Chapter:14

17 2 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter :14

Nagpa-tanghali na si Jackie bago makarating ng Victoria,  habang papasok siya sa building  ay tila sa kanya nakatingin ang mga taong naroroon...

"Ngayon lang ba sila nakakita ng maganda? " sa isip niya at diretso lang sa paglakad.
Nauna na pumunta ang kanyang ama,  hindi lamang siya ginising. 

"Hello Ms. Legazpi! "

Napatigil si Jackie at nakita ang isang medyo may edad na babae,  nakangiti ito sa kanya.  Kaya ngumiti na din siya.

"Hello.. "

"I'm a President secretary,  they all waiting you at the conference... " sagot ni Genna...

Napatango na lamang siya,  tumalikod na ito kaya sumunod na lamang siya.
Pagkahinto sa pintuan ay isang buntong-hininga muna ang ginawa niya.

Bumukas na ang pintuan,  halos puno na nang tao...  Naroroon din ang ibang mag momodelo,  pero dahil siya ang pinaka priority ay sa kanya nakatingin ang mga mata ng naroroon.

Napadako ang tingin niya sa kanyang ama,  nakikipag usap ito sa isang lalaki.  At laking gulat niya nang makilala ang lalaking kausap nito.
Ang lalaking lagi na lamang siya tinatawag sa pangalang Pearl,  ang gwapon nitong mukha na di nawawaglit sa isipan niya.  Masyado ba siya talagang attractive sa lalaking ito. 
Pero isa pang tanong sa isipan niya,  bakit siya naririto?.

"She's here! " puna nang isa sa mga memeber ng kanilang meeting...

Napalingon si Arthur,  nakita na niya muli ang babaeng inakala na si Pearl.

"She's  my daughter.... "

Bigla siya napalingon kay Director Legazpi, hindi na expect na mag-ama ang dalawa.

Tuluyan ng pumasok si Jackie at humarap sa kanila,  lumapit naman si Rodolfo sa kanyang anak...

"Jackielyn,  i would like to introduce,  President Arthur Victoria.... "

Parang tumigil ang mundo niya sa nadinig, ang lalaking inakala niyang baliw at stalker ay ang may ari pala ng kumpanya na kailangan niya pag modelan....
Napalunok siya nang sunod-sunod lalu at nakatitig na naman ito sa kanya.

"Nice meeting you,  Jackielyn... " sabay lahad ni Arthur ng palad.

"You can call me Jackie..." Sagot niya at tinanggap ang palad nito...
"Say ang lambot ng palad ng lalaking ito. " sa isip niya,  bakit ba tila may exciting sa damdamin niya ang hatid noon...

"Okay!  Jackie,  so you may sitdown... " binitawan na niya ang kamay nito at  tumalikod.

"Yun lang? " sa isip muli ni Jackie,  bakit parang nag iba na ang timpla nito,  dahil hindi siya si Pearl...
Napailing na lamang siya at naupo.

Nagsimula na ang kanilang meeting,  halos madami pinapaliwanag sa kanila.  Ang tanging naiintindihan lang niya ay ang graphic design na ginawa at yun ang gagamitin para i model niya...

"It's  been a year.  Mr. Victoria,  ngayon mo lang ulit na open ang designed na ito? "

Napangiti ng pilit si Arthur...
Taon na nga naman ang lumipas nang maging successful ang designed  na ginawa ni Pearl,  pinagbutihan nito ang ginawang disenyo para sa kanilang kumpanya,  pero itinigil niya ang project na yun.  Ayaw niya kasi na maalala ito at ang malagim na sinapit.

Pansin ni Jackie ang malungkot na imahe nito...  Hindi niya alam pero naramdaman niyang nasaktan siya.

"Mula nang mawala si Pearl ayoko na sana ituloy ito,  pero ngayon mukhang kailangan na.. " sabay tingin kay Jackie.

Napaigtad si Jackie.
"Bakit ba siya sa akin tumingin?  At si Pearl?  Sino ba ang Pearl na yun... " sa isip lamang niya.

"But let's  continue... " dagdag ni Arthur.   

~

Napaupo muna si Jackie sa opisina nang kanyang ama,  ang designed pala na yun ay ginawa nang Pearl na lagi niyang nadidinig.  Talagang di siya makapaniwala,  marahil malaki ang puwang sa buhay ni Pearl kay Arthur na yun.

"Pero,  bakit ganito nararamdaman ko sa lalaking yun? " bulong niya,  napasandal siya....
Gumugulo talaga sa isipan niya si Arthur na yun...
"In love ba ako sa taong yun? " bulong niya at biglang napatayo...
"No way!!! " inis din niyang sagot sa sarili niya at nagpabalik-balik ng lakad.

"Pwede ba kita maistorbo? "

Napaigtad siya nang nasa pintuan ito at nakatingin sa kanya,  napatitig siya.  Sadyang gwapo si Arthur Victoria kahit saan anggulo tingnan,  at hindi lang yun para din itong modelo.

"May dumi ba ako sa mukha? "

Napakurap siya ng ilang beses at napalunok.
"Wa-wala,  anung- anong kailangan mo? " tila tinatambol ang dibdib niya,  hindi tulad noon na una nilang pagkikita.  Pansin niyang pumasok ito at lumapit sa kanya.
"Gosh!,  mas gwapo pala siya sa malapitan!" Halos tili ng kanyang isip.

"Jackie?  I know na nagulat ka sa una nating meet." Umpisa ni Arthur.

Oo nga naman,  talagang nagulat siya noon.  At hinabol pa nito,  pinipilit kasi na siya si Pearl.
"May i ask you,  sino ba yung Pearl na yun?"

Ngumiti saglit si Arthur.

Para naman malalaglag ang puso ni Jackie sa pag ngiti nito,  lalu at lumabas ang pantay na mpuputing ngipin at ang dimple nito.

"Pearl was my little sister friend,  two years ago nang dito siya nag event para sa graphic designed na hinanda niya. " huminga si Arthur ng malalim at bigla na lamang naupo sa couch.

Napaupo na din si Jackie,  gusto niya madinig ang kwento nito.

"My sister always say,  na si Pearl ay isang angel... Kaya lagi siya nagpupunta dito sa opisina because of her,  a month din na naging close sila ng sister ko. " huminto si Arthur.

Pansin ni Jackie ang pagka lungkot ng mukha nito.

"But one day,  kung kelan pauwi na siya.  Tsaka naman dumating ang trahedya kay Pearl...  Pinag tripan siya, and she died. " tumulo na ang luha niya,  kasabay kasi nang pagkamatay ni Pearl ay pagkawala din ng kanyang kapatid.  Kaya doble ang sakit sa kanya noon panahon na yun.

Nahabag naman si Jackie at wala sa isipan na lumapit kay Arthur at hawakan ang kamay nito.
"I don't  know kung anu sasabihin,  pero wag kang umiyak.  Kasi masasaktan din sila.... "

Napatingin si Arthur kay Jackie, alam niyang hindi ito si Pearl pero bakit pakiramdam niya si Pearl ang nasa harapan niya...
Umiwas siya nang tingin dito,  at agad pinunasan ang luha...
"Pasensya ka na. " napatayo na si Arthur.

Napatango lang si Jackie.

"By tomorrow na umpisa ng pagmomodelo mo... "

Napatayo na din si Jackie.
"Ok..." At ngumiti

Muling napatingin si Arthur sa kaharap.
"Nice meeting you  again!  Jackie! " tumalikod na siya at lumabas ng opisina.

Napahinga ng malalim si Jackie.
"Anung meron sa lalaking yun,  at ganito kabilis ang tibok ng puso ko.... " bulong niya at naramdaman muli ang pagtibok nun....

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon