Part 36

7.8K 312 11
                                    


"OH, God, that feels so good," ungol ni Alice at nasubsob pa ang mukha sa malambot na unan. Humagod pababa sa lower back niya ang mga kamay ni Aki at lalo siyang napaungol.

Naramdaman niya ang pagyuko ng binata hanggang nasa tainga na niya ang mga labi nito. "Sinasadya mo ba iyang pag-ungol mo?" bulong nito.

Napasinghap siya nang tumama ang mainit nitong hininga sa tainga niya. Napangiti siya. "Ano sa tingin mo?"

Dumiin na naman ang mga hinlalaki nito sa bahagi ng likod niyang hindi na masyadong masakit mula nang bigyan siya nito ng masahe. Muli siyang napaungol. Narinig niya ang bahagyang tawa ni Aki. Pagkatapos ay napasinghap si Alice nang maramdaman niya na naging iba ang hagod ng mga kamay ng binata sa likod niya. Hindi na madiin, naging sensuwal. Napaungol siya nang ipinasok ng binata ang isang kamay sa loob ng blusa niya kaya lumapat ang kamay nito sa kaniyang balat. "Aki," nausal niya at nilingon ang binata.

Nasalubong niya ng tingin ang mga mata ni Aki. May sensuwal na ngiti sa mga labi nito habang humahagod ang mga palad sa likod niya. "Gabi na. Ayoko pang bumalik sa unit ko." Napangiti si Alice at pumihit para ang likod niya ay nasa kama at nakaharap na siya ng tuluyan sa binata. Ang mga kamay nito ay inilapat ni Aki sa magkabilang gilid niya. "May trabaho ako bukas ng umaga."

Umangat ang mga kilay ni Aki. "Ano?"

Bago siya makasagot ay bumaba na ang mga labi ng binata at magaan siyang hinalikan sa mga labi. Napapikit si Alice at lumipad ang mga kamay sa batok ni Aki. "An interview. Pagkatapos ay photo shoot ng hapon para sa photo collection na ilalabas ng isang men's magazine."

Natigilan si Aki. Nang imulat niya ang mga mata ay titig na titig sa kaniya ang binata. "Men's magazine?"

"Oo. Para sa isang limited edition photo book na i-bi-bid daw. Pero hindi ko alam kung tuloy pa rin iyon. Pagkatapos ng komosyong ginawa natin, hindi ko alam kung itutuloy pa rin nila ang tungkol sa limited edition bidding for charity. Pero dahil naka-oo na ako sa photo shoot at interview kaya itutuloy ko na," paliwanag ni Alice.

Kumunot ang noo ni Aki. "You will pose for them?" bakas ang disgusto sa tinig ng binata.

Ilang sandaling napatitig si Alice sa mukha nito bago napagtanto kung bakit ganoon ang reaksiyon nito. "Ayaw mo?" tanong niya.

"Hindi ko gusto ang ideya na maraming lalaki ang titingnan ang mga larawan mo at mag-iisip ng malalaswang bagay tungkol sa iyo."

Hindi niya napigilan ang mapangiti. Hinigit niya ang batok ni Aki palapit at kusa itong hinalikan sa mga labi. "Noong una tayong nagkita hindi ko naisip na may pagka-possesive ka. Pero pagkatapos ng naging reaksiyon mo noong nakita mo kami ni Larry at ngayon, sigurado na ako. You are the possessive type Aki," malambing na usal niya.

Mukhang ikinabigla ni Aki ang sinabi niyang iyon. Na para bang noon lang nito napagtanto ang tungkol doon. Pagkatapos ay lumambot ang ekspresyon sa mukha ng binata at hinaplos ng isang kamay ang pisngi niya. "Sa iyo lang ako nagkaganito."

Tila mainit na kamay na humaplos sa puso niya ang pag-amin na iyon ni Aki. Matamis siyang ngumiti. At nang muling yumuko si Aki upang halikan siya ay buong puso niyang sinalubong ang mga labi nito.

NAGISING si Alice kinabukasan sa tunog ng cellphone niya. Iminulat niya ang mga mata at bahagyang nag-ingat upang abutin sana ang gadget sa bedside table niya. Subalit napahinto siya nang maramdaman ang braso na nakayakap sa baywang niya. Napalingon siya kay Aki na payapa pa ring natutulog sa tabi niya. Sandaling napatitig lamang siya sa mukha ng binata at napangiti. Mukha itong anghel kapag natutulog. Ginawaran niya muna si Aki ng halik sa pisngi bago tuluyang maingat na bumangon sa kama. Nagsuot siya ng roba at saka kinuha ang cellphone niya. Pagkatapos ay lumabas siya ng kuwarto niya upang sagutin ang tawag.

SCANDAL MAKERSTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang