Part 5

10.1K 301 7
                                    

ILANG oras pa lamang nakakatulog si Alice ay nagising na siya sa tunog ng cellphone niya. Nagmulat siya ng mga mata at sinagot ang tawag. "Hello?" inaantok pang bati niya sa kabilang linya.

"Alice, canceled ang commercial shoot mo ngayong araw. Stay at home. Signal number three daw ang bagyo sa Metro Manila ngayon," sabi ni Tita Bebs sa kabilang linya. Si Tita Bebs na ang tunay na pangalan ay Baby Manican, ay ang manager ni Alice mula pa noong teenager siya. Si Tita Bebs ang naka-discover sa kaniya noon at dahil mabait at capable manager ang matandang babae ay never sumagi sa isip niya ang magpalit ng manager. After all, pareho na silang tumanda na magkasama. Hindi niya iiwan sa ere si Tita Bebs na halos naging pangalawang ina na niya.

Tuluyang nagising si Alice at napabangon sa kama. "Talaga? Kaya pala ang sama ng panahon kagabi pa." Naglakad siya patungo sa bintana at hindi pa man niya hinahawi ang kurtina ay naririnig at nararamdaman na niya na malakas ang hangin at ulan sa labas. Nang hawiin niya ang kurtina nakita niya na sobrang dilim sa labas at halos hindi niya makita ang overlooking view ng Makati mula sa unit niya sa tenth floor ng condominium building dahil sa labis na lakas ng ulan. Lumiliwanag lang kapag may gumuguhit na malalaking kidlat sa kalangitan na agad sinusundan ng dagundong ng kulog.

"Oo. Delikado lumabas. Gamitin mo na rin itong pagkakataon para makabawi ka ng tulog at makapagpahinga," sabi ni Tita Bebs.

"At puwede na ako kumain ngayon ano? Ilang linggo ko rin ginutom ang sarili ko para sa pagrampa sa FHM kagabi. Puwede bang last na pagsali ko na doon?" reklamo ni Alice na lumayo na sa bintana at sumalampak uli ng upo sa gilid ng kama.

Natawa si Tita Bebs sa kabilang linya. "O sige. Kung iyan ang gusto mo. Sayang may offer pa naman sila na gawan ka ng photo collection na lalagyan nila ng exlusive interview mo. Gagawin daw limited copies at ibebenta sa sobrang laking halaga for charity. I-do-donate daw nila lahat ng mapagbebentahan para sa rehabilitation ng mga bahay ng mga nasalanta ng bagyo sa Visayas. Maganda ang offer. Ano sa tingin mo?"

Nakagat ni Alice ang ibabang labi. Talagang magandang offer iyon. At para sa Charity. Mula pa noon ay ipinangako na niya sa sarili na mag-gi-give back siya sa society para sa lahat ng tagumpay na tinatamasa niya. Kaya kapag charity hindi siya tumatanggi. "Hindi ako magpapaka-revealing," sabi niya.

"Sinabi ko na iyan sa kanila. Huwag ka daw mag-alala. Ipapakita nila sa atin ang isusuot mo sa photo shoot at kapag hindi natin aprubado papalitan nila. Nirerespeto ka nila, Alice."

Napahugot siya ng malalim na paghinga. "Alam ko. Pero pag-iisipan ko muna, Tita Bebs."

"Okay. Sige na, tatawagan ko pa si Coleen. Hindi sumasagot sa tawag ko ang babaeng iyon. Baka tulog pa. Ikaw rin matulog ka pa. Huwag ka masyadong magpagod ngayon, okay? Bye."

Nagpaalam rin si Alice at muling ipinatong sa bedside table ang cellphone niya nang matapos ang tawag. Ang sabi ni Tita Bebs ay matulog daw siya at magpahinga. Pero kapag ganoong nagising na siya ng tuluyan ay malabo na siyang makatulog pa. At kapag ganoong break niya ay isa lang ang ginagawa niya.

Tumayo si Alice at nakangiti na habang naliligo at nagpapalit ng damit. Hindi tulad ng mga elegante at fashionable niyang mga suot kapag lumalabas siya ng bahay, maluwag na t-shirt at maong shorts lang ang suot niya kapag nasa loob siya ng unit niya. Pagkatapos ay itinali niya pabalunbon sa tuktok ng kaniyang ulo ang buhok niya na hindi na iyon inaabalang suklayin. Lumabas siya ng kusina at nagsalang ng kape sa percolator. Kasunod niyon ay lumapit siya sa component niya kung saan nakasaksak ang ipod niya, pinili ang pop songs na mga paborito niya through the years at pinindot ang play button. Nilakasan pa niya ang volume para feel na feel niya ang beat at melody ng awitin. Pagkatapos ay namaywang si Alice at iginala ang tingin sa unit niya. "Oras na para mag general cleaning at mag-redecorate," sabik na usal niya sa sarili.

SCANDAL MAKERSWhere stories live. Discover now