Part 47

7K 282 5
                                    


Inilabas ni Alice sa toilet bowl ang lahat ng laman ng sikmura niya. Nang sa tingin niya hindi na siya maduduwal ay nanghihina siyang nag-flush. Sa nanginginig na kamay ay binuksan niya ang gripo at nagmumog. Pagkatapos ay nanghihinang napasandig siya sa pader. Nang tumingala siya ay nakita niya sa salamin na nakatayo na pala si Coleen sa nakabukas na pinto ng banyo. May magkahalong pagkahilakbot at pag-aalala sa mukha ng babae.

"Are you okay?" basag nito sa katahimikan.

Tumango siya at huminga ng malalim. "Sumama lang ang pakiramdam ko nang maamoy ko ang bawang. Pero sa tingin ko hindi iyon ang dahilan. Kahapon pa talaga masama ang pakiramdam ko. Sobrang stress siguro," usal niya sa malamyang tinig. Humablot siya ng tuwalya sa cabinet at pinunasan ang mukha. Pagkatapos ay pinatibay niya ang mga tuhod at pumihit paharap kay Coleen. "Okay lang ako."

Mukhang hindi pa rin kumbinsido ang babae. "Sigurado ka na dala iyan ng stress?"

May kung ano sa kislap ng mga mata ni Coleen na nagdulot ng kakaibang kaba kay Alice. "Oo?" alanganing sagot niya.

Humakbang palapit sa kaniya ang babae at sinalubong ng tingin ang mga mata niya. "I don't think so. Alice, sa tingin ko iba ang dahilan kung bakit masama ang pakiramdam mo. Hindi mo ba naisip na baka... buntis ka?" maingat na tanong ni Coleen.

Napamaang si Alice. Ni hindi niya alam kung ano ang magiging reaksiyon sa tanong nito. Nang makabawi ay pagak siyang tumawa. "Of course not."

"Sigurado ka?"

Hindi siya nakasagot. Ngayon niya naisip na delayed nga siya sa buwang iyon ng dalawang linggo na. Pero posible pa rin na stress ang dahilan niyon. Pero... paano kung buntis talaga siya? Naaalala niya na noong unang may nangyari sa kanila ni Aki ay hindi sila gumamit ng proteksiyon. Sa naisip ay awtomatikong lumapat ang palad niya sa puson niya. Nagkatinginan sila ni Coleen.

"Anong gagawin mo?" hilakbot na tanong ni Coleen.

Tumiim ang mga labi ni Alice. Sa totoo lang, himbis na makaramdam siya ng takot katulad ng babae ay bigla pa siyang nabuhayan. Bumalik ang determinasyon at tibay ng loob niya na nawala mula pa kahapon. "Kailangan ko ng pregnancy test kit," sagot niya.

HINDI mapakali si Aki. Ilang beses na niyang tinatawagan si Alice. Noong una ay nag-ri-ring lang ang telepono nito pero nang sumunod ay unattented na iyon. Mamaya kapag bumalik siya sa apartment niya ay tatawagan niya uli ang dalaga. Subalit sa ngayon ay kailangan muna niyang kausapin si Tom Scott. Nasa loob na siya ng gusali kung nasaan ang music label ng may-edad na lalaki at kahit hinarang siya ng dalawang sekretarya nito ay hindi siya nagpapigil. Hindi kumakatok na binuksan niya ang pinto ng private office nito.

Ang inaasahan ni Aki ay makikita niya si Tom Scott na abala sa kung anong trabaho sa lamesa nito. After all, prayoridad ng may-edad na lalaki ang negosyo. Kaya nga sa kabila ng edad ay hindi ito nag-asawa at puro sexual relationships lang sa kung sino-sinong babae.

Kaya nagulat siya nang maabutan niya si Tom na nakaupo man sa swivel chair nito ay mukhang malalim naman ang iniisip. Napaigtad pa ito nang pumasok siya sa opisina at sandaling nagmukhang disoriented. Sa tagal nilang magkakilala ay noon lang nakita ni Aki na walang bakas ng confidence at arrogance sa mukha ni Tom. Sa isang iglap rin ay napagtanto niya na wala na siyang nararamdaman ni katiting na galit sa dibdib niya para sa matandang lalaki. But still, madaling magpatawad pero hindi madaling makalimot. Alam niya na matapos ang nangyari sa pagitan nila ay hindi na babalik sa dati ang relasyon nila ni Tom. Sa ngayon, ang kailangan ni Aki ay bigyan ng closure ang lahat at tuluyan nang mag-let go. Katulad ng sinabi sa kaniya ni Alice.

Tumayo ang may-edad na lalaki nang tila makabawi at tuluyang humarap sa kaniya. "Where have you been?"

"Philippines," tipid na sagot ni Aki. Isinara niya ang pinto sa likuran niya at nakapamulsang naglakad palapit sa lalaki. Lumampas ang tingin ni Tom sa balikat niya na parang may hinahanap. May ideya siya kung sino. "I'm alone."

Kumunot ang noo ni Tom nang ibalik sa kaniya ang tingin. "Where's Veronica?"

"Concerned?" balik tanong niya.

Natigilan si Tom at tumiim ang mga bagang. Pagkatapos ay bumuntong hininga at muling umupo sa swivel chair. "Are we still going to talk about this? I told you I will not regret sleeping with her."

"And reason again was what?" tanong ni Aki. Noong huli nilang pinag-usapan iyon ay sa cellphone. Hindi siya nagkaroon ng pagkakatong makita ang hitsura nito noon. Subalit ngayon ay may gusto siyang kumpirmahin.

Tumiim ang mga bagang ng may-edad na lalaki at nag-iwas ng tingin. Subalit nakita na niya ang kislap ng emosyon sa mga mata nito bago iyon nagawa ni Tom. A hint of weakness. A crack on his diamond-hard armor. "Because I will do anything for you to produce the kind of music that will bring me millions," sagot nito.

"Just tell me one thing," sabi ni Aki. Nang ibalik ng may-edad na lalaki ang tingin sa kaniya ay saka lang siya nagpatuloy. "When you were involved with Veronica, did you sleep with other women too?"

"Why are you even asking me that?" kunot noong tanong ni Tom.

"Just tell me," giit niya.

Ilang segundong nagtama ang kanilang mga mata bago muling nag-iwas ng tingin ang may-edad na lalaki at isinandal ang ulo sa swivel chair. Tumingin ito sa labas ng glass wall ng opisina nito. "No. I didn't," mahinang sabi ni Tom.

Mahabang katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Sapat na ang maiksing sagot na iyon bilang kumpirmasyon sa nais niyang malaman. Bumuntong hininga si Aki at dinukot ang usb sa bulsa niya. Pagkatapos ay ipinatong niya iyon sa lamesa. Napatingin doon si Tom. "Listen to the songs I made. This will be the last album I will make for Veronica and for your music label, Tom," seryosong sabi niya.

Tiningala siya ng may-edad na lalaki. "I guess as much when I suddenly lost contact with you. Are you going to work for another label after this then?"

Muling namulsa si Aki. "No. After we finish recording her album I am going to vanish from the U.S."

Kumunot ang noo ni Tom. "What are you talking about? Are you going to waste your talent?!"

Seryosong tinitigan ni Aki ang may-edad na lalaki. "I appreciate your concern. But whatever I do after this is my business. Call me as soon as you hear the songs. I want to start recording as soon as we can." Iyon lang at tumalikod na siya at lumabas ng opisina nito. Marami pa siyang kailangan asikasuhin. Gusto niyang matapos ang lahat sa lalong madaling panahon.

Nang makalabas siya ng gusali ay sandaling nanatili lamang nakatayo sa sidewalk si Aki at iginala ang paningin sa paligid. Nagtataasan pa rin ang mga gusali roon at napakarami pa ring tao. Walang ipinagbago. Subalit sa loob niya, alam niyang may nagbago. Nagbago ang lahat sa kaniya mula nang makilala niya si Alice. Sumikip ang dibdib niya nang maalala ang babae.

Nag-vibrate ang cellphone niya at dinukot niya iyon sa bulsa niya. Iba iyon sa cellphone na gamit niya noong nasa pilipinas pa siya. Numero iyon ni Veronica. Sinagot niya ang tawag. "Where are you, Aki?"

Huminga siya ng malalim at sandaling napapikit. "I just went out for a while Veronica. I'm on my way back."

"Okay. I'll be waiting for you."

May bumikig sa lalamunan ni Aki. Bago siya makapagsalita ay pinutol na ni Veronica ang tawag. Isinuksok niyang muli ang cellphone sa bulsa niya at nagsimula nang maglakad.

SCANDAL MAKERSWhere stories live. Discover now