Part 51

8.4K 346 14
                                    

Ikinulong ni Aki ng dalawang palad ang mukha niya at pinakatitigan siya. "God, I missed your laugh. I missed you," sinserong usal nito.

Uminit ang gilid ng mga mata niya. Sinalubong niya ng tingin ang mga mata ng binata at hinawakan ang mga kamay nitong nasa mukha niya. "Na-miss din kita. Sobra."

"Huwag mong sabihing tatanggapin mo uli ang lalaking iyan pagkatapos ng ginawa niya, Alice?" manghang bulalas tatay niya. Napunta tuloy sa pamilya niya ang tingin nilang dalawa ni Aki. Inalis nito ang mga kamay sa mukha niya pero mahigpit namang ginagap ang kamay niya bago humarap sa pamilya niya. Naging seryoso ang ekspresyon sa mukha ng binata.

"Bumalik ako ng amerika para tapusin ang trabahong naiwan ko doon. Hindi totoo na umalis ako ng bansa para sa ibang babae. Kaya kong ipaliwanag ang tungkol doon. Pero bago iyon puwede niyo ho ba kaming bigyan ni Alice ng pagkakataong makapag-usap?"

Sa sinabi ni Aki ay biglang naalala ni Alice ang naging pag-uusap nila ni Veronica noong nagkita sila sa parking lot. Humigpit ang hawak niya sa kamay ng binata. "Okay. Let's talk," sabi niya.

"Alice!" bulalas ng tatay niya.

"Hayaan mo sila, papa. Kailangan nilang mag-usap. Hindi na lang ito tungkol sa kanilang dalawa. Magkakaanak na sila," saway ng mama niya sa kaniyang ama. Mukhang nadaan sa saway ng nanay niya ang papa niya dahil natahimik na kahit lukot pa rin ang mukha.

"Salamat po," sabi ni Aki na bahagya nang napangiti.

Si Alice naman ay nahuli ang tingin nina Coleen at Larry na binigyan siya ng supportive nod. Gumanti siya ng tango bilang pasasalamat sa suporta ng magkasintahan bago hinigit si Aki papasok sa bahay nila. Nang muli silang magkaharap ay sinalubong niya ang tingin ng binata at nagsalita. "Kung hindi si Veronica ang dahilan kung bakit ka nagpunta ng amerika, bakit magkasabay kayong umalis?"

Mukhang nagulat si Aki sa biglang tanong niya pero nakabawi naman kaagad. "Dahil hindi siya babalik ng amerika kung hindi ko siya sasamahan. Matigas ang ulo niya at ayokong magtagal pa siya sa Pilipinas dahil baka malaman ng press kung ano ang mayroon kami noon at lalo ka na naman nilang guluhin. Hindi ko alam na may nakakita sa amin sa airport. Nakasuot pa nga kami ng disguise," paliwanag nito.

Huminga ng malalim si Alice. "Nagkita kami ni Veronica sa parking lot ng condo nang umagang umalis ako. Papunta siya sa unit mo. Ang sabi niya sa akin... buntis daw siya," gumaralgal ang tinig niya sa huling pangungusap.

"Sinabi niya iyon?!" manghang bulalas ni Aki. Tumiim ang mga labi niya at naningkit ang mga mata. Pagkatapos ay natigilan ito at may bumahang reyalisasyon sa mukha. "Wait, hindi mo naman siguro naisip na ako ang ama ng anak niya, hindi ba?"

Humalukipkip si Alice at nag-iwas ng tingin. "Bakit hindi ko iyon hindi maiisip kung alam ko na dati kayong may relasyon? Pagkatapos bigla ka na lang nagdesisyon na bumalik ng Amerika."

Muling hinawakan ni Aki ang mukha niya at hinarap siya. "Hindi ako ang ama. Dalawang buwan lang ang nasa tiyan niya, Alice. Wala nang nangyayari sa amin 'non. It was the old man she was sleeping with."

Napabuga ng hangin si Alice sa labis na relief. "Talaga?"

"Yes. Wala na kaming nararamdaman para sa isa't isa."

"Pero bakit siya nagpunta sa pilipinas para lang puntahan ka?"

Napailing si Aki. "Dahil wala naman siyang ibang matatakbuhan kung hindi ako. Ako lang ang nakakaalam ng relasyon niya sa ama ng anak niya. Takot siya at insecure. Kailangan niya ng taong aasahan at akala niya ako pa rin iyon. Pero sinabi ko na sa kaniya na iba na ang sitwasyon namin ngayon. Na hindi na kami puwedeng umasa sa isa't isa. Isa pa..." Humakbang ang binata palapit hanggang magkadikit na ang mga katawan nila. Bumilis ang tibok ng puso ni Alice nang maging masuyo ang kislap ng mga mata nito. "...nakakilala na ako ng isang tao na nais kong makasama higit kanino man. I already found you."

Nag-init ang mga mata niya. "Aki."

May gumuhit na ngiti sa mga labi ni Aki at tinawid ang pagitan ng kanilang mga mata. Magaan siya nitong hinalikan subalit damang dama ni Alice ang emosyon sa halik na iyon. Pagkatapos ay bahagya nitong inilayo ang mukha sa kaniya upang salubungin ng tingin ang kaniyang mga mata. "I love you, Alice. Gusto kitang makasama buong buhay ko. Gusto kitang alagaan at mahalin. Lalo na ang bata sa tiyan mo. Kaya nagdesisyon akong manatili na sa bansang ito for good. Habang nasa New York ako, I felt an intense homesickness even though I lived there almost all of my life before I met you. I felt so lost dahil wala ka doon. It was then that I realized that my home now is you. Kung nasaan ka, doon ko gustong umuwi. Kaya bumalik ako dito."

Namasa ang mga mata ni Alice at ipinaikot ang mga braso sa leeg ni Aki. Isinubsob niya ang mukha sa leeg nito. "I love you too, Aki. Sa totoo lang, sa edad ko akala ko hindi na ako makakakilala pa ng taong mamahalin ko ng ganito. Kaya nang makilala kita, I felt like it was a blessing from above. Alam ko na wala na akong makikilala pa kung sakaling iwan mo ako. Kaya masayang masaya ako na bumalik ka," usal niya.

Pumaikot ang mga braso ni Aki sa katawan niya at niyakap siya ng mahigpit. "I'm glad I'm back too," bulong nito sa tainga niya. Pagkatapos ay bumuntong hininga ang binata at ipinatong ang baba sa ulo niya. "Dapat yata gayahin natin sina Coleen at Larry at magpa-press conference. Kung hindi, hindi tayo titigilan ng mga reporter at hindi tayo makakabalik sa unit natin. Naglakat sila sa paligid ng building natin nang magpunta ako roon kanina."

Bahagya siyang kumalas sa binata. "Pero kapag ginawa natin iyon magtatanong sila tungkol kay Veronica. I think we should not talk about her business," sabi ni Alice.

Hinawakan ni Aki ang kaliwang kamay niya. "Then we should talk about something that will make them forget about her," sabi nito. Pagkatapos ay may dinukot ang binata sa bulsa nito. Umawang ang mga labi ni Alice nang may isuot ito sa palasingsingan ng kaliwang kamay niya. It was a diamond ring. Sumikdo ang puso niya at nanlalaki ang mga matang napatingala kay Aki na ngiting ngiti habang nakatitig sa mukha niya. "Alice De Dios, marry me."

Nanginig ang mga labi ni Alice at napaluha. Hinawakan niya sa batok si Aki at mariin itong hinalikan sa mga labi dahil masyadong maraming emosyon ang naglalaro sa puso niya na hindi niya kayang idaan sa simpleng salita. Gumanti ng halik si Aki bago may gumuhit na ngiti sa mga labi nito. "Is that a yes?" usal nito sa pagitan ng mga halik.

Sinalubong niya ng tingin ang mga mata nito at ngumiti. "Of course."

Ngumisi si Aki at niyakap siyang muli ng mahigpit. "Great," pabuntong hiningang sabi nito na para bang nakahinga ng maluwag. "Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kapag tumanggi ka." Natawa si Alice. Napakasaya niya. "Come on, sabihin na natin sa pamilya mo," sabi ni Aki pagkalipas ng ilang sandali.

Matamis siyang napangiti. "Magiging pamilya na natin," sabi niya.

Napatitig sa kaniya si Aki at naging masuyo ang kislap ng mga mata. Ginagap nito ang kamay niya at pinisil. "Tama ka. At magkakaroon pa tayo ng isa pang pamilya." Hinaplos nito ang tiyan niya bago ngumiti. "We are going to make your childhood dream come true."

Napamaang si Alice sa binata bago mulingnag-init ang mga mata sa labis na pagmamahal sa lalaking ngayon aymapapangasawa na niya. Tumango siya at matamis na ngumiti.

SCANDAL MAKERSजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें