Chapter: 30

20 1 0
                                    

Kailangan Ko'y Ikaw

Chapter: 30

"Overtime ka na naman? " puna ni Genna

Ngumiti lang si Arthur at tiningnan ang picture ni Pearl na nasa frame niya.

"Next week na ang kasal nila?  "

Sumandal siya at tumingin sa paligid nang opisina, 
"Masaya na ako,  basta masaya si Pearl. " sagot niya at tumingin kay Genna.
"I'm a man with a word,  kapag mahal mo ang isang tao,  kailangan mo magparaya para sa kaligayahan niya. "

"What if?  Ikaw pala ang kaligayahan niya? "

"Genna-"

"I saw her, nang magkita kami sa Pinas. Nang dalawin namin si Jackie. There something in her eyes, you can't see the happiness na magpapakasal siya kay Aldrin. Something missing, may kulang sa ngiti niya."

"Mawawala din ako sa kanya, sa kanya. Pero sa akin. She's still my honey." Tumayo na si Arthur at humakbang para makauwi na, masyado na din siya nagbababad sa opisina. Doon na lang niya ulit binuhos ang buhay niya para hindi siya masyadong nag iisip kay Pearl.
Napailing na lang si Genna at sumunod na dito.

~

"Anak,  pwede ba kita makausap? "

Lumingon si Pearl at nakita niya ang kanyang ama na nasa likuran niya,  ngumiti siya at yumakap dito.
"Yes naman Pa. "

Muli siyang tiningnan nang kanyang ama.
"Tell me,  buo na ba ang desisyon mo? "

Napatitig siya dito.
"Pa,  anu bang klaseng question yan ha? " pinilit niya ngumiti at maging cool, naupo siya sa upuan na naroroon sa veranda.

"Pearl anak,  kahit apat na taon lang tayo nagkasama nakilala ko ang kasiyahan na mayroon ka sa piling ni Arthur. "

Huminga siya nang malalim,  ang Papa lang niya ang nakakaalam sa mga happiness nila ni Arthur noon,  kaya alam na alam nito kung gaano niya kamahal si Mr. Victoria.

"Pero lumayo siya at nagparaya, para lang masunod ang totoong nilalaman ng puso mo?  Ang tanong si Aldrin nga ba ang nasa puso mo pa din? "

Tumitig siya sa kanyaang ama.
"Pa? " at di niya namalayan na tumulo ang kanyang luha,  next week na kasal niya pero eto at malungkot siya.  Pinipilit niyang maging masaya kapag kasama si Aldrin,  pinipilit niya maging normal ang lahat para sa kanila.  Gusto niya ibalik ang dati ngunit malabo,  dahil kalaban nito ay ang kanyang puso.

Niyakap siya ni Rodolfo,  naiintindihan niya si Pearl,  noong si Jackie pa ito ay nakita niya ang kasiyahan sa mga mata nito sa piling ni Arthur.  Kaya parang nabuhay na din si Jackie na kakambal nito noon dahil iisa lang din ang taong minahal nang kanyang mga anak.
"Naiintindihan kita anak,  alam ko mahal mo si Arthur at natatakot ka lang magkamali. Magkamali nang desisyon dahil baka may masaktan ka. "

Tumingin si Pearl sa kanyang ama at pinunanasan ang kanyang luha.
"I'm  sorry Pa,  pero ang hirap pala kapag puso na ang kalaban?  Ang hirap pala na kahit napakatagal ninyong nagsama mawawala din isang araw,  ang hirap pala isipin na may isang tao kang mamahalin at bandang huli kailangan niya umalis dahil nasa isipan niya na hindi ko siya minahal. " naiiyak niyang sabi.
"Pearl,  puso mo pa din yan.  Isipan at katawan,  kaya mo ba talagang magpakasal kahit alam mo na sa totoong damdamin mo na wala na si Aldrin? "

Napalunok si Pearl,  tama ang kanyang ama.  Siya pa din ang may hawak ng desisyon ngunit paano siya magdedesisyon?  Alam niyang hindi manhid si Aldrin at dama niya na ramdam nito na hindi na sila katulad ng datin.  Sa mga araw na lumilipas na kahit pinapasaya at binabalik sa dati ay wala na siyang maramdaman.
"Pero wala na si Arthur dito,  kahit siya ang nasa puso ko.  Umalis siya para lang ituloy ang pagmamahalan namin ni Aldrin. "

"Alam ko Pearl,  pero huwag isipin mo pa din maigi.  Dahil kapag nakasal ka na kay Aldrin baka mas lalu kang mahirapan anak. " sabay tapik nito sa balikat niya at tumayo na.
"Si Pearl ka man o si Jackie,  hindi nagbago ang pagmamahal mo kay Arthur.  Pero kay Aldrin nawalang tuluyan,  mahirap magpakasal lalu't kung may alinlangan.  Mahirap pilitin ang puso na ibalik sa normal ang lahat kung ang nagpapaligaya sayo ang kulang diyan... " malalim ang salitang binitawan ng kanyang ama ngunit alam niyang para sa kanya iyon.

Muling tumulo ang luha ni Pearl napapikit na siya at huminga nang malalim.  Kung maaari lang hatiin ang kanyang puso para wala siyang masaktan,  kung maaari lang ibalik ang panahon para nakapag desisyon siya nang maayos.  Ngunit huli na ang lahat,  lumayo na si Arthur at hindi na ulit nagpakita sa kanya.

~

"Alam ko... " napatingin si Aldrin at nakita si Shane na kakapasok lang,  dumating na pala ang bestfriend nila at ang magiging maid of honor ni Pearl.

"Kelan ka pa dumating? " tanong ni Aldrin,

"Kahapon lang,  pero hindi ko pa nakikita si Pearl... " sabay upo ni Shane
"Kamusta ka naman? Di ka na tumawag sa akin mula bumalik si Pearl? "

"Shane,  pwede ba.  Yung nangyari sa atin kalimutan mo na... "

"Dahil bumalik si Pearl?  Naging masaya ka din naman sa akin,  everytime and yung mga pinagsaluhan natin.  Anu problema doon?  Dahil siya lang talaga ang mahal mo? "

"Pero hindi na niya ako mahal,  like nang nakwento sayo. " paliwanag ni Aldrin at tumayo,  nagpalakad -lakad siya.

"Is this a karma na ba? " tanong ni Shane

Lumingon si Aldrin.
"Maybe,  siguro noong panahon na masyado ako nalulong din sayo,  panahon na wala pa si Arthur sa buhay niya.  Alam ko naman na minahal mo ako,  pero si Pearl ang nasa puso ko.  Gusto kita matutunan mahalin dati dahil ang buong akala ko namatay na siya,  pero ang hirap pala. "

"I understand you Aldrin,  pero try to think.  Masasaktan ka at masasaktan.  Lalu't alam mong hindi na ikaw ang nasa puso niya. " sagot ni Shane.

Napangiti lang si Aldrin.
"And you willing to wait for me?  Hanggang sa matutunan ba kita mahalin din? "

"Why not,  hanggang ngayon ikaw pa din ang hinihintay ko,  noon guilty din ako sa ginagawa natin kay Pearl dati.  Pero i still love you,  ngayon may pag asa na ako,  dahil pwede na magbago ang lahat. "

Tumango si Aldrin.
"Gusto ko pa din siya makausap,  at si Arthur.  Let's change everything,  mas masaya ako dahil si Arthur minahap talaga niya si Pearl at hindi niya sinaktan ang damdamin nito.  Hindi katulad ko,  mag nobya pa lang kami pero i cheated to her.  Sinaktan ko siya nang nakatalikod,  nang mga panahon na umiiyak siya dahil sa sobrang pagka miss sa akin. " sabay hinga ng malalim.
"Now it's time para itama ko ang mga mali,  ang mga bagay na hindi ko kaya ibigay sa kanya. "

"Yeah,  you right Aldrin. " tumayo na din si Shane.
"So,  gawa na tayo nang magandang plano,  para naman maging happy na bestfriend ko,  sa totoong mahal niya.  At syempre para sa panibagong lovelife mo! "

Ngumiti si Aldrin at tumingin sa bintana.
"She find a true happiness to a real man with one word.  At si Arthur Victoria lang yun,  si Arthur lang ang may tunay na isang salita nang pagmamahal. "

"Makata ka na,  Mr. Hernandez"

Natawa na lang si Aldrin at nakaisip na siya nang magandalang plano,  5days na lang at malapit na kasal nila.

#authorcombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon