Chapter 6:

26 3 0
                                    

"Kailangan Ko'y Ikaw"

Chapter :6

"Jamie!  Don't ever do that again okay! "

"Why naman kuya?  You're so busy kaya,  tsaka gusto ko lang may kalaro... " nalulungkot na sabi nito...

Lumapit si Arthur at hinawakan ang kamay nang  bunsong kapatid...
"Jamie,  hindi mo pwedeng maging kalaro yun,  kasi she's not your level.. "

Tumitig sa kanya si Jamie...
"But she's pretty right? "

Natawa na kang si Arthur...
"Yup she's pretty!  But i don't know who she is... "

"She's name is Pearl kuya!  She's pretty i like her,  she looks like an angel.... "

Muling natawa si Arthur at napailing....
"You need to take your medicine... "

"Ayoko kuya,  masyadong mapait.... "

"But you need....  Listen,  if you didn't take one of your medicine... You gonna feel again the harm,  ayoko makita na iiyak ka ulit maliwanag? "

Nalungkot si Jamie at tumango...

Ngumiti na lang si Arthur at sumenyas sa kanyang sekretarya...

~

Habang nagbabasa ng mga papeles at design ay bigla sumagi sa isipan niya ang babaeng kausap kanina nang kanyang kapatid,  Jamie was right....  She looks like an angel,  napailing siya...  Bakit ba yun ang pumasok sa kanyang isipan...

"Arthur? "

"Come in... " sagot niya...

Lumapit naman si Genna at naupo,
"Inayos ko na lahat ang need ni Jamie para sa therapy,  i hope you'll gonna be fine? "

"I'm doing my best,  ayoko mabawasan na naman sa parte nang pamilya ko... " sabay sandal...
"We lost our parents,  and now my sister suffering a leukemia....  Ga'no kasakit yun,  na sa murang edad ay dinadanas niya to? "
"I know what you feel,  but you need to be strong!  Sigurado ako na mas masasaktan siya kapag nakita kang nalulungkot nang ganyan... "

"Di ko na nga alam gagawin ko?  I'm so tired,  isa pa...  Di ko siya mabigyan nang time, i can't... Dahil,  dahil dinudurog yung puso ko kapag nakikita ko na unti-unting nag iiba ang itsura niya... " tumulo ang luha ni Arthur....

"Sshhh... " napatayo si Genna at inali ito...
"Wag kang umiyak, God have a plan...  Magtiwala ka lang at manalig.... "

Napabuntong-hininga na lamang siya...

~

"Ms.  Hermosa,  Mr.  Victiria wanted to see you.. "

Napatayo si Pearl,  tila kinabahan siya...  Ngayon kasi niya makakaharap ang pinaka may ari nang building ng Victoria...
Habang naglalakad ay sari-saring emsosyon,  iniisip niya kung maganda ba ang magiging kalabasan nang ginawa niya.
"Mr. Victoria!  Ms. Hermosa is here... "

Nakatalikod lang si Arthur at nakatingin sa salamin na bintana nang building....
"Come in... " sagot lamang niya na,  wala pa kasi siyang maisip lalu sa sitwasyon nang kanyang kapatid ngayon...

Pumasok na si Pearl at napansin niya ang nakatalikod na lalaki,  ewan ba niya pero iba pala ang naiisip niya... Hindi pala ito matanda tulad nang na iimagine niya lalu kapag ganitong malaking building ay sadyang may edad na ang pinaka -Presidente...

Naramdaman ni Arthur na may tao na kaya agad na siyang lumingon,  laking gulat pa niya nang makilala kung sino ito..

Maging si Pearl ay hindi inaasahan,  na ang lalaking Presidente at may ari nang Victoria ay nakilala na kahapon...

Ngumiti si Arthur,  tila sumilay ang kanyang dimple...
"What a coincidence, ikaw pala ang Graphic designer na pinadala from manila, glad to meet you Ms. Hermosa..."sabay lahad nang kamay nito...

Nahihiyang tinanggap iyon ni Pearl...
"Glad to meet you Mr.Victoria.."

"Sitdown..."

Kapwa sila naupo, inabot naman ni Pearl ang mga naka folder na papeles para basahin nito....

Pinag aralan maigi ni Arthur ang mga disenyo, wala siyang masabi talaga pinagbutihan nito ang mga ginawa....

Kinakabahan pa din si Pearl, hindi kasi siya sigurado kung may magandang kalalabasan lahat ito...

"Perfect!  Congratulations! "

Di siya makapniwala sa sinabi nito....

"Bukas ang event,  so i-present na natin ito,  okay! " sagot sa kanya sabay ngiti...

Napangiti na din si Pearl,  isa talagang malaking opportunity sa kanya ito,  lalu at ito ang pangarap nila ni Aldrin...

Muling nakipag kamay ito sa kanya,  inabot muli ni Pearl na nakangiti. Pansin ni Arthur ang singsing na suot nito,  tila engagement ring iyon...

"Thank you so much Mr. Victoria!  Promise hindi kayo mabibigo sa presentation ko! "

Ngumiti si Arthur,  pansin niya kasi na malakas ang self confidence nito at hindi lang yun...  Nakikita niya sa mga mata nito ang pangarap na gustong abutin....

~

Habang nakahiga si Pearl ay nagsusulat siya nang messages para kay Aldrin,  bawat araw ay binabalita niya ang mga nagaganap,  nag sesend din siya nang mga litrato...
"Miss na kita mahal ko!  I love you.. " sambit niya habang sinusulat yun...

Huminga siya nang malalim at nilapag ang cellphone,  bukas na ang kanyang presentation...  Kaya kailangan niya magpahinga nang maaga...

#AuthorCombsmania

Kailangan Ko'y Ikaw( COMPLETED)Where stories live. Discover now