Part 1

39.7K 502 23
                                    


THE City that never sleeps. Iyon ang tawag sa New York. Mga nagtataasang gusali, maliwanag na mga ilaw na para bang lahat ng electric power ng buong Amerika ay ibinuhos lahat sa lugar na iyon, mga higanteng LED screen na nagpapalabas ng commercials at music videos ng mga awiting sikat sa buong mundo, billboards ng mga artista at modelo, naghahalo-halong tugtog at ingay mula sa mga shop at restaurant na madadaanan, at hindi nauubos na mga tao na palakad-lakad sa Central Park, Time Square, Broadway at sidewalks. Marami ang gusto ang ambiance na iyon ng New York. Maraming turista ang namamangha.

Pero walang ibang gusto si Aki kung hindi ang takasan ang lahat ng iyon. Nasisilaw siya sa labis na liwanag ng paligid, nabibingi siya sa ingay at naiirita siya sa dami ng mga tao. Dahil kapag may mga gabing katulad ngayon na gusto niyang maglakad-lakad para makapag-isip at naghahanap siya ng lugar na tahimik at walang tao ay wala siyang makita. Wala kang privacy at katahimikan sa City That Never Sleeps.

Napahinto siya sa paglalakad sa sidewalk ng Manhattan nang may pamilyar na musika ang pumailanlang. Nakasuksok ang mga kamay ni Aki sa magkabilang bulsa ng long coat na suot niya. Nakapalibot ang makapal na scarf sa leeg niya at halos natatakpan ang kalahati ng mukha niya. Na mas maganda dahil sa ganoong paraan walang makakakilala sa kaniya. Tumingala si Aki sa malaking LED screen na nagpapalabas ng music video ni Veronica, isa sa pinakasikat na diva sa buong mundo. Ang promotional video na iyon ay para sa latest song ni Veronica na halos isang buwan nang number one sa billboard charts. Katunayan ay top contender na manalo ang awiting iyon sa Grammy's na ginaganap sa gabing iyon. O baka nga nanalo na.

Nag-vibrate ang cellphone ni Aki at inalis niya ang tingin sa LED screen. Dinukot niya sa bulsa ang gadget at nang makita ang pangalan ni Tom Scott ay pinindot niya ang end call at muli niya iyong isinuksok sa bulsa. Pagkatapos ay nagpatuloy siya sa paglalakad. Wala siyang pinal na destinasyon. Pakiramdam lang niya ay nasasakal siya habang nasa loob ng kaniyang condo kaya nagdesisyon siyang lumabas. Subalit sa karagatan ng mga tao sa paligid ay mas lalo lang siyang tila kinakapos ng paghinga.

Ilang beses pa nag-vibrate ang cellphone niya hanggang sa pabuntong hiningang huminto uli si Aki sa paglalakad at inis na sinagot ang tawag. "What is it?"

"Where are you?" tanong ni Tom Scott. Si Tom ay isang lalaking nasa singkuwenta na ang edad pero mukha at umaakto pa rin na tila nasa trenta lang. Ang mga babae, nakababata man dito o matanda ay lumalapit sa lalaki na tila mga bubuyog sa honey. Pero duda si Aki na ang hitsura lang ni Tom ang dahilan. After all, ang lalaki ang may-ari ng isa sa pinakamalaking music label hindi lamang sa United States kung hindi maging sa buong mundo. Kaya ang mga babaeng nais magkaroon ng pangalan sa industriya ay gagawin ang lahat para sa lalaki. And Tom Scott sleeps with them all.

"Why?" malamig na sagot ni Aki himbis na sagutin ang tanong ng may-edad na lalaki.

"Grumpy as always. You were supposed to attend the Grammy's with us but my men didn't find you at home."

Isa pang rason kung bakit ako lumabas. "You know I hate showing up in events with a lot of press and paparazzi," sabi ni Aki na nagsimula na uli maglakad.

"I know. But you should show up once in a while. Everyone is dying to get a glimpse of the legendary music genius, Aki Kennedy. Anyway, Veronica's song won. You must attend the victory party. Everyone in the industry knows you were the one who wrote and composed that song. And all the songs that won the Grammy's for the past ten years. Every singer in the US wants you to write an album for them."

"I'm not interested. Have a good night, Tom." Iyon lang at tinapos na niya ang tawag. Pagkatapos ay tuluyang pinatay ang cellphone para wala nang makatawag pa sa kaniya. Muling isinuksok ni Aki ang mga kamay sa coat pocket niya at mapait na napangiti. "Every singer, huh? Alam niya na ayoko sa mga singer at entertainers, that old bastard," usal niya sa sarili.

Nawala ang ngiti niya at tumingala sa langit. Dahil sa liwanag ng mga gusali ay ni wala siyang makita kahit isang bituin. He really hates New York. Gusto kong lumayo sa lugar na ito. I'm suffocating.

Nanatili siyang nakatayo roon, pina-alerto ang pandinig sa pagdating ng pamilyar na mga nota na mula pa noong bata siya ay naririnig na niya palagi. Subalit ang mga melodiya na dati ay kasa-kasama niya sa mga panahong katulad ngayon ay hindi dumating. Ilang buwan na mula nang mawala ang mga iyon. Ilang buwan na rin mula nang huli siyang nakabuo ng awitin. Kaya ganoon na rin katagal na frustrated, iritable at parang nasasakal si Aki.

The legendary music genius... Kung alam lang ni Tom na may music block ang pinagmamalaki nitong henyo, ano kaya ang iisipin ng may-edad na lalaki? O marahil dapat nga na ipaalam niya rito ang tungkol doon. After all, si Tom ang may kasalanan kung bakit hindi na siya makalikha ng musika.

MADALING araw na nang magdesisyon si Aki na bumalik sa condo niya. Matatagpuan ang kaniyang unit sa top floor ng isang mamahaling condominium building. Iyon ang unang ibinigay ni Tom Scott sa kaniya mula nang magtrabaho siya sa music label nito noon pa mang disisyete anyos siya. Pagkapasok pa lamang niya sa loob ay naramdaman kaagad niya na may tao sa unit niya kahit pa patay ang ilaw. Tumiim ang mga bagang ni Aki at bago pa man niya buksan ang ilaw ay nagsalita na siya. "What are you doing here?"

Kumalat ang liwanag sa buong apartment at nakita niya ang pigura ng isang babae na nakaupo sa isang couch at matamis na ngumiti. "I want to see you of course," langong usal ng babae. Patunay na nakainom ang babae.

"Veronica, go home," usal ni Aki habang hinuhubad ang coat at scarf niya.

Tumayo si Veronica na suot pa rin ang designer's long gown na malamang ay suot ng babae nang rumampa ito sa red carpet ng Grammy's at umiindayog ang balakang na lumapit sa kaniya. Pinaikot ng babae ang mga braso sa leeg niya at humampas sa mukha niya ang amoy alak nitong hininga. "Our song won, Aki. We should celebrate." Pagkatapos ay hinalikan siya nito sa mga labi.

Tumiim ang bagang ni Aki at kinalas ang mga braso ni Veronica. Inilayo niya ang mukha rito at bumuntong hininga. "Let's stop this already, Veronica. I'm tired of this."

Halatang nagulat ang babae at mukhang nawala ang pagkalasing. "What?"

Napailing si Aki at naglakad palayo kay Veronica. "You know what I'm talking about. I don't want to play with your schemes anymore."

"Aki, why are you being like this? You've been avoiding me for two months already," manghang bulalas ng babae.

Humarap siya rito at sinalubong ng matiim na tingin ang mga mata nito. "I know you are sleeping with Tom Scott." Namutla si Veronica at mukhang magdadahilan pa pero inunahan na ni Aki ang babae. "Even now, you have a hint of his favorite perfume on you. Do you really think I wouldn't know if a woman is sleeping with another man while she's with me? I'm not that naïve."

Sandaling bumakas ang guilt sa mukha ni Veronica pero agad ding pilit na ngumiti. "I can explain, Aki. I really really like you, you know that. I just..."

Tumiim ang mga bagang ni Aki. "You just what? You're just sleeping with him because he is the key to all the success you are having right now? But I still don't want to turn a blind eye. Go home, Veronica. You already got the Grammy Awards you've been dreaming of. Think of that as my farewell gift to you. We are over."

Umawang ang mga labi ng babae. Pagkatapos ay namamasa ang mga mata bago galit na tumalikod at nagmartsa palabas ng unit niya. Ibinalibag nito ang pinto pero ni hindi kumurap si Aki. He just felt so... tired.

SCANDAL MAKERSOnde as histórias ganham vida. Descobre agora