Part 16

8.7K 311 17
                                    


Hinablot ni Alice ang awditibo at huminga ng malalim bago iyon inilapat sa tainga niya. "Hello?"

"Patay ba ang cellphone mo? Tinatawagan kita kanina pa pero unattended," boses iyon ni Tita Bebs.

"Baka lowbat. Hindi ko pa nacha-charge," sagot niya. Masyado kasi siyang naging abala sa paglilinis kanina at ngayon ay kay Aki na nararamdaman niyang nakamasid pa rin sa bawat galaw niya. Ayaw lang niyang lumingon dahil baka kapag nagtama muli ang mga mata nila ay mawala na naman siya sa huwisyo. "Bakit mo ako tinatawagan, Tita Bebs?"

"Oo nga pala. Tinawagan uli ako ng creative head ng FHM tungkol sa photo collection mo. Nag-set sila ng appointment para maipresenta nila sa atin ang proposal nila. Saka ka magdesisyon kung gusto mong tanggapin o hindi ang project. Isiningit ko siya para sa susunod mong break from tapings."

Natigilan siya. Balak sana ni Alice na sa susunod niyang break ay mag-aayos siya sa unit ni Aki. Pero alam niyang hindi niya iyon puwedeng sabihin kay Tita Bebs kaya huminga na lang siya ng malalim. "Okay."

"At huwag mong kalimutan ang oras ng taping mo bukas. Doon na lang tayo magkita." Iyon lang at nagpaalam na ang manager niya.

Ibinaba niya ang awditibo at ilang sandaling napatitig lamang doon. Nasa mga sinabi pa rin ni Tita Bebs ang isip niya kaya napaigtad siya nang maramdaman ang magaang na hawak ng mga kamay ni Aki sa magkabilang balikat niya. "Hey," usal nito malapit sa tainga niya.

Kumalat ang init sa katawan ni Alice at bumilis na naman ang tibok ng puso niya. "What?" halos hindi humihingang tanong niya. Ni hindi niya tinangkang lumingon dahil baka kung saan na naman mapunta ang pagkakalapit nilang iyon.

"Kailangan ko nang umalis."

Napakurap siya at noon pumihit paharap sa binata. Kumiskis ang katawan niya sa katawan nito. Pareho nilang nahigit ang paghinga. "Bakit aalis ka na?" nagawang itanong ni Alice.

Bahagyang ngumiti si Aki na sa tingin niya ay mas ngiwi kasabay nang pagbitaw nito sa mga balikat niya at paghakbang palayo sa kaniya. "Kailangan ko magpunta ng maaga sa music bar para sa rehearsal bago iyon magbukas."

"Oh. Okay," nasabi na lang ni Alice. Subalit walang kumilos sa kanilang dalawa at nanatiling nakatayo ilang pulgada ang layo sa isa't isa.

Mahabang sandali ang lumipas bago kumilos si Aki. May dinukot itong cellphone sa bulsa at inabot sa kaniya. "Ibigay mo sa akin ang number mo."

Napakurap siya at kinuha ang cellphone. Inilagay niya roon ang private number niya na ilan lang ang nakakaalam. "Makakapag-compose ka ba kahit na hindi tayo magkikita ng ilang araw?" tanong niya nang ibalik rito ang cellphone.

"Sana," nakapamulsang sagot ni Aki.

Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito at lakas loob na nagtanong, "Sa susunod na magkita tayo, puwede ko bang marinig ang composition mo?"

Mukhang natigilan ang binata at napatitig lang sa kaniya ng ilang segundo bago sumagot, "Baka hindi pa tapos iyon kapag nagkita tayo uli."

"Kahit hindi tapos. Gusto ko lang marinig kung ano ang naririnig mo kapag kasama o naiisip mo ako," sabi ni Alice.

May kumislap na emosyon sa mga mata ni Aki na bago pa niya mabigyan ng pangalan ay nawala na. Huminga ito ng malalim at bahagyang ngumiti. "Sige. Sa susunod na magkita tayo, may ipaparinig ako sa iyo."

Napangiti na rin siya at tumango. Humakbang palapit sa kaniya si Aki at bigla siyang niyakap ng mahigpit. Pagkatapos ay bago siya makapag-react ay pinakawalan na siyan ito agad. "Kailangan ko nang umalis. Tatawagan kita."

"Okay."

Muling pinisil ni Aki sa huling pagkakataon ang balikat niya bago tumalikod at naglakad patungo sa pinto. Pahawak na ito sa doorknob nang bigla ay tila matigilan. Pagkatapos ay nagulat siya nang muling humarap si Aki at naglakad pabalik sa kaniya. Napasinghap siya nang mabilis siya nitong halikan muli sa mga labi bago ngumiti. "Aalis na talaga ako," usal nito bago muling tumalikod at sa pagkakataong iyon ay tuluyang lumabas ng unit niya.

Nanatiling nakatayo roon si Alice hanggang sumara uli ang pinto. Pagkatapos ay nanghihinang napasandig siya sa lamesang nasa likuran niya at napadausdos paupo sa sahig. Napahawak siya sa dibdib niya dahil nagwawala na naman ang puso niya. "Hindi ako makapaniwala," nanlalaki ang mga matang bulalas niya. Hindi siya makapaniwala na ganoon ang reaksiyon niya para sa isang lalaking mukhang higit na mas bata sa kaniya.

Higit sa lahat, hindi siya makapaniwala na si Aki ay pwedeng maging ganoon... ka-sensuwal. Mukha lang tahimik at malamig ang binata sa unang tingin pero ibang iba ito kanina. Hindi forceful si Aki. Subalit may kung ano sa paraan ng paghagod ng mga daliri nito sa kaniyang balat ang nagpapalambot at tumutunaw sa mga lamang loob niya. At ang halik nito... tatalunin ang lahat ng naging leading man niya. Para siyang hihimatayin nang maghiwalay ang mga labi nila.

Katunayan, hanggang sa mga sandaling iyon ay parang nararamdaman pa niya ang mga halik at haplos ni Aki. "No, no. I can't. Kailangan kong hamigin ang sarili ko," usal ni Alice. Hindi siya dapat nagkakaganoon. Hindi niya maiwasang maalala ang una at huling beses na naapektuhan siya ng ganoon ng isang lalaki. Lalong hindi niya dapat kalimutan na naiwan siyang luhaan dahil doon.

Huminga siya ng malalim at mariing napapikit. Nag-iternalize siya, katulad kapag may role siyang kailangan gampanan. Tinutulungan ko lang siya para makalikha siya ng musika. Wala lang ito. Isipin mo lang na may papel kang kailangan gampanan. Don't get your emotions involved. Paulit-ulit niya iyong sinabi hanggang sa wakas ay kumalma na siya.

NAKAPASOK na sa loob ng unit niya si Aki nang huminga siya ng malalim at napasandal sa nakapinid niyang pinto. Mariin siyang napapikit at nakatingalang ikinulong sa dalawang kamay ang mukha niya. Pagkatapos ay marahas siyang napaungol sa magkahalong frustration at sexual awareness. Lalo na at kahit nakapikit siya ay mukha ni Alice ang nakikita niya.

Hindi niya intensiyong halikan ang dalaga. Hell, hindi niya intensiyong hawakan ito sa paraang ginawa niya kanina. Ang intensiyon lang niya ay manatili sa tabi ng dalaga at obserbahan ang bawat facial expression nito. Subalit natagpuan niya ang sariling nag-e-enjoy sa company ni Alice. At sa totoo lang ay noon lang naging ganoon kakomportable si Aki sa presensiya ng ibang tao mula nang pumasok siya sa music industry. Masyado siyang kumportable na natagpuan niya ang sariling inakbayan at pinisil ang balikat nito. Subalit ang comfort ay naging awareness nang makita niya ang reaksiyon ng dalaga sa haplos niya. Napakaganda at napaka-sensuwal ni Alice na natagpuan niya ang sariling hinahalikan ito.

Kung hindi tumunog ang telepono ay baka higit pa roon ang nagawa niya. Dahil napagtanto niya na gustong gusto niyang halikan ang mga labi ni Alice. Gustong gusto niyang paglakbayin ang mga kamay niya at idiskubre ang bawat sulok at tagong bahagi ng katawan nito. He wanted to feel her, skin to skin. Masyadong matindi ang epekto nito sa kaniya na nagpasalamat siyang tumalikod ang dalaga para sagutin ang telepono kung hindi ay makikita nito ang ebidensiya sa pantalon niya. Nang sandaling iyon ay napagdesisyunan niyang kailangan na niyang umalis. Kailangan niyang maglagay ng distansya sa pagitan nilang dalawa.

Bago pa man siya magtungo sa pilipinas ay nagdesisyon na siyang hindi na ipagkakatiwala sa isang babae ang sarili niya. Masyado na siyang nadala kay Veronica. Alam niya na magkaiba si Alice at ang dati niyang nobya. Subalit ang mga emosyong kailangan niyang ipuhunan kapag na-involve siya kay Alice ay pareho lamang sa pinuhunan niya noon kay Veronica. Malakas din ang pakiramdam niya na ganoon din si Alice. Takot din itong mag-take ng risk.

Mabuti na lang matagal pa uli sila magkikita. Gagamitin niya ang mga araw na iyon upang hamigin ang sarili.

Isipin mo ang mga awiting kailangan mo isulat. Don't get your emotions involved. Iyon ang paulit-ulit na sinasabi ni Aki sa sarili. At nang hindi pa rin siya kumalma, lalo na ang katawan niya, ay dumeretso siya sa banyo at nag-shower.

SCANDAL MAKERSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon