Part 27

7.5K 314 8
                                    

SAKAY ng elevator pababa sa lower ground floor kung nasaan ang parking lot si Aki. Kailangan na niyang magpunta sa music bar. Dapat nga ay kanina pa pero pinapakiramdaman pa niya kung dumating na ba si Alice sa unit nito. Subalit ang tagal na niyang naghihintay pero hindi pa rin umuuwi ang babae. Hindi tuloy siya mapakali.

Sa totoo lang ay hindi naisip ni Aki na darating sa punto na maghihintay siya ng ganoon sa pagdating ng isang babae. Bago niya nakilala si Veronica ay hindi siya nagkaroon ng isang committed relationship sa kahit na sinong babae. Hindi siya ang tipo na naghihintay. Kahit noong magkarelasyon sila ni Veronica ay hindi niya iyon ginagawa dahil pareho silang abala sa trabaho. He never arranged his schedule to fit hers like what he did for Alice. At ngayong iniisip niya, kapag nasa gitna siya ng paglikha ng awitin noon ay ni hindi niya tinatawagan si Veronica. Kapag naman siya na ang libre ang babae naman ang abala dahil sa recording at concert. Sa panahong magkasintahan sila ay halos bihira sila magkita. And when they do meet, all they did was sex.

Ngayon ay narealize niya na naging malungkot si Veronica noong magkarelasyon pa sila at siya ang may kasalanan. Iyon ang napagtanto ni Aki nang puntahan nila ni Alice si Coleen sa apartment nito at umiyak ang babae na kaya daw ito attached sa boyfriend ay dahil malungkot ito at ang lalaki lang ang nagpahalaga at nagbigay ng pagmamahal rito.

Naisip niya noon, iyon din kaya ang dahilan kung bakit nagawa ni Veronica makipagrelasyon kay Tom Scott? Nakatanggap ba ang kaniyang dating nobya ng affection mula sa matandang lalaki na hindi niya naibigay? Kung ganoon hindi lang si Veronica ang may kasalanan kung bakit nagkaloko-loko ang relasyon nilang dalawa. May kasalanan din si Aki. He took her for granted. At nang makipagrelasyon ito sa iba ay hindi man lang siya nagtangkang And when she strayed he never bothered to make an effort to keep her. Hindi dahil sa pride kung bakit hindi siya gumawa ng paraan para mapanatili sa tabi niya ang babae. Hindi lang talaga siya nagkaroon ng masidhing kagustuhan na pigilang mapalayo sa kaniya ang babae. Galit siya na pinagtaksilan siya nito pero sa tagong bahagi niya ay alam niya na magiging okay siya kahit na mawala ito sa kaniya.

Mas matindi pa ang sama ng loob niya na pinagtaksilan siya ni Tom na pinagkakatiwalaan at pinagkakautangan niya ng malaking utang na loob. Kung sa ibang lalaki na-involve si Veronica, sa tingin ni Aki ay mas makakaya niya at hindi siya lalayas ng New York.

That realization made him sick. Hanggang ganoon lang ba ang limitasyon ng pagtingin niya para kay Veronica? Hanggang doon lang ba ang kakayahan niyang magmahal?

Huminto sa ground floor ang elevator. Dahil nasa iba ang isip ni Aki, nang kumilos ang ibang sakay ng elevator para bumaba ay wala sa loob na napaibis din siya sa ground floor. Napagtanto lang niya iyon nang sumara na uli ang elevator. Napabuntong hininga siya at napatingin sa direksyon ng coffee shop. Marahil kape lang ang kailangan niya para maging alerto ang isip niya at hindi lumilipad sa kung saan. Kaya himbis na bumaba sa lower ground floor ay naglakad muna siya patungo sa coffee shop. Tutal may oras pa naman siya bago ang set niya sa music bar ni Victor.

Nasa bungad pa lamang ng entrada si Aki nang tila may sixth sense na napalingon siya sa dulong bahagi ng coffee shop. Kumabog ang dibdib niya nang makita si Alice sa isang lamesa... kasama ang boyfriend ni Coleen. Hawak ng lalaki ang braso ni Alice at mukhang nagtatalo ang dalawa. Pero higit doon ay mas natutok ang tingin ni Aki sa kamay ng lalaki sa braso ni Alice.

Tila kidlat na ginupo siya ng possesiveness. May sumulak na galit sa sikmura niya at bago pa siya nakapag-isip ay mabilis na siyang naglakad palapit sa dalawa.

"Titingnan ko ang magagawa ko," narinig niyang sabi ni Alice na mukhang hindi pa rin siya napapansin. Humigpit ang hawak ng lalaki sa braso ng dalaga kaya lalong tumiim ang mga bagang ni Aki. Nang tuluyan na siyang makalapit sa dalaga ay hinablot niya ang braso ni Alice hanggang mabitawan ito ng lalaki.

"Bitawan mo siya," malamig na sabi niya sa lalaking gulat na nakatingala sa kaniya.

Napalingon din sa kaniya si Alice at namilog ang mga mata. "Aki!"

Nilingon niya ang babae. "Bakit nandito siya? Ginugulo ka ba niya?" tanong niya.

Kumurap ang babae at umawang ang mga labi. "Oh. No, hindi ganoon."

"Alice, masyadong bayolente ang bago mong boyfriend," biglang sabi ng lalaki na tumayo na rin. There was a hint of familiarity in his tone na hindi gusto ni Aki.

"Hindi ko siya boyfriend. Just shut up, Larry," mahina ngunit mariing sabi ni Alice sa lalaki.

Parang sinipa ang sikmura ni Aki dahil kahit ang pagtawag ng babae sa pangalan ng lalaki ay para bang matagal nang magkakilala ang mga ito. Bukod doon ay parang asidong humiwa sa sikmura niya ang sinabi ni Alice. Hindi ko siya boyfriend. Kahit alam naman niya na totoo iyon. Wala silang napag-usapan kung ano ang tawag sa relasyon nila.

"Hindi pa tapos ang pinag-uusapan natin," reklamo ni Larry na kay Alice pa rin nakatingin.

Dumulas ang kamay ni Aki mula sa braso ni Alice pababa hanggang magagap na niya ang kamay nito. Pinisil niya iyon. Napatingala sa kaniya ang babae at para bang may nakita ito sa mukha niya na hindi niya mawari na lumambot ang ekpresyon nito at gumanti ng pisil sa kamay niya. Pagkatapos ay bumaling ang babae kay Larry. "Fine, pag-iisipan ko. Tatawagan kita."

Like hell you will, inis na naisip ni Aki. Hinatak na siya ni Alice palayo sa lamesa pero tinapunan pa rin niya ng matalim na tingin ang boyfriend ni Coleen na nakakunot din ang mga noo nang magtama ang kanilang mga mata.

"How immature," narinig pa niyang sabi ni Larry bago sila tuluyang makalayo ni Alice. Kumuyom ang kamao ni Aki at tumiim ang mga bagang. Pero dahil napansin niya na nakatingin na sa kanila ang ilang customer sa coffee shop ay binawi na niya ang tingin at kinimkim ang inis para sa lalaki. Hindi makabubuti para kay Alice kung gagawa sila ng eksena roon.

Nasa labas na sila ng coffee shop nang sa wakas ay bumagal ang lakad ng babae at tiningala siya. "Wala siyang ginagawa talaga. Nag-uusap lang kami," mahinang sabi ni Alice.

Napahugot ng malalim na paghinga si Aki upang kalmahin ang sarili. Bakit ba siya nagkakaganoon? Madalas naman ay kalmado siya. Nakita lang niya na may ibang lalaking nakahawak kay Alice nagdilim na agad ang paningin niya. Humigpit pa tuloy lalo ang pagkakahawak niya sa kamay ng dalaga. "Patawad, I overreacted," usal niya.

Ilang segundong tinitigan lang siya ni Alice bago may alanganing ngiti na sumungaw sa mga labi nito. "Oo. Umakto ka na parang nagseselos na boyfriend," biro nito.

Natigilan si Aki. So, selos ang nararamdaman niya. Napahugot siya ng malalim na paghinga at sandali lamang nag-isip bago hinigit si Alice patungo sa direksiyon ng elevator. Napasinghap ang babae. "Aki?"

"Nagbago na ang isip ko tungkol sa balak kong pagpunta sa music bar," sabi niya nang nasa loob na sila ng elevator at napindot na niya ang button ng tenth floor.

"B-bakit?" litong tanong ni Alice.

Niyuko ni Aki ang dalaga at hinuli ng tingin ang mga mata nito. "I want to spend the whole night with you."

SCANDAL MAKERSWhere stories live. Discover now