon makakasama na talaga kita. Malapit na tayo magpakasal"

Dinig niya ang malambing at matipunong boses nito, ang lalaking minahal niya at mapapakasalan na niya. Pero sino siya? Bakit malabo, bakit hindi niya maaninag ang mukha nang lalaking nagpapatibok ng puso niya ngayon...

Nagising si Pearl tila hinihingal siya at sa napanaginipan.
"Anu ibig sabihin ng panaginip ko na yun?" Bulong niya at napatingin sa alarm clock,  alas cuatro pa lamang ng umaga.
Muli siyang nahiga ngunit nakatitig siya sa kisame.
"Sino ang lalaking yun?  Bakit ko siya napapanaginipan? " napailing na lamang siya at niyakap ang unan , hindi niya namalayan na lumandas ang kanyang luha.  Naguguluhan siya  isipan at pati kanyang puso.
Hindi na siya sigurado kung mahal pa nga ba si Aldrin, pero isa pa din ang tanong niya .
"Kung hindi ko na mahal si Aldrin, sino ang taong mahal ko ngayon?" Tanong niya sa sarili at mahigpit na niyakap ang kanyang unan.

#AuthorCombsmania
   

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon