Part 42

7.4K 271 13
                                    


HINDI alam ni Aki kung ano ang magiging reaksiyon nang sa unang pagkakataon mula nang dumating siya sa Pilipinas ay binuksan niya ang email niya. Nang tawagan niya ang ama niya noong isang araw ay sinabi nito sa kaniya na nakakatanggap daw ito ng email mula kay Tom Scott at tinatanong siya. Hindi na raw kasi siya ma-contact ng may edad na lalaki.

Subalit ngayon lang nagawa ni Aki na buksan ang email niya upang tingnan ang mga mensahe ni Tom. Pinapabalik na siya ng lalaki sa amerika at tawagan daw niya ito agad. Pinakiramdaman niya ang sarili habang binabasa ang marami pa nitong mensahe tungkol sa trabaho. Wala na siyang nararamdamang matinding galit at frustration na katulad ng dati. Marahil makakaya na niya itong kausapin at harapin.

Alam ni Aki na kailangan niya bumalik sa Amerika. Naroon ang lahat ng naipundar niyang properties. Naroon din ang bahay na puwedeng uwian ng papa niya kapag napagod na ito mag-volunteer work sa iba't ibang bansa. Bukod doon ay may unfinished business pa siya sa recording label ni Tom Scott. Kailangan pa niya mag-produce ng isa pang album bago matapos ang kontrata niya.

He was just about to click Tom's latest email when a new message came in. Natigilan si Aki. Galing iyon kay Veronica. Iyon muna ang binasa niya. "Shit," nabulalas niya at napatayo matapos niyang makita ang mensahe ng babae. Mabilis na pinatay niya ang computer, hinablot ang susi, wallet at cellphone niya at lumabas ng unit niya.

Nasa pilipinas daw si Veronica. Ibinigay ng babae kung saang hotel ito tumutuloy. Meet me or I will find you either way. I'm not going back to the States without you, Aki. Iyon ang laman ng email nito.

Hindi niya alam kung bakit nagpunta sa pilipinas ang babae. Pero ang sigurado lang niya ay kailangan niyang pabalikin ng amerika si Veronica sa lalong madaling panahon kung hindi naman trabaho ang ipinunta nito roon. Bago pa makatunog ang media sa dating namamagitan sa kanila ng babae. Bago pa bigyan ng mga ito ng maduming kulay ang maayos na nilang relasyon ni Alice. Hindi niya hahayaan na may makapanakit kay Alice sa kahit na anong paraan.

Nang maalala ang dalaga ay napatingin siya sa wristwatch niya. Alas nuwebe na ng gabi. May oras pa bago matapos ang taping nito sa araw na iyon. Makakausap muna niya si Veronica bago niya sunduin si Alice. Sasabihin niya rito ang tungkol sa naging pag-uusap nila ng dating nobya bago pa iyon marinig ni Alice sa iba. Iyon ay kung walang mangyayaring aberya. Knowing Veronica, hindi niya alam kung ano ang aasahan sa tunay na dahilan kung bakit naroon ang babae. Bukod doon ay marami pa silang kailangan pag-usapan ni Alice. Alam niya na oras na para pag-usapan nila ang kanilang hinaharap.

PAGPASOK pa lamang ni Aki sa hotel lobby at napansin ang tingin ng ilang tao roon ay nasiguro na niya na mas dapat siyang maging maingat sa kilos niya roon. Nakita niya ang rekognisyon sa titig ng mga tao roon. At kung kilala siya ng mga tao roon ibig sabihin alam din ng mga ito ang relasyon nila ni Alice. Ibig sabihin ay hindi magandang ideya na makita siya roong may kasamang iba. Kahit pa wala naman siyang gagawing hindi maganda.

Napabuntong hininga si Aki at naglakad patungo sa elevator. Nasa tapat na siya niyon at naghihintay nang may marinig siyang ingay mula sa kaliwang bahagi ng lobby. Kumunot ang noo niya at lumingon doon. Napaderetso siya ng tayo at umalerto nang makita ang dalawang western na lalaki na naglalakad patungo sa elevator. Hawak ng dalawa sa magkabilang braso ang babae na kahit mukhang naka-disguise ay alam niyang si Veronica. Mukhang nakainom na ang babae.

"We will have fun tonight," sabi pa ng isang lalaki.

"I don't want to. Leave me alone," langong usal ni Veronica.

Tumiim ang mga bagang ni Aki at malalaki ang hakbang na lumapit sa tatlo. "Let her go."

Napunta sa kaniya ang atensiyon ng dalawang lalaki at mukhang nagalit. "Mind your own business."

Matalim na tiningnan niya ang dalawa. Hindi siya makapaniwala na may mga ganitong tao sa mamahaling hotel na iyon. "I said let her go," mapanganib na ulit niya.

Noon nag-angat ng tingin si Veronica at lumiwanag ang mukha. "Aki. I knew you will come for me." Kumalas ito sa dalawang lalaki at palundag na yumakap sa kaniya. Nagmura ang dalawang lalaki bago inis na tumalikod at bumalik sa kung saan nanggaling ang mga ito. Nang makaliko na sa palisyo at wala na sa paningin ni Aki ang dalawang lalaki ay pinalis niya ang mga braso ni Veronica sa katawan niya at inilayo ang babae.

Inis na tinapunan niya ng tingin ang mukha ng babae. "What do you think you're doing getting drunk in a place you don't even know? Take better care of yourself, Veronica."

May sumilay na ngiti sa mga labi ng babae. "That's what I miss about you, Aki. You are so caring. Unlike Tom. The moment you were gone he became cold to me. I was so stressed I can't sing properly anymore," garalgal na usal ni Veronica.

Muling may narinig na ingay ng mga paparating na tao si Aki sa di kalayuan. Kasabay niyon ay tumunog pabukas ang pinto ng elevator. Inalalayan niya si Veronica papasok doon. "Come on, it's not a good idea for us to be seen together. Tell me your floor and room number," sabi niya. Ibinigay naman nito sa kaniya ang impormasyong hiningi niya.

"Good thing there are no one else in this elevator," nasabi ni Aki nang nasa loob na sila ng hotel suite ni Veronica. Pero hindi siya kumilos palayo sa pinto para makaalis na siya agad pagkatapos nilang mag-usap. Tinapunan niya uli ng tingin ang babae. "Veronica, if you have no business in this country then go back to the States."

"Why? You are the reason I came here," maktol ng babae.

"The more reason for you to go back. We are already over. I don't want people to assume that there is still something going on between us. Someday, all we are going to have will be work related. You can't just show up and tell me you came to see me. So go back," seryosong sagot ni Aki.

Napatitig sa kaniya si Veronica at pagak na tumawa. "Wow. If this conversation happened a few months ago, I will assume that you are saying that just because you hate the spotlight and you don't want to be talk about by people. But you are all over the news in this country Aki. Even the people in the hotel bar were talking about you and some local actress. An anti-social celebrity like you, going out in front of press people holding hands with some woman? What happened to you, Aki?"

Sa kabila ng lahat ay hindi niya naiwasan mapangiti nang maalala si Alice. "I just found someone I want to be with regardless of what other people say. That's all. So Veronica, I want you to go back to the States and just let me go. What we had was already finished even before I broke up with you. I tried to hold on to our relationship but we are not really meant for each other. So stop this."

Namasa ang mga mata ni Veronica. Pagkatapos ay umiiyak na bigla siya nitong niyakap. "No! You are not going to throw me away too. I won't let you. Not now. You told me before we went out that you will always take care of me right? I need you more than ever now, Aki," paulit-ulit na bulalas nito at pahigpit ng pahigpit ang yakap sa kaniya.

Tumiim ang mga bagang ni Aki. Throw me away too? Parang alam na niya kung ano ang dahilan at naroon si Veronica. Napabuga siya ng hangin at helpless na naisandal ang ulo sa pinto. Tumitig siya sa kisame habang umiiyak ang babae. May nakapa siyang kaunting simpatya para rito subalit bukod doon ay wala na. Kahit ang pagmamahal na nadarama niya noon para sa babae ay wala na.

Katunayan, habang umiiyak si Veronica ay halos hindi niya ito naririnig. Ang tanging nasa isip niya ay si Alice na siguradong hihintayin siya kapag natapos na ang taping nito. Gustong gusto na niya itong makita.

"You need to know something, Aki," usal ni Veronica na bahagyang inalis ang mukha sa dibdib niya at tiningala siya. Nang magtama ang kanilang mga mata at sinabi nito ang kailangan daw niyang malaman ay daig pa niya ang sinabugan ng bomba. May bumikig sa lalamunan niya at mariing napapikit. Anong gagawin ko ngayon?

SCANDAL MAKERSWhere stories live. Discover now