Part 10

9.3K 346 21
                                    


Hindi maialis ni Alice ang mga mata sa lalaking nasa stage. Nakaharap sa lamesa nila ang posisyon ng nagpa-piano at nakatutok ang spotlight sa lalaki kaya sigurado siya na hindi siya nagkakamali ng tingin. Si Aki talaga ang tumutugtog ng piano.

Kung ganoon, tama siya ng hinala noong narinig niya ang tunog ng piano sa unit ng binata na tumutugtog ito sa music bar na iyon. Ito ba ang trabaho niya? Nawala na ang antok ni Alice at napunta na kay Aki at sa musika ang buong atensiyon niya. Pamilyar ang melodiya ng tinutugtog ng binata. Ilang sandali ang lumipas bago niya napagtanto na piano version pala iyon ng isa sa mga paborito niyang pop song. Hindi niya naisip na ganoon pala kaganda ang tugtog na iyon kapag hindi upbeat at piano lang ang tugtog.

Bukod doon ay may kakaibang aura si Aki habang nakaupo sa harap ng piano. Jeans, t-shirt at black blazer lang ang suot ng binata. Ang buhok nito ay mas mahaba na kaysa noong huli niya itong nakita. Ngayon lang nalaman ni Alice na medyo alon-alon pala ang buhok ni Aki kapag ganoong hanggang batok ang haba. Bahagyang nakayuko ang lalaki at para bang damang dama nito ang bawat melodiya ng musikang iyon. He was mesmerizing.

Nang matapos ang musika ay narealize ni Alice na hindi lang siya ang ganoon ang opinyon. Malakas kasing nagpalakpakan ang mga tao sa paligid. Napakurap siya at iginala ang tingin sa mga lamesang pinakamalapit sa stage. Umangat ang kilay niya nang mapansin na puro babae ang umookupa sa mga lamesang iyon at lahat ay may kakaibang ngiti sa mga labi habang nakatingin sa stage. Aba, may groupies pa siya ha?

"Ang guwapo ng tumutugtog, Miss Alice," kinikilig ding bulong ni Nikki sa kaniya. Nang sulyapan niya ang babae ay nakangisi na ito at inilalabas ang cellphone. "Kukunan ko siya ng picture."

"No!" mariing nasabi niya. Nagulat si Nikki. Pero mas lalong nagulat si Alice sa reaksiyon niya. Tumikhim siya at hinamig ang sarili. "I mean, no. Hindi naman siya masyadong guwapo," palusot niya.

Ngumiti si Nikki. "Sa tingin mo lang iyan, Miss Alice. Siyempre marami kang nakakasalamuha na mga artista at modelo kaya ang standard mo ng ka-guwapuhan mataas. Pero cute siya para sa akin kaya kukunan ko ng picture."

Hindi na nakapagprotesta si Alice nang muling humarap sa stage ang personal assistant niya. At bakit ba kasi ayaw niyang pakunan ng picture si Aki? What was that for?

Nagsimula na uli tumugtog ng bagong piyesa ang lalaki kaya napatingin na siyang muli sa stage. It was another pop song in a piano rendition na may jazz vibe. Titig na titig si Alice sa binata nang sa kalagitnaan ng piyesa ay bigla itong nag-angat ng tingin sa direksiyon ng lamesa nila ng assistant niya. Napaigtad siya nang sa kabila ng dim na ilaw sa bahagi ng lamesa nila ay nagtama ang mga mata nila ni Aki. May kumalat na nakakakiliting kuryente sa buong katawan niya, ginawang hypersensitive ang balat niya at nagpabilis sa pintig ng kanyang mga pulso. May init din na humagod mula sa dibdib niya pababa sa kanyang puson at kinailangan niya pagdikitin ang mga hita para pawiin ang init na iyon.

Nakaka-overwhelm ang naramdaman niya kasi sandali lang naman nagtama ang kanilang mga paningin. Ibinalik din kasi nito agad ang atensiyon sa piano. Naisip tuloy ni Alice na baka imahinasyon lang niya na nagtama ang mga mata nila. O baka hindi siya nito nakilala.

Pagkatapos ng pangatlong piyesa saka lamang tumayo si Aki at bahagyang nag-bow. Naalis ang tingin ni Alice sa binata nang kalabitin siya ng personal assistant niya. "Miss Alice, sumesenyas si Tita Bebs sa bar counter. Lalapitan ko lang siya sandali baka may ibibilin."

"Okay," nasagot niya at napalingon sa bar counter. Mukhang masaya pa rin nakikipag-usap ang manager niya sa may-ari ng bar. "Ikuha mo na rin ako ng maiinom, Nikki. Kumuha ka rin ng para sa iyo," bilin niya sa assistant niya bago ito tuluyang makalayo sa lamesa nila.

SCANDAL MAKERSWhere stories live. Discover now